NGITI
Bawat ngiti mo ay nakakahawa.
Nakaukit sa maaliwalas mong mukha.
Mga mata mo ay parang bituin,
Patuloy na kumikislap kahit may suliranin.
Pawiin ang pusong puno ng problema.
Huwag mong ipakitang mahina ka.
Mga ngiti na nasa iyong mga labi
Ay wag mong hayaang magkubli.