Carmella Pov
"ISA!! Pakawalan nyo na ako!!" Sigaw ko habang nagwawala ng ipagharap kami ni Ace sa isa't isa pero sa halip na ihinto nila yung gagawin nila ay natawa lang sila habang si Ethan naman ay kumukuha ng litrato
"Isusumbong ko talaga kayo kay Kuya" Pagbabanta ko ng ipaglapit kami ni Ace sa isa't isa pero hindi nila pinansin ang pagbabanta ko. Lalo akong naasar ng makita ko ang ngise sa mukha ni Ace na para bang nasisisyahan sya sa nangyayari ngayon kaya naman inikutan ko sya ng mata atska ko tiningnan ng masama si Hunter na nasa likuran ni Ace.
"AHH TANGINA PAKAWALAN NYO NA AKO!!" Nagaw ng pansin ko si Cayden ng bigla itong sumigaw kaya naman napatingin ako sa kanya. Pilit na kinukuha ni Josh yung fingerprint nya at ibinahid ito sa papel, doon na ako nabalot ng kaba pero bago pa man ako makapagwala ay kinuha na din ang fingerprint ko at pati na din ng kay Ace
Lucas Pov
Tawa lang kami ng tawa habang pinapanood kung paano sila magwala at sumigaw, well alam na din ni Ace na ako ang nagplano nitong katarantaduhan naming ginagawa ngayon pero hindi nya naman alam kung anong klaseng trip at hindi nya din ako pinigilan kaya naman ngayon ay masama ang titig nya sa akin but who cares?? Nakakatawa kaya reaction nila lalo na sa kontrata na peke pero mapagkakamalang totoo kasi nga yung isa ko na kakilala mismo ang gumawa nyan
"Kumalma muna kayong tatlo bago namin kayo pakawalan" Kalmadong sabi ni Cyrus na nagpipigil ng tawa, hindi naman gumana yung sinabi nya kaya tinawagan nya yung girlfriend nya na agad namang dumating kasama pa nga si Irene, pagdating nila ay umalis na din ang iba para magtago kaya iilan nalang din kaming nandito
"Babe pwede bang kalagan mo silang tatlo?? Tatakbo lang kami" Narinig kong bulong ni Cyrus kay Sofia na nakatingin kay Carmella na nagpipigil ng tawa
"Sige na at tumakbo na kayo hahaha" Natatawang sabi ni Irene bago lumapit sakanila kaya naman agad kaming tumakbo palabas at ang iba naman ay may iba ibang tinaguan pa
"Sa parking lot!!" Natatawang sigaw ni Ryan kaya naman halos lahat kami pumunta doon at ako na naunang lumabas sa gate palabas sa schol
"HAHAHAHAHA" tawa ng taong nasa likudan ko kaya naman napalingon ako, si Liam lang pala iyon kaya naman napatawa din ako.
Carmella Pov
Nailibot na namin ang buong school at wala kaming nakita ni isa sa kanila, sumuko nalang kami ng makitang wala na ang sasakyan nila sa parking lot kaya naman bumalik na kami sa room na hindi pinapansin ang isa't isa. Kumain kayo ng tahimik at after non nagbilang na ng mga tickets pero walang kumikibo
"Umm ang tahimik natin ngayon ahh, nakakapanibago" Basag ko sa katahimikan, napatingin ako kay Ace ng bigla itong tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko???
"Just continue what your doing, pag natapos natin toh matutulog na agad tayo" Sabi ni Ace ng makabawi na sa pagtawa pero ako itong nagtataka pa din kung bakit sya tumawa pero kahit nagtataka man ay napatango nalang ako
"Solo natin tong buong room, hahaha wala ng maninipa ng mukha ko" Masayang sabi ni Cayden kaya naman napangite ako ng slight. SLIGHT LANG!!
"Oh sige" Sabi ko nalang kahit na gusto ko tanungin ang laman ng isip nila kasi hindi ko mabasa ang ekspresyon nila ngayon, ganon ba sila ka bad trip na hindi ko na mabasa ang iniisip nila?? Pero who knows diba?? Baka may iniisip lang sila
Ace Pov
NABITIN AKO.. Oo nabitin talaga ako kanina pero eto ako ngayon nagpipigil ng tawa dahil sa pamumula ng tainga ni Carmella na nakatalikod sa amin, pansin ko naman na nakatingin din doon si Cayden kaya naman napatawa kami ng mahina.
"Umm sige tulog na ako, good night" Nahihiyang sabi ni Carl, naging mukhang mahinhin tuloy sya pero bagay naman sa kanya lalo na't sumabay sa pamumula nya
"Sige sige sleep well' Sagot naman ni Cayde bago kami pumunta sa pwesto namin para maghanda matulog
"Sige Sleep well" Sagot naman ni Cayden kaya pumunta na ako sa higaan ko.
Carmella Pov
Nang maramdaman ko na tulog na ang dalawa ay dali dali akong umupo at dahan dahan sa pagkilos na kinuha ang laptop ko para manood ng movie, swerte na at solo ko ang pagkain at the best din ang quality dahil naka headset ako pero hindi ako maka focus kaya naman inubos ko nalang ang pagkain na binuksan ko at humiga
"Lagot talaga sila sa akin" Bulong ko sa hangin hanggang sa makaramdam ako ng pagod kaya naman hinayaan kong pikit ang aking mata, maya maya ay may nagkumot sa akin at naramdaman ko din na inaayos nya ang lagay ng laptop ko pero dahil sa antok ay hindi ko na nakita kung sino sya
"Goodnight" Bulong nya na sabi sa akin, tumabi na pala sya sa akin ang huli ko nalang na naramdaman ay ang pagyakap nya sa akin at doon na ako nakatulog.....
A/n: Magandang magandang araw sa inyo, well kahit po may magandang words dyan ay hindi naging maganda ang pagiging busy ko pero sabi ko nga na tatapusin ko toh kahit nasiraan ako ng cellphone (Sana mapalitan na agad)
BINABASA MO ANG
The only girl in Section C
Teen FictionA girl name CARMELLA, sounds innocent right? Is she look Innocent too? YES SHE IS but who know what she can do..... Isang babae na hindi tinanggap ng iba't ibang klaseng paaralan. Pero dahil sa connection na meron siya ay nakapasok sa isang magaran...