DAHAN-DAHANG tinahak ni Cassandra ang malawak na daanan papunta sa bukana ng mansion ng kaniyang lolo Ejercito, pagbungad pa lang niya sa may gate ay narinig na niya ang pagpito ng kung ano at kasunod n'on ay ang pagtambol at pagtorotot ng mga insrumento.
Eh? Anong mayroon? Satsat pa ng isip n'ya. Mayamaya pa ay may nakita niya ang pagmartsa ng mga nakaunipormeng kababaihan na may dalang baton, may mga nagda-drum din at ang ilan na may dalang mga flaglets na sumasayaw.
May fiesta ba? Dagdag pa na tanong ng isip n'ya. Naunang maglakad si Kata sa kaniya kaya kinalabit n'ya ito.
"Bes, sinong nag-request na may ganiyan?" turo pa ni Cassandra sa bandang sumalubong sa kaniya.
"Ay, oo, surpresa 'yan ng lolo mo," ngiti pa ni Kata na nakangiti sa kaniya. Dala pa nito ang iilang bagahe n'ya.
"Nasa'n si bakulaw?" nakangusong tanong n'ya rito.
"Ha?" kunot-noong tanong ni Kata sa kaniya.
"Where's that freak?" kibit-balikat na tanong niya. She means Alejandro, the man she doesn't like a hundred percent.
"Si Alejandro ba ang ibig mo bang sabihin?"
Tumango siya.
"Ayon oh," ininguso pa ni Kata ang lalaking kasunod n'ya. Nakatitig lang ito sa kaniya na tila narinig ang pagmamaktol niya kanina.
"Excuse me, freak." Sabi pa ni Alejandro na nilampasan siya saka pa matamang tiningnan ang pigura ng kaniyang mata.
"Let's go, your lolo is waiting for you," walang emosyon na saad nito.
Hindi siya nakagalaw sa pagtitig nito sa kaniya. Kanina pa ito sa runway hanggang makasakay sila sa sasakyan, panay pasaring ang ginagawa nito sa kaniya. She hates him to death!
"Antipatiko!" she added nang makalayo na ito sa kaniya.
Kinilig naman si Kata na inabot pa siya ng hampas sa kaniyang braso.
"Ang sweet n'yo talaga, pansin ko, may chemistry kayo!" kilig na saad ni Kata. She rolled her eyes saka pa umiling na tila nandidiri.
"I tell you, Katarina, he is not my type!" diin pa ni Cassandra sa bawat pagsambit niya sa bawat kataga.
"Sus! Masasanay ka rin sa kaniya, malalaman mo rin ang sinasabi ko."
"Duh, as if?"
"Yes, he is someone who will surely help you a lot, lalo na dito sa bayan...kilala kasi siya ng lahat."
"Duh! Kahit sino pa s'ya, I don't like him, he seems so mayabang and...barumbado." Maarteng saad niya saka pa nagsimulang maglakad papunta sa hagdan ng mansion. Nginitian lang niya ang mga nasasalubongan niyang mga tao, kahit ang totoo'y kanina pa siya naiilang dahil wala naman talaga siyang kakilala sa mga ito. Si Kata lang naman ang kilala niya at ang ilang mayordoma ng kanilang tahanan.
Dire-diretso siya sa tarangkahan, hanggang mabungaran niya ang nakangiting lolo niya na si Don Ejercito Monteverde. "Lolo!" she ran their distance.
"Apo ko!" masayang ani ng matanda na agad siyang niyakap.
"Lolo! I'm so happy to see you!" sambit pa niya habang nakayakap sa matanda.
"Oh, hija, kamusta ang b'yahe mo? Siguro'y nakilala mo na si Alejandro, ano?"
Tumango lang siya saka sinipat ang lalaking tinutukoy nito na nakakibit-balikat lang. Tipid itong ngumiti as if he teased her to be nice infront of her lolo.
"Yes, lolo." Tipid na ngiti rin niya sa binata.
"Mabuti." Sabi pa nito saka pa tinapik ang binatang kaharap niya.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...