Ako ay Ikaw

0 0 0
                                    

Title: "Ako ay Ikaw"
Isinulat ni: Guen Feliciano Magnetico

9/25/20

Alin ang totoo? Itong nasa harap ng sa salamin o ako na siyang nakatingin?

Sino sa aming dalawa ang totoo at hindi?
Inabot ko ang kamay ko sa salaming kaharap ko at nagpang-abot ang aming mga kamay nakatingin ang nakaharap sa akin may pagtatanong din sa kanyang mga mata na naghihintay din ng kasagutan.

Ang mga nasa paligid ko'y parang sa telebisyon  na mabilis na kumikilos samantalang ako naman ay parang isang manunuod na nakamasid sa kanila sa napakabagal na paglipas parang ang bawat araw, oras at segundo ay sabay-sabay lang silang nagaganap... kung paanong ang paglubog at paglitaw ng araw,  ang dapit-hapon na kumukubabaw sa dilim ng gabi, gayundin naman ang pagsabog ng liwanag ng bukang-liwayway ay wala namang pagbabagong nagaganap.

Alin ang totoong umiiral? Sa pagpikit ng iyong mata ay isang hudyat ng pag gising ng isa  mo pang katauhan sa kabilang mundo na kung tawagin ay panaginip..oh panaginip nga ba itong maituturing?

Oh sa pag gising mo ay isang realidad sa isang tanikalang telon sa mundong tagpi-tagping pagdurusa?

"Ako ay ikaw."  Sabi ng iyong nakaraan na may pagsisisi oh isang larawan ng pagtatagumpay?
Kung paanong ang anino ay di humihiwalay sa may-ari ng anino...Na sa kabila ng katotohanang  gusto din niyang makawala sa kanyang pagkakatali...umaasam, nagbabakasakaling magkaroon din siya ng landas na nais niya ring tahakin.

Alin ang totoo sa hindi? Pagkatapos mg kamatayan ano ang kasunod na yugto nito? Totoo bang kasama niya naring nalibing ang mga ala-ala ng kahapon? Oh isang hudyat para ang anino ay maging tao sa panibagong yugto ng kayang buhay?

Paano kung humilagpos ang isang pagkatao mong si 'Ikaw' at nais din niyang maging si 'Ako'? At sa pagpikit ng yong mata ay malaya siyang magising at mamuhay bilang si 'AKO'? Kagaya ng sa salaming kaharap ko paano kung sa loob nun ay isa ding repleksyon ng  buhay na nilalang na Ikaw?

At sa pagpikit ko ng mata ay siyang pag gising ng  isang nilalang sa aking katauhan at sabihing  AKO ay IKAW. - END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako ay IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon