Chapter 9

663 42 14
                                    


" Ang laki na ng puhunan mo sa pagpapanggap na maging fiance ni Rhianie ah!"

Natatawa na sabi ni Logan sa kanya. Tumanaw lang siya sa malawak na gubat na tanaw sa balkonahe ng bagong bili niyang bahay bakasyunan. Malapit ito sa flower farm ni Rhianie.

" Salamat, Boss."

Pasalamat niya dahil ito ang tumulong sa kanya para ma purchase ang property na iyon. Ang pamilya ng ina nito sa mother side ay taga Baguio. At ang bahay bakusyanan na ito ay dating pag aari ng pamilya ng ina nito.

" It's okay. At least hindi sa iba napunta ang resthouse na ito. Hindi ko nga alam bakit ayaw bilhin ni Mommy.Ayaw din niyang bilhin ko. I really like this place."

Sabi nito na nakatanaw din sa labas ng balkonahe.

" Yeah, it's worth the millions I spent for this property."

Kahit na parang nasa highland resort lang din siya. Susulitin niya ang pagkuha niya ng property na ito. Dahil si Rhianie ay wala yatang balak siyang puntahan. Kaya siya na ang pupunta sa dalaga.

" Tuso ka Pareng Al. Pero mukhang mas tuso sa iyo si Rhianie."

Napatiim bagang na lang siya. Mahigit isang buwan itong hindi nagpakita o tumawag man lang.

" Ipapakita ko sa kanya kung paano ako maningil. You want to come with me?"

Tanong niya, pero umiling lang ito.

" Hintayin na lang kita dito,' Pre. Puntahan mo na at baka mawala ang pagiging grumpy mo."

Panunukso nito sa kanya. Tinapik niya lang ito sa balikat at saka mabilis na siyang lumabas ng bahay bakasyunan. Mabilis ang kanyang pagpapatakbo kaya halos kinse minutos lang ay nasa harap na siya ng flower farm ni Rhianie.

Gusto niyang pagalitan ang sarili sa excitement na nararamdaman. Pinakalma pa niya ang sarili bago lumabas ng sasakyan. Bahagya niyang inayos ang suot na puting t-shirt na hindi naman niya gawain dati.

" Fvck!"

He greeted his teeth in annoyance. As usual laging naka bukas ang hanggang bewang na bakod na kahoy ng farm house nito.
Nagtuloy siya sa elevated na porch na gawa din sa kahoy. Nasa harap na siya ng pinto at balak mag doorbell ng makarinig ng boses mula sa gilid ng bahay.

" C'mon, Vince! I'm not kidding, may boyfriend na ako!"

Napakunot siya ng noo sa narinig at mabilis na nagpunta sa pinanggagalingan ng tinig.Alam niya na iyon ng bahagi ng garden na may mga American roses na iba ibang variety.

" I'm visiting you here weekly, and I don't see him even once. Tapatin mo na lang ako, Rhianie. May maasahan ba ako sa iyo?"

Tanong nito at napahinto siya sa paglapit. Parang pareho sila ng lalaki na may antisipasyon sa isasagot ni Rhianie na may hawak ng cutter para sa mga bulaklak at nakasuot ng dilaw na rubber gloves.

Saglit na hindi nakapag salita si Rhianie. Mataman na tinitigan ang lalaki. Pareho ang mga itong hindi pansin ang presensiya niya.

" Oo nga, Princess! Bakit hindi mo siya tapatin?"

Siya ang hindi nakatiis dahil parang pinag iisipan pa nito ang sasabihin.Lumingon sila pareho pero kay Rhianie ang tingin niya na nanlalaki ang mga mata.

" Al!"

He raised his brows.

" Mabuti kilala mo pa pala ako!"

Para sa sarili lang niyang sabi. Inilang hakbang lang niya ang kanilang pagitan at mabilis na ipinulupot ang braso sa beywang nito. Napasinghap ito na hindi niya pinansin. Hinarap niya ang binata na gwapo pero mas gwapo siya. Mukhang laki din ito sa karangyaan. Mula sa mamahalin niyang damit hanggang sa relo. Ang kutis nito ay mukhang laki sa aircon at hindi na aarawan.

Elite Bodyguard: Al Christian KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon