Why do she like me? When I asked her about it, hindi ko inaasahan ang narinig mula sa kanya.
"Hindi ko rin alam...because you're attractive? you're tall? you've have tanned skin? and you smiled at me when the first time we saw each other? I don't know...I just like you so much since the beginning! You had this effect on me whenever you're around, my heart becomes abnormal because...malapit ka sa akin!"
Iyon ang sagot niya sa tanong ko kung bakit niya ako gusto. It was overwhelming hearing it from her because I feel the same way. Ang tagal kung tinakas ang sarili ko mula sa kanya. Para kaming naglalaro ng puso ko, pilit ko 'yong tinago kahit alam kung huling-huli na ako.
"Patay na! Nandiyan naman 'yong kapatid ni Ramirez, crush ka talaga 'nun!" Si Travis kasama ko sa trabaho. Isa rin siya sa mga naging malapit na kasangga ko sa training.
I saw her again, nasa tapat siya ng presinto namin. Nakasuot siya ng uniporme nila at may dalang payong. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa amin. Kumunot ang noo ko, hindi ko gusto ang pagpunta-punta niya dito.
Dapat nasa bahay na siya nila ngayon. Wala akong oras para patulan ang gusto niyang mangyari. Ang bata-bata pa niya para sa mga ganitong bagay.
Tumikhim si James ng makarating siya sa tabi ko. Nakatingin rin siya sa kapatid niya. Umiling ako. Kilala niya ako.
"H'wag mong ng isipin, titigil din niyan." sabi niya.
"Nagsasayang siya ng oras dito, James." sabi ko.
"Magsasawa rin 'yan basta 'wag mo lang patulan..." may paghahamon sa boses niya. "Wala ka namang gusto sa kanya 'diba?" Hinawakan niya ang balikat ko ng mariin.
"Wala. Makaka-asa ka." siguradong sagot ko.
ISANG suntok ang natanggap ko kay James. Hindi ako sumubok na gumanti sa suntok niya. Lalong hindi rin ako aatras. Hinawakan ko ang baba kong tinamaan ng suntok, hindi simpleng suntok lang ang natanggap ko.
"Teka! Anong problema ninyong dalawa?"
Inawat kami ng tatlo, hawak-hawak ako ni Lantis habang si Travis ay pinipigilan si Evan. Alam kong nag-uumapaw ang galit sa kanya ngayon at hindi ko siya masisisi.
"Ilang beses kitang tinanong, Mazarriegos! Kinain mo talaga ng sinabi mo, walang isang salita! Akala ko ba hindi mo papatulan?!" nagpupumiglas siya sa hawak ng kaibigan namin.
Mariin akong pumikit. Nagbuga ako ng hangin, bago sumagot. "Gusto ko, eh.." simpleng sagot ko.
"Tangina! Utol ko 'yon, eh. Maghanap ka ng ibang paglalaruan mo. Huwang tyong maglokohan dito, gusto mo ang kapatid ko?" nainsulto ako sa sinabi niya.
"Ilang beses kong pinigilan, James dahil bata pa at kapatid mo siya."
"Pero anong ginawa mo? Pinatulan mo kahit alam mong kapatid ko! Mapapatay kitang hayop ka, kung masasaktan ang kapatid ko dahil hindi mo maitago 'yang bayag mo sa sarili mo! Magkalimutan tayo, Evan!"
Walang takot sa puso ko kahit anong banta niya. Mahal ko na mahal ko ang kapatid niya. Ang tagal kong tinikis ang nararamdaman ko, matagal akong naging duwag. Pero hindi na ngayon, may rason na ako para 'wag siyang pakawalan. At hindi ko rin, hahayaang mawala siya sa akin.
"Hindi ko gagawin 'yon, hindi ko siya sasaktan. Subukan mo ako..." binigyan ko siya ng seryosong tingin tulad ng binibigay ko sa mga importanteng tingin.
Sinugurado ko sa mga tingin na 'yon na hindi ako papalpak. Hindi ako maduduwag at lalong hindi ako aatras.
PARA akong pinagbagsakan ng langit at lupa pagkatapos marinig 'yon mula sa Doctor.
BINABASA MO ANG
Nakaw Na Pagsinta [COMPLETED]
RomansaHindi ko akalain na ang nakaw na pagtingin na 'yon ay siyang totoong pag-ibig ko. Evan x Paige