Chapter Eleven

4 0 0
                                    

NAKAYUKOM ang mga kamay ni Sania habang binabagtas niya ang daan patungo ng templo kung saan siya hinihintay ng nagmamay-ari ng boses sa kaniyang isipan.

It was passed 11 nang makalabas siya ng kanilang bahay dahil hinintay pa niya na makatulog ang mga tao sa kanilang bahay. Laking pasalamat na lang niya nang maaga nagsitulog ang mga ito lalo na ang kaniyang ama. Kadalasan kasi ay nakikita pa niya itong nagtratrabaho sa sala kahit dis-oras na ng gabi. Sania gritted her teeth as she remembered the voice's threat.

"You may think that I can't touch you because of that cursed thing that monk gave you but not your family! If you don't come to me then your family won't face another tomorrow."

Mahigpit na hinawakan ni Sania ang kaniyang suot na kwintas. She has her faith in the necklace. Alam niyang hindi siya magagalaw ng halimaw as long as she wears it kaya alam niyang hindi siya mapapahamak sa kaniyang gagawin. Susundin niya lang ang iuutos sa kaniya ng halimaw na 'yon and then her family will be safe.

Bukod do'n ay napakarami niyang katanungan na ang tanging maaaring makasagot ay ang nagmamay-ari ng boses sa kaniyang isipan. Kung bakit naririnig niya ang boses nito, kung ano ba ang bead na sinasabi nito, kung bakit prinsesa ang tawag nito sa kaniya, at kung bakit gusto nito na patayin siya.

"Alam ko na marami kang katanungan sa pagkatao mo, mahal na prinsesa.

Makalipas ang ilang oras ay narating na siya sa templo. Agad na dumampi sa kaniyang balat ang napakalamig na simoy ng hangin dahilan upang yakapin niya ang kaniyang sarili. Ang tanging ilaw na tumutulong sa kaniya upang makita ang paligid ay ang iilang poste ng lampara na nakatayo sa gilid ng hagdan paakyat sa unang torii gate ng templo at ang liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan.

Nang nasa harapan na siya ng gate ay ikinuyom niya ang kaniyang dalawang kamay kapagkuwan ay huminga ng malalim.

"Nandito na ako, halimaw! Magpakita ka!" buong tapang na sigaw niya sa katahimikan ng gabi.

Nanatiling nakatayo si Sania ng ilang segundo sa harapan ng gate bago niya narinig ang mumunti at nakakainsultong tawa sa kaniyang isipan.

"Masunurin ka naman palang bata," the voice said mockingly.

"Lumabas ka na nang matapos na ito at makauwi na ako!" muli ay sigaw niya ngunit muli lang siyang tinawanan nito.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, mahal na prinsesa. Napakaiksi pa rin ng pasensiya mo. Ituloy mo lang ang paglakad mo hanggang makarating ka sa pinakadulo. May makikita kang isang maliit at lumang shrine doon. Sa loob no'n may makikita kang isang lumang painting ng isang babae at ng isang puting soro. Sugatan mo ang kanang palad mo saka ipatong sa painting sa mismong tapat ng soro."

Sumunod ni Sania ang sinabi sa kaniya nito. Bagamat nakakaramdam ng takot dahil sa dilim at lamig ng paligid ay nilakasan na lang niya ang kaniyang loob at nagpatuloy hanggang sa marating niya ang lumang shrine na sinabi ng boses sa kaniya. Batid niyang wala nang rumoronda na mga monghe sa paligid.

Pumasok siya sa loob ng lumang shrine. Gamit ang ilaw mula sa flashlight ng kaniyang cellphone ay hinanap niya ang painting na sinasabi ng halimaw sa kaniya.

It didn't took her long enough before she found it on the center of the shrine full of spider webs and dust. Sadya bang pinabayaan ang shrine na ito? Parang ilang taong hindi nalilinisan.

Pataob na ipinatong ni Sania ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng lamesa sa ilalim ng lumang painting. Kinuha niya ang maliit at matalas na kutsilyo na siyang pinadala sa kaniya ng nagmamay-ari ng boses kapagkuwan ay sinunod ang inutos sa kaniya. She cut her palm and place it on the white fox on the painting.

His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon