Oo, minahal kita
Ngunit hindi kita pinaasa
Naisip ko lang na baka masaktan kita
At bigla kang maghanap ng iba
Ika'y napamahal sa akin ng sobra
Kaya ayaw kitang mawala
Ngunit sa desisyong akala ko'y tama,
Ika'y nasaktan ko ata ng sobra
Gabi gabi kitang iniisip
Hanggang sa aking panaginip
Mundo ko'y naninikip
Hindi mo man lang ba maisip?
Nang ika'y aking iniwan,
Akala ko, hindi na ako masasaktan
Ngunit grabe naman
Bakit ganito ang aking nararamdaman?
Nang una'y akin nang nalaman
Na sa aking disisyo'y tayo'y masasaktan
Ngunit Ito na lang ang naiisip kong paraan
Upang ako'y hindi mo biglang iwanan
Sa mga masasakit na salitang iyong binibitawan,
Bakit ako nasasaktan?
Samantalang ito nama'y aking kasalanan
Dahil hindi man lang kita pinagbigyan
Ngunit pakatatandaan mo sana
Na hindi kita pinaasa
Mahal lang talaga kita
At ayaw kitang mawala
BINABASA MO ANG
Paasa Raw Ako?
PoetryWala naman talagang paasang tao. Minsan,, nagdadahilan lang ito para di mawalay sayo :)