Chapter 25: The Plan

365 5 0
                                    


"May balita na po ba?"
"Any update po?"
"May improvement na ba?"

Sa loob ng isang linggo,  hindi tinantanan ni Dhalia ang mga pulis na naghahanap kay Sebastian.  Maging si Don Marciano ay kinukulit nya.

"Maybe we should accept na patay na talaga sya at nasa ilalim ng dagat ang bangkay nya," mahinahong saad ni Don Marciano kay Dhalia ng minsang napadalaw ito sa mansion nila.

Nakayuko lamang si Dhalia.  Gusto nyang umiyak subalit wala na syang mailabas na luha.  Maging ang mga mata nya ay pagod na sa kakaiyak gabi-gabi.

"Hindi pwede..." mahina nyang saad.
Tumingala sya para salubungin ang mga titig ni Don Marciano.

"Hindi tayo pwedeng sumuko... Walang susuko---"

"Pero wala nga mahanap na bangkay ang mga awtoridad!" hindi mapigilang magtaas ng boses si Don Marciano.

Naaawa na sya sa dalaga.  Bakas na ng pagod sa mukha nito.  Ibang-iba na ang itsura nito noon kumpara ngayon.  Malalaki at nangingitim na eyebags. Gusot na mga buhok.  Nagmumukha syang may sampung anak!

Akala ni Don Marciano ay titigil na ang dalaga pero nagkakamali sya.  Nagulat sya...maging sina Valerie,  Leonardo,  at Jane na palihim na nakikinig sa usapan ng dalawa,  sa biglaang pag taas ng boses ni Dhalia.

"Exactly!  Walang bangkay na nakita.  There is a possiblity na buhay pa sya---"

"..and maybe not.." putol ni Don Marciano sa sinasabi ni Dhalia.

Padabog na tumayo si Dhalia mula sa pagkakaupo.

"Hanggat walang bangkay na maipakita sa mismong harapan ko... Papaniwalaan kong buhay pa rin sya..." seryosong saad nito bago naglakad palabas ng opisina ni Don Marciano.

Umayos naman ng tindig sina Jane,  Valerie, at Leonardo ng tingnan sila ni Dhalia. Nagsimula ring mag likot ang mga mata nila.

Huminga ng malalim si Dhalia bago magpatuloy sa paglalakad palabas nang mansion ng mga Alejo.

Sa may gate ng mansion,  nakatayo si Houston na tila may hinihintay. Nang magtama ang paningin nilang dalawa.

"Dhalia..." banggit nito sa pangalan ng dalaga.

"Kung nandito ka lang naman para sabihin na tanggapin na lang na patay na si Sebastian,  mas mabuting wag ka na lang magsalita," walang emosyong saad ni Dhalia dito.

Hindi nagsalita si Houston.  Walang ano-ano'y hinila na lang nya ito bigla papasok ng kotse nya.

"Ano ba?!" asik nya dito.

"May kailangan kang malaman," ani ni Houston saka pinaharurot ang kotse.

"Ano yun?" tanong ni Dhalia dito.

"Dahil nga mabagal ang proseso ng imbistigasyon tungkol sa nangyari kay Sebastian,  at dahil naaawa na rin ako sayo...nag imbestiga ako," panimula ni Houston.

Biglang nabuhayan ng pag-asa si Dhalia. Dahil aminin man nya o hindi,  maging sya ay pinanghihinaan na rin ng loob.

"Tapos?"

Tumigil sila sa gilid ng kalsada.

"Nalaman ko na hindi lang dalawa ang life jacket at parachute na available sa eroplano... Marami yun.  Maraming stock ng life jacket at parachute...and guess what?  Lahat yun ay maganda pa ang kalidad..." saad ulit ni Houston.

"So sinasabi mo na...?"

Napasapo ng noo si Houston. Hindi nya alam kung dahil ba sa nangyari kay Sebastian kaya naging slow na si Dhalia.

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon