Naglalakad ako sa hallway ng aking paaralang pinapasukan , papunta sa ng gate nito habang dala ang aking bag dahil ngayon ay uwian na . Maya - maya ay may nakasalubong akong isang lalaki , nagtagpo ang aming mga mata ngunit agad namin itong iniwas .
Nakaramdam ako ng lungkot , sakit , at guilt saking sarili . Dahil siya , ang lalaking nakasalubong ko , ay si Ryder Blake Harris , ang lalaking iniwan ko nung mga panahong kami ay bata palang , siya ang lalaking kababata ko, na walang akong magawa kundi ay iwan siya dahil lumipat na ang pamilya namin sa ibang bansa .
Ilang araw akong nangulila sa presensya niya ng simulang lumipat kami sa ibang bansa , at ilang araw din akong umiyak dahil sa pagka-miss sa kanya .
Ngayon ay nasa harap ako ng gate patungo sa bahay namin . napatingin ako sa front garden nito , na-alala ko tuloy yung mga panahong kami'y bata palang masayang umaawit ng mga kanta at masayang naglalaro gamit ang aming mga laruan at minsan ay nag-aagawan pa kami dito. napasighap ako at sinabi sa sarili ko , kung pwede ko lang sana talagang ibalik ang " Dati ".
Natigil ako sa pag-alala ng mga nangyari nung kami'y bata pa dahil may naramdaman akong dumaan sa likod ko . napag-alaman ko na siya pala yung dumaan , si Ryder . ilang saglit ding napakunot yung noo ko at tinatanong saking isipan kung bakit siya dumaan sakin likuran , saka ko lang pala ito na-alala magkatabi lang pala kami ng bahay at parehas kami ng subdibisyong tinitirhan .
Napatingin ako sa direkyon niya , at tumingin sa kanyang mukha , ngunit nagulat ako ng mapagkaalamanan kong nakatingin din pala siya sakin . Nagtagpo uli ang aming mga mata , ngunit kaya ng palagi naming ginagawa ay iniwas nalang namin ito .
Binuksan ko na ang aming gate at nagtungo sa aming bahay , nilapag ang aking mga dalang gamit at saka umupo ng saglit at nagpahinga at bumulong sa sarili ng " kung pwede ko lang talaga maibalik ang DATI " at saka umalis na .
Nagtungo ako sa isang lugar , ang lugar kung saan kami palaging naglalaro ng aking kababatang si Ryder , nung panahong kami ay mga bata palamang . Umupo ako sa ilalim ng puno sa gitna ng lugar nito . itong parte ng lugar na ito ko na-alala kung saan kami nagbabati kapag nag-aaway kami noon , minsan ay siya pa nga ang nauunang humihingi ng tawad sakin kapag nag-aaway kami .
Nagpatuloy ako sa pag-aalala nang mga bagay na nangyari samin nung kami ay mga bata pala mang katulad ng pagkukunwaring siya ang hari ko at ako ang kanyang reyna , na-aalala ko rin yung mga panahong nagmimistulang akong prinsesa dahil sa pag-sagip niya sakin mga umaaway na batang kaedaran namin noon.
Na-aalala ko rin yung mga panahong naglalaro kami ng bahay-bahayan , gamit ang mga pinagdutong na kumot habang nakatali sa kawayan . Yung mga panahong kami ay pawang magkalaban pag nagtataya-tayaan pero kasing tamis ng kendi pag nagkakasal - kasalan .
Na-aalala ko rin yung mga panahong ginagaya namin kung paano umakto ang mga bida sa tv . at yung mga panahong parehas a sabay kaming tumatawa kapag nakakapanood ng mga cartoon sa tv na nakakatawa.
Napabulong nanaman ako sa sarili ko . " Ang sarap siguro balikan ng mga alaala namin nung kami ay bata pa , kung pwede ko lang sana talagang ibalik ang DATI ay ginawa ko na sana.
Naramdaman kong may mga luha ng pumapatak sakin mata at nakaramdam din ako ng matinding lungkot kaya isinubsob ko ang aking mukha saking tuhod at nagsimulang umiyak ng mas - malakas .
Nang magtigil na ako sa pag-iyak ay inangat ko ang aking ulo , ngunit nagulat ako ng may nakita akong nakatingin sakin . yun ay si Ryder , ang aking kababata na hindi na ako muling inimik nang magmula ng bumalik ako dito sa Pilipinas .
Dali - dali akong tumayo habang pinupunasan ang mga luhang umaagos saaking mukha at tumakbo , ngunit naguulat ako ng may biglang akong naramdamang humawak sa aking braso at pumigil sa pagtakbo ko .
Naramdaman ko nalang na may biglang yumakap sakin ng mahigpit at binitawan ang mga salitang na nag porma ng isang ngiti sa aking mukha .
at ang mga salitang iyon ay " I MISS YOU " , sabay halik saking buhok .
Naramdaman kong tuloy - tuloy parin akong lumuha , ngunit nagulat ako ng may naramdaman akong pumatak na luha saking buhok at doon ko lang napag-kaalaman na umiiyak na rin para siya , Si Ryder , Ang aking kababata , Ang Aking Hari , Ang Aking Prinsipeng tagapagligtas , at Ang aking Best -Friend .
- THE END-
BINABASA MO ANG
Dati (One shot story)
Teen FictionKung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan . - Skyler Kaelyn Harper