Chapter 39

80 2 1
                                    

Chapter 39

Warning: SPG

Do what you want Mr. Monteverde

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Tara! Let's dance na!" sigaw ng lasing nang si Lauryn. Hinila na nya sila Reinee, Mildred, Hera at Trixx. Nakita ko namang napatayo sa kinauuupuan niya si David dahil natisod pa si Reinee dahil sa kalasingan at dahil sa paghila ni Lauryn.

Pero maya-maya ay binalikan ako ni Mildred at hinila na rin patungong dance floor. Umaalon na ang paningin ko kaya nahirapan si Mildred na hawakan ako. Nang sa wakas ay makarating na kami sa dancefloor ay doon nagsasasayaw kami. Sumisigaw pa si Hera at Lauryn kasabay ng rock music. Maraming tao sa dancefloor, crowded kaya nagkakabanggaan kami ng mga ibang sumasayaw.

"Ano ba??" maarteng sagot ng isang babaeng nabangga ni Lauryn. Tumawa lang siya at hindi pinansin ang reklamo ng babaeng nabangga. "Hindi ka ba tumitingin sa palgid mo? Nakakabangga ka na eh!" galit na asik ng babae.

"Ow. Ow. Sorry Miss. Lasing na kasi ang kaibigan ko" sabi naman ni Trixx. Tingin ko ay hindi pa ito lasing dahil nakakapagsalita pa ng maayos. Si Lauryn ay gegewang-gewang na at humalakhak pa.

"Pagsabihan nyo kasi!" mataray na sabi nong babae.

Lumapit pa si Lauryn sa babae at dinuro ito. "Hey girl, could you please, shut your mouth?? Ang ingay mo eh. Panira ka ng mood eh" aniyang napipikit na ang mata sa kalasingan.

"Hindi mo ba kilala kung sino ako??" sabi naman ng babae.

"Tss. Kahit sino ka pa, I can buy you, your friends and this bar!" natatawang untas ni Lauryn kaya nagtawanan kami nila Reinee, Trixx, Midred at Hera.

"Wow! Anne Curtis, is that you??" natatawang sabi ni Reinee saka humalakhak.

Naku! Tingin ko mapapaaway pa kami dahil sa kalasingan eh. Nakita ko namang lumapit sila David at Brayden samin. Ipinulupot ni David ang braso sa baywang ni Reinee at binulungan sya.

Tumango naman si Reinee saka hinila na si Lauryn na nag-aamok na ng away sa babae. Natatawa pa rin sila Hera at Mildred kaya sinabihan ko na silang tulungan si Reinee sa paghila kay Lauryn dahil nakuha na namin ang atensyon ng ibang tao sa bar.

Naupo na kami sa upuan namin kanina at doon ay pinagtawanan namin ang nangyari. Wala na rin iyong babae kaya naghalakhakan na kami.

"Uma-Anne Curtis ka na pala Lauryn ah?" sabay tawa ni Trixx. Ngayon ay umorder na kami ng beer. Pambanlaw raw.

"Anak iyon ng konsehal dito sa Baler, Lauryn" natatawang sabi ni Hera.

Tumawa lang si Lauryn. "I really don't care kung kaninong anak pa sya"

"Oo nga! Konsehal lang ang tatay or nanay niya, pero si Lauryn anak ng the great senator Denver Alvarado. Kaya Anne Curtis ang peg" sabi naman ni Trixx sabay laklak ng isang boteng SM light.

Nagtawanan nanaman kami. Wala talaga silang kinatatakutan dahil matataas ang katungkulan nila sa lipunan. Si Trixx ay may-ari ng minahan ang kanilang pamilya at isinisigaw rin ng karangyaan ang pangalan nila.

Ilang oras na ang nakalipas ay nasa bar pa rin kami. Lasing na lasing na si Lauryn at Hera. Sa katunayan ay nakatulog na sila sa upuan at parehong knock out na. Si Mildred naman at Trixx ay tamado na rin at nagbobolahan na. Si Reinee naman ay tulog na rin sa balikat ni David. Ang dalawang babaerong si Jarred at Travis ay nasa gilid at masayang nagtatawanan. Hindi ko naman napansin na nasa tabi ko na si Brayden at pasimpleng nakahawak sa likod ng inuupuan ko.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon