"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?"
Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...
Tanong ko kay Alleya, pansin ko lang kasi parang ang lalim ng iniisip niya, magkasama nga pala kami sa iisang cabin may dalawa naman kasing kama good for one person kaya tig isa kami.
"Alam mo ba?"
"Yung ano?" Hindi ako manghuhula mare.
"Kay Owen ang resort na'to."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sagot niya, eh pa'no na'to ngayon? Hindi naman sa pinag ooverthink ko na naman ang sarili ko pero, pa'no kung may makilala sa'min tapos sabihin kina Gael na nandito kami? Pero teka nga, ano naman kung nandito kami?
Pakealam ba nila kung mag leave kami sa trabaho para tumambay rito? Hindi naman nila kami sasahoran pag nagleave kami tsk, chill lang wag na silang isipin bahala sila.
"Sana sinabi mo nalang kay Miles na ayaw mo rito."
Sabi ko, mukha kasi siyang nagdalawang isip, isa pa dito siya niligawan nung Owen nayun, tapos syempre maalala niya yun pa'no nga ba naman siya makakalimot.
"Di na, kaya ko'to tulungan niyo lang ako." Maluha luha niyang tugon at nag pout pa, parang bata naman kung mag pout amp.
"Sus kaya mo yan ikaw pa, tsaka I'm sure naman di tayo bibigoin nung dalawa."
Tukoy ko kina Miles at Theon, alam ko kasi ano sila eh yung joyful? Baka mahawaan kami ni Eya tangvna naman kasi dun sa mga gagvng yun, gusto ko silang hambalosin. Kung sana di nalang sila bumalik rito sa Pinas edi walang problema.
"Hayyssss nakakairita!!!"
Luh ang shunga ang ingay, inirapan niya naman ako nang magtakip ako sa tenga ko, pero dinilaan ko nalang at tumawa ayun hinampas ako ng unan. Nasa kwarto pa kasi kami nag aayos ng mga gamit, ganun din siguro sina Miles at Theon.
"Hoy gaga tingnan mo nga sino yung kumakatok." Sabi ko kay Eya, nagtutupi pa kasi ako eh siya wala namang ginagawa.
"Kyahhhhh."
Nagulat nalang ako sa impit ni Eya nang makabalik siya sa kwarto, ano namang kadramahan to.
"Napano ka?" Taas kilay kong sagot, pero yung gaga ayun lumundag sa kama tapos parang kiti kiti.
Anong meron sa labas at nagka ganun ang bruha na'to? Tumayo nalang ako at lumabas, tapos nang makalabas ako ay nakita ko sina Theon at Miles, t-topless.
"Oh Miah tapos na kayo?" Tanong ni Theon pero hindi ako nakasagot, napalunok nalang ako tapos dahan dahang tumalikod at tumakbo na pabalik sa kwarto.
"N-nakakaloka namang katawan yun."
Sambit ko sa sarili at napa sign of the Krus nalang ng wala sa oras, although nakita ko narin naman yung topless na Gael, pero syempre hindi parin ako sanay na makakita ng mga topless na lalaki noh.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.