Chapter 38

5 1 0
                                    


Omel pov

"N-nasaan si re-",

"Wag mo na siya intindihin ako na bahala sa bata, habulin mo yung lokong yon....akalain mo nga naman na si Winston pala ang makakaharap mo na naman",ngisi nito

Ngumiwi ako ng maramdaman ang kirot sa may binti ko pero hindi ko na ininda yon at nagtungo kung saang direction ang itinuro ni sunny. Napatingin ako sa may taas na kung saan ay merong mga pinto mula sa glass window ay nakita ko si Winston na nagtatawag gamit ang telepono. Napatigil ito saka tumitig sa akin agad niyang binaba ang hawak ng makarating ako sa taas.

"Hilary....talagang nagtawag ka pa ng kasama mo?",alam kong ang tinutukoy niya ay si sunny, ngumiwi ako at umiling

"Hindi ko rin alam na nandito siya",

"Sinungaling!",sigaw niya
"Ahhhhhh!!!",umiwas ako sa akmang pag palo nito sa akin sa kanan saka sa kaliwa, dahilan para ang matamaan ay ang lamesa na nag gawa kaagad ng malakas na ingay

*Plaaakkk

*Bogggsshhh

Kalabog ng ihampas niya sa akin ang dinampot niyang kahoy na upuan, pero dahil nakaharang ang braso ko sa aking muka at ulo ay likod ko ang natamaan dahil na rin sa yumuko ako. Sinalag ko ang kaliwang braso nito at siniko sa dibdib ng dalawang beses.

"Aghhhhhkk",angik nito
"Ahhh!", sigaw niya sa sakit ng suntukin ko siya sa may tenga, na agad na dumugo at nagbigay sa kanya ng hilo para ito ay matumba.

Sinipa ko ito sa sikmura dahilan para mapatihaya ito habang umuukit ang sakit sa muka habang nakahawak sa kanyang tiyan. Tumayo ito saka sinangga ang braso ko at itinulak ako gamit ang ulo na ikinaurong ko naman, siniko ko ito ng dalawang beses sa likod ngunit hindi ito bumitaw bagkus ay sumigaw at malakas na inihampas ako sa pader na nagbigay sa akin ng sakit sa likod saka ako sinuntok sa magkabilang panga, idinura ko ang dugo na nalasahan ko sa aking bibig.

"Hilary kung tutuusin kaya kitang patayin!",giit ni Winston

At sinuntok ako sa sikmura na ikinaangik ko sa sakit, tuloy ay napahiga ako tinadyakan naman niya ako ng dalawang beses. Ang pangatlong tadyak ay hinawakan ko ang sapatos niya habang hirap sa pag hinga dahil nawawalan ako ng pwersa mas lalo niyang idiniin yon, ngunit ginamit ko ang lakas para sipain siya sa likod.

"Ahhhhh!",sigaw nito at tumayo ako saka siya sinipa sa dibdib, dahilan para tumalsik ito sa glass window na agad na nabasag sa lakas ng pagkakahampas niya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at tumalon para siya ay sipain ng patalon.
"Ahhhhhhhjjkkk",tumalsik ang dugo nito sa bibig at agad na pumutok ang labi at kilay na naging dahilan para umagos ang mga patak ng dugo sa kanyang muka.

Pinunasan ko ang dugo na nasa bibig ko dahil sa ginawa niya at inis na inis na sumipa ng dalawang beses na nasasalag niya, kaya naman umikot ako sabay yuko para siya ay patidin at suntukin sa baba, napahawak pa ito sa bakal na nakaharang sa kanyang likod at habang nakatingin sa akin, dinura nito ang dugo sa bibig at pinunasan ang nasa kanyang leeg at tumingin ng deretso sa akin habang kuyom ang mga kamay.

Nakipag palitan ito ng suntok sa akin hanggang sa makabalik kami sa loob at doon ay nagpangabot, ngumiwi ako ng patalikod na tumama sa mesa at tiniik ni Winston, hiblot ko naman ang kwelyo nito saka hinila para pumalit kami ng pwesto, ngayon ay ako na ang mag tiik sa kanyang leeg habang siya ang naghihila sa akin. Tinuhod ako nito kaya naluwagan ang kapit ko sa kanyang leeg.

At ito naman ay nagpakawala ng suntok ngunit umilag ako at tumalikod bago siya suntukin sa panga ng makailang ulit hanggang sa ang muka nito ay parang namamaga sa sobrang pula.

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now