“JUST IN, natagpuang wala ng buhay sa kaniyang kwarto ang nag-iisang tagapagmana ng Valencia Incorporation na si Raine Cruz Valencia. Base sa imbestigasyon ng mga pulis, ay kinitil ng dalaga ang sarili nyang buhay sa hindi malamang dahilan. Ngunit nang mapag-aralan ang iilang gamit sa kwarto, ay may nakita silang mga fingerprints ng hindi pa nakikilalang tao. Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na statement ang pamilya tungkol sa kaso. Alou May Baltazar, nagbabalita.”