After 3 months.
Sa Musoleo ng mga Del Viñedo.
Manila Cemetery.Tahimik na napatitig si Xander sa lapidang naglalaman ng pangalan ng kanyang mga magulang. Payapa parin ang mga itong nakahimlay sa kinalalagyan kahit matagal na panahon na silang nagkalayo sa pisikal. Muntik narin talaga—hindi parin siya makapaniwala sa totoo lang. Sa tuwing iniisip niya na muntik narin siyang mamaalam agad sa mundo'y may kilabot parin siyang nararamdaman.
Pero naawa din siguro sa kanya ang Diyos at binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon. Salamat sa kakaibang pangyayari noong gabing iyon at nakaligtas pa siya't nakabalik sa kanyang nagdurusang pamilya. Ano man ang naging balakid ng sumpa sa kanila'y nawala na dahil marunong na siyang lumaban nang tama. Natutunan na niya kung paano pahalagahan ang mga taong lubos niyang minamahal.
Kung sana lang ay naaalala niya ang wirdong mirakulo... ang kaso'y malabo na ngayon ang kanyang memorya.
"Ba..."
"... Bababa..."
"... Baaa... ahhh baba!"
Nabali tuloy ang atensyon niya sa tinitingnan at napapokus ito sa naglilikot na kargang sanggol. Kung kanina'y tahimik pa ang paligid ay ngayon nama'y puno na ito nang matinis na tinig ng madaldal na si Zia. Napansin ata nito ang kanyang pagwawalang-kibo. Bigla nalang kasi itong nagyuyugyog sa kanyang braso habang nilalaro ang kanyang mukha.
"Mm? What does my Zia want to say?" Napapangiti tuloy niyang tanong sa bibong bata. "Come on, say it. Lolo and Lola are listening."
"Ba! Ba! Baaaababa!" Hiyaw nito habang itinataas ang mga braso.
Humagikgik tuloy siya saka pinaghahalikan sa pisngi ang nangungulit na chikiting. "Mhm... go and talk to them. They're up there in heaven smiling at you, my little angel."
Bumungisngis naman agad si Zia saka kumapit muli sa kanyang leeg.
"She's a very bright baby," usap na niya sa kambal na puntod nang naglaon. "I just wish you were here to meet her and Zion, Ma... Papa. I miss you both."
Habang hinihimas ang likuran ng anak ay nakaramdam siya nang kaunting kurot ng pangungulila sa mga magulang. Napabuntong-hininga tuloy siya—ika niya'y hindi na siguro mawawala 'yon. May mga sugat na kahit lumipas ang mahabang panahon ay hindi na ito maghihilom. Mabuti nalang at inaaliw siya ng bunso na aliw na aliw din sa suot niyang sombrero.
Maya-maya pa'y nakaramdam siya ng marahang haplos sa kanyang likuran. Paglingon niya sa tagiliran ay nagpakita agad sa tabi ang esposa niyang si Cathy.
"How are you?" Malambing na tanong ng misis.
"I'm okay, love," tugon naman niyang malumanay.
"Gusto pa ni Lola magtagal do'n kay Lolo Adriano eh. Sinamahan muna namin sandali."
Nagpatangu-tango tuloy siya sa kwento nito. "I know. It's okay. She must miss him a lot."
"Good morning, Lolo Ramil and Lola Helena," bigla namang usal ng munting si Zion na sumunod narin sa pwesto ng ina. "We're back again!"
Kaagad itong pumagitna sa kanila't saka kumapit sa kamay ni Cathy bago pinagmasdan ang nakasulat sa lapida.
"Where's your Lola Mona, bud?" Tanong niya sa panganay dahil mag-isa itong dumating.
"She's with Yaya Pacita. But... she said she's coming—"
"Oh!!"
Sabay-sabay tuloy silang napalingon sa likod nang marinig ang boses ng ginang. Akala nila'y kung napaano ito pero maayos naman pala itong naglalakad. Akay-akay ni Yaya Pacita ang kamay nito't habang papalapit sa kinaroroonan nila'y halatang mangiyak-ngiyak ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...