Third person's POV
"Karen halikana sa loob anak." Tawag sa kaniya ng kaniyang nanay kaya pumasok nalang siya sa loob ng kanilang bahay. Sa loob ng kanilang bagong bahay.
Pinalibot agad niya ang kaniyang tingin sa paligid.
Luma na ang bahay na Ito. Sure ba silang safe to? Sambit niya sa kaniyang isip.
Nayakap niya ang kaniyang sarili dahil bigla nalang siyang gininaw at nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo. Parang may yumayakap sa kaniya.
"Anak aalis muna kami. Maiwan ka muna namin dito. May pupuntahan lang kami ng papa mo."
Hindi na siya nag salita at tumango nalang. Nang siya nalang ang natira sa bahay nila napag desisyonan nilang umakyat muna sa taas. Hindi malaki ang bahay na Ito. Isa lang din ang kwarto. Well, bata pa naman din siya kaya okay lang na sa iisang kwarto lang sila matulog.
Malaki rin naman ang kwartong Ito. Pwede lang din siya matulog sa lapag. Binuksan niya ang ilaw ng kwarto at napakunot ang noo niya nang may makita siyang babaeng nakatalikod. Mahaba ang buhok nito. Akmang mag sasalita siya nang bigla nalang itong nawala na parang bula. Dahil sa takot tumakbo siya pababa.
"Karen! Karen!" Hinihingal na nagising si Karen.
Nakakunot ang noo ng kaniyang ina na nakatingin sa kaniya.
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman ma!" Napanaginipan ko lang yung nangyari nung isang linggo. Gusto sana niyang e dugtong yun pero wag nalang. Masesermonan lang siya ng kaniyang ina at sasabihin na imahinasyon lang niya ang mga pinag sasabi niya.
"Oh siya tabihan mo muna ang kapatid mo. Aalis na kami ng papa mo." Saad ng kaniyang ina at tumayo na. Tumayo na rin siya at lumapit sa kabilang kama kung saan nakahiga ang kaniyang four months old niyang kapatid. "Wag kang mag alala pupunta dito ngayun ang tita Beth mo."
Napahinga naman siya ng maluwang sa sinabi ng kaniyang ina. Hindi niya kayang mag tagal sa bahay na Ito ng walang kasama.
Lumabas na ng silid at kaniyang ina. Tumayo siya para patayin ang ilaw baka sakaling makatulog pa ulit siya.
Nang mapatay niya ang ilaw ng silid ay Babalik na sana siya sa kama kung saan nakahiga ang kapatid niya nang ibang mukha ang nakita niya. Mukha ng batang lalaki. Babae ang kaniyang kapatid!Agad niyang binuksan ang ilaw dahil natatakot nanaman siya.
"Karen! Karen?" Bumuntong hininga siya at bumaba para pagbuksan ang pinsan niyang tumatawag sa kaniya.
"Uy kumusta? Ngayun ka lang napadalaw ulit ah." Bungad niya sa pinsan. Nakangiti Ito nang pagbuksan niya Ito pero dahan dahang nawala ang ngiti nito sa labi. Medyo namutla din Ito.
"Ahm asan si Carla?"
"Nasa taas." Sagot niya at inaya ang pinsan na pumunta sa kwarto nila. Hindi na niya ulit tinangkang patayin ang ilaw dahil natatakot talaga siya na baka ibang mukha nanaman ang makita niya.
"May isang pamilya pala kayong kasama dito." Narinig niyang bulong ng kaniyang pinsan pero hindi niya masyadog narinig iyon.
"Anong sabi mo?"
BINABASA MO ANG
Lover [One Shot Story]
Krótkie OpowiadaniaNagsimula ang lahat sa pag lipat nila ng bahay. Nagkagulo ang kanilang pamilya kaya kailangan nilang umalis sa dati nilang bahay at lumapit. Pero dahil sa pag lipat nilang yun ay nagsimula na silang malasin. Naging malas na sila. Pulos problema nala...