5:10 P.M. 10/16/12 Tuesday
Ngayon na wala akong masulat at dahil ang pumapasok sa utak ko ay commute, gagawa ako ng 10 things to consider while commuting.
1. Hindi importante ang condition ng sasakyan
Ayan, mapa may air-con yan o ordinary pareho lang yan. Ang pinagkaiba lang ay ang mga ibang ordinary ay umiikot muna ng Bulacan kung papunta ka ng Maynila. Kung magaaircon bus ka ng sobrang aga at sobrang late dapat magdala ka ng jacket at pa-braces ka muna dahil pati ang ipin mo ay mangingilo sa sobrang lamig. Kung mahaba-haba ang biyahe mo magdala ka ng unan dahil sa mga aircon at pili na bus lang yung may mga naka-emboss sa upuan na magsisilbing pang iwas sa laway ng natutulog mong katabi o unan. Sa sobrang haba ng eksplanasyon ko nakalimutan ko na ang salitang kondisyon. OK pareho lang yan, makakapunta ka rin sa destinasyon mo pero ngayon na tipid ang mga tao mas gusto nilang nakikipagsardinas sa mga ordinary na bus.
4:55 P.M. 10/18/12 Thursday
Bakit kaya kumakapal ang tinta ng bolpen ko?
2. Magbigay ng tamang bayad
Boom! Honesty is the best policy forever and ever! Dito pumapasok ang mga mapagsamantala ang mga hindi nagbabayad ng tama. Itong story na ito ay medyo napa-smile ako. Patapos na kaming mag-meeting sa The Work pauwi na ako noon. Pag sakay ko sa jeep meron isang B.A. student na nagsabing "Bayad po isang estudyanteng Maligaya," natawa ako, bilang bagong salta dito sa Tarlac di ko alam na may lugar pala na Maligaya, mali naman kasi yung estudyante sa sentence construction niya. Pero diba nakaka-asar din, sasabihin mo sa driver na estudyante ka nga minsan kulang pa rin ang sukli at sasabihin ulit sa driver na estudyante ka at kulang pa ng piso ang iyong sukli, teka ayaw mo bang kumita si manong sa'yo kahit piso lang?
Moving on, speaking of mapagsamantala yan ang mga di nagbabayad, mga libre sakay bayad buhay, introducing mga SUMASABIT. Marami ng naaksidente dahil dito. Minsan naman may makikita ka sa may likuran ngjeep na "Bawal Sumabit Dito" katabi nito ang isang topless na lalaki na nakahawak sa bubong ng jeep atnakatayo.
Naka-experience na din ako na sumabit at nakatabi ang isang susamabit. Sambit ng lola na nakatabi ko, "konsyensya ng driver kung malaglag kayo," tila may spesyal na kapangyarihan ang ermitanya at napababa niya ang lalaking kulang-kulang ang ipin pero napa-smile pa rin sa matanda. Masarap sana siyang bigyan ng medalya (ermitanya) para sa simple ngunit life-saving na ginawa niya.
Sa mga mahilig namang tumakas ang chances mo lang na makatakas ay kapag:
1. na-stroke si manong;
2. bingi si manong;
3. makakalimutin si manong; at
4. magaling ka talagang tumakas
8:57 A.M. 10/20/12 Saturday
3. Pag-upo
Isa din ito sa mga nararanasan mo na paghihirap. May mga umaalis dahil puno na at umaalis dahil hindi na mapuno. Tawag ko sa mga naghihintay na yan Abangers (foreign concept yan ni Ramon Bautista) ang mga di makuntetnto sa normal na boundary. Gawin ko ng halimbawa ang mga driver sa aking unebersidad. Hindi sila aalis (o aandar Pilipino eh) hangga't di pa puno ang kanilang jeep, nakakaasar pero beneficial (sa kanila)
Isa din sa kinokonsider ni Juan sa pag-upo sa isang sasakyan ay ang makakatabi. Ako dati hindi ako sasakay hangga't hindi pa nakakasakay ang crush ko syempre pahintay effect naman siya nakakasense na eh. Anyway yun nga at the end of the long day makakatabi ko pa din siya wahaha! Sa pagpili ng makakatabi sa pag-upo malamang makakakilala ka ng gwapo pero maganda (alam niyo yan) , masungit, maganda, at iba pa. Pinaka-ayaw kong katabi yung mga babae na nasa tabi ng bintana at may mahabang buhok. Tila baga blade itona magpipierce sa kawawa mong mukha, kung hindi man sugatan eh deformed na ang mukha mo dahil lamang sa mga bwiset na buhok.
6:46 P.M.11/4/12 Sunday
"Sometimes you have to accept reality to become more of a homo sapien" -Me
4. Consider your Etiquttes
Isa yan sa mga problema ni Juan sa pagbabyahe ang hinde pag-offer ng upuan sa matatanda, mga buntis at seksing babae. Gusto kasi ng mga Pilipino may kapalit: "Uy, paupo nga po," pagmamakaawa ng isang seksing babae, "OK anu muna number mo?," sambit naman ng isang Juan. Magandang ugali rin ang hindi pagtingin sa legs ng katabi, kaharapan, kalikuran, ka-diagonal, atbp. Naalala ko tuloy yung nakatabi ko sa jeep ang ganda niya pero meron siyang porn star karisma dahil sa suot niya. Ang puti ng legs niya at talagang mapapatingin ka. Ang lagi kong palusot para lamang makita ang kanyang binti ay kinakati ko ang scalp ko, may pa-lingon effect ang pagtingin ko sa kanya tapos kunwari tinitignan ko yung bag ko pero yung binti na yung tinitignan ko. Pumara, napansin ata ako.
10:59 A.M. 11/6/12 Tuesday
5. Pag-para
Unang-una tanong ko muna anong english ng para? "For" ba? Kasi kung eenglishin mo yung para sa'yo, for you ang sagot diba? Siguro kung sasakay ka sa bus ng mga English spoken countries tapos kailangan mo ng bumaba baka masabi mo ang salitang "for."
Pangalawa sa ating bansa madalas iisa lang ang purpose ng "para" ang una ay kapag bababa kana at ang pangalawa nitong gamit ay hindi ginagamit (itutuloy)