Chapter 40

5 0 0
                                    


Giovanni pov

"Hey", aniya saka isinara ang libro na binabasa habang nakatingin sa akin

"Dinalhan kita ng almusal, ano yang binabasa mo?",

"Ah. Nothing",sinilip niya ng tray saka ngumiti
"Thank you, honey",

"Tumigil ka jan javi, ginagawa ko ito bilang pasasalamat sa ginawa mo", natatawang giit ko

"Ayaw mo bang tawagin kitang honey? Or sweetheart? Gusto mo?",

"Kumain ka na nga",anik ko, natawa naman ito

Ilang araw ng hindi bumibisita si sunny dito, nakakausap naman niya si omel pero sa phone lang.

"Bakit nga pala hindi na napunta si sunny dito?", Takang tanong ko kay javi na tumigil sa pag subo

"Ah! Sabi niya wala siyang gana, marami ring iniisip ang isang yon pero ni hindi man lang nag kwekwento, mas gusto niya raw sa bahay niya",

"Bakit? May problema ba?",

"I don't know. Maybe meron pero sinasarili niya, saka don't worry about her pupunta yon kapag trip niya", pagkatapos niyang kumain ay mo nainom siya ng gamot

Makalipas ang ilang araw ay bumisita na ang doctor ni javi dito, at inalis ang gasa sa kanyang noo, magaling na ito at tuyo na pero ang scar nandon pa rin matatanggal naman raw yon sabi ng doctor perp kailangan ng ointment para mas mabilis at sure na hindi mag iiwan ng scar.

Ang binti naman ni javi ay nasabihan na ng doctor na aalisin ang semento sa binti nito, mabilis pero natural daw yon lalo pa at hindi naman daw malala ang bali sa paa ni javi kaya mabilis ang recovery pero kailangan pa rin ng konting ingat at hindi pa rin pwede ilakad at itakbo para naman mas gumaling pa at hindi na ito sementohan pa.

Kaya naman nanatili ito sa kama o nakaupo, inaalalayan ko naman kung gusto niya maglakad lakad o bumaba. Hindi naman siya naboboring dahil parati niyang kausap si rey na laging nag kwekwento sa kanya ng kung ano ano.

KINABUKASAN ay napatingin ako sa isang magarang sasakyan na nasa labas na hindi pamilyar sa akin, siguro ay si sunny mayaman sila kaya naman natural na marami silang sasakyan na magaganda si javi nga ganon din eh.

Pero kumunot ang noo ko ng bumaba ron ang hindi pamilyar na muka sa akin naka, sino ito? Derederetso ito papasok sa bahay saka papataas sa hagdan ng tawagin ko ito

"T-teka? Sino ka?", tanong ko agad niya akong nilingon

Seryoso ang muka at kunot na kunot ang noong nakatitig sa akin, mula ulo hanggang paa ay tiningnan niya, saktuhan naman na tumakbo papasok si rey galing sa garden at pumunta sa akin.

"Mama!! Tingnan mo oh! Ang ganda ng bulaklak magugustuhan ba ito ni papa?",sigaw ni rey

Hindi ko inalis ang paningin sa babae na nakataas ang kilay, saka naman tumingin sa likod ko at nandon ang mayordoma na patungo sa gawi namin na agad na nanlaki ang mata na mas lalo kong ipinagtaka.

"Miss vanell? Kayo po pala",yumuko ang mayordoma ng mansyon ni javi sa babae

"Who is she?",turo ng babae sa akin at kay rey tumingin ang mayordoma ni javi sa amin

"Ako po si rey!...anak po ako ni papa javi!",pag unang salita ni rey sa mayordoma

Agad na umiba ang reaction ng babae saka ngumisi, at umiling iling.

"Really?",hindi ko nagustuhan ang tono nito ng tanong kay rey

"Sino ka ba huh?",hinila ko si rey papalayo sa babae

Hindi ito sumagot at dumeretso papataas, tumingin ako sa mayordoma ng kalabitin ako

"Si miss mercy yon, anni....isa sa matalik na kaibigan ni sir omel",bulong niya

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now