Hambog

13 0 0
                                    

NOTE : konting share lang habang iniisip ko 'yung chapter na 'to. Katabi ko kasi ang babii ko 💓 supportive. Kala niya naman may maiaambag siya. Tahimik at may sarili din siyang mundo. Pero gusto niya habang nagsusulat ako nasa tabi ko siya.

'Yun langs. Enjoy reading 😊💓







Alam niyo ba 'yung pakiramdam na pinagtitinginan ka ng mga tao?

Dapat masaya ang pakiramdam dahil feeling mo mukhang kang artista.

Alam niyo ba ang pakiramdam na naiilang ka pero kailangan mong magmadali sa paglalakad dahil sa mga tingin nila?

Paano ko ba gagawing dalawang hakbang ang isa kung maliliit na nga ang mga biyas ko, ang bigat pa ng timbang ko?

"Mukha siyang gasul guys!" sabi no'ng isang mukhang kawayan ang katawan. Ang lakas pa niyang tumawa. Feeling magaling kumanta.

"Hindi guys gasul talaga siya! Blue pa 'yung tshirt niya!"

Malakas na namang tawanan ang nagpaparindi sa tenga ko.

Kabagan sana kayo!

Diretso lang akong naglakad hanggang sa mawala na sa pandinig ko ang nakakairita nilang tawanan. Halos tumalon pa nga ang puso ko sa tuwa nang papalapit ako ng papalapit sa gate nang SHS.

Hindi ko alam kung bakit itinapon ako ni Nanay sa lungsod. Maayos naman ang buhay namin sa probinsiya.

Nakakakain naman kami tatlong beses sa isang araw. Minsan pa nga sobra pa sa tatlong beses, sa'kin nagiging lima na.

Pero hindi ko siya maintindihan. Ang sabi sa'kin ni Nanay mas magiging maayos ang buhay ko kapag sasama ako kay uncle Pedro dito sa lungsod.

"Tsk!"

Hindi ko nilingon kung sinong walang modo ang nagpatid sa'kin. Humampas ang flat kong dibdib sa lupa at muntik ko nang mahalikan ang mga batong kumakaway at binebelatan ako.

"Lampa," rinig kong sambit nang kung sino. Rinig ko ang yabag ng paglalakad niya palayo.

Hindi ako nakatayo agad. Pinapakiramdaman ko pa ang sarili kung nabalian ba ako ng buto o humiwalay na sa'kin ang kalahating katawan. Hindi ko na kasi nararamdaman. 

Inumpisahan ko nang bumangon nang makarinig ulit ng mga tawanan. Pang iinsulto at panghuhusga sa paligid ko.

Mga walang magawa!

Pinagpagan ko ang sarili at kusa nang pumasok sa loob ng school.

Ang lawak naman pala dito sa loob.

Binalewala ko na lang ang mga pinagsasabi ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

Diniretso ko na lang ang tingin at maangas na naglakad papasok sa eskwelahan.

Laking probinsiya ako.

Hindi ko inisip ang sumunod sa uso.

Magsuot ng maikling palda na halos makita na ang kaluluwa.

Bumili ng mga bagong gadgets na hindi naman kailangan.

Mamili ng pampaganda na libo ang isa.

Ni minsan hindi ko pinangarap maging clown sa harap ng iba.

Akala ko sa labas lang mamamangha ang mga mata ko. Dahil pagtapak ng mga paa ko sa loob ng unang building, kung saan nando'n ang opisina ng prinsipal.

Malakas na tawanan na naman ang nabungaran ko. Kuyom ang mga palad kong tinitigan ang sahig.

I CAN MAKE YOU LOVE ME Where stories live. Discover now