CHAPTER 23
"Dark, dapat magmukhang parang close kayo ni Charlotte sa isa't isa, para magselos si Fhane yun dapat ang mangyari sa acting nyo mamaya," bulyaw ni Jazer
Pssh.. Ang hirap naman nun, wala akong alam talaga sa mga ganito, paano ko gagawin yun kung di naman talaga kami closed ni Charlotte
( tsk! tsk! ang pangit talaga ng acting nyo, kung ako si Fhane di tatalab ang acting nyo sa akin ) --->Jazer
"Tandaan mo Dark, kaylangan mapaniwala nyo si Fhane sa acting nyo ni Charlotte, yung bang pagnakita kayo ni Fhane ay iisipin nyang si Charlotte ang gusto mo at hindi sya," paliwanag ni Jazer "yun lang iisipin mo Dark, na si Charlotte talaga ang gusto mo,"
o__o Oo nga no, si Charlotte naman talaga ang gusto ko at hindi si Fhane, ba't ako mahihirapan eh totoo naman na gusto ko si Charlotte
"Okey seryoso na," sabi ko pero tumayo na si Jazer sa kinauupuan nya
"No, alis na tayo ngayon, galingan nyo na lang mamaya," sabi nya
"Eh paano gagawin namin," sabi ni Charlotte
"Basta, pag nagbitaw ako ng sign, mag-usap kayong dalawa ng kahit anong topic, kayong bahala kung ano yun, basta maipakita nyo na masaya kayong dalawa sa pinag-uusapan nyo," paliwanag ni Jazer
"Teka anong pag-uusapan namin, di ko yata kaya. ." naputol ang pagsasalita ko ng may iabot sa akin si Rex na magazine
"Eto oh, hiramin nyo muna sa akin itong Otaku Anime Magazine ko, pag-usapan nyo na lang kung ano yung mga nakapaloob dyan, may alam naman kayo siguro kahit konti sa mga anime diba," sabi ni Rex
"Ah oo mahilig din ako sa mga anime," sabi ni Charlotte
"Ay ako rin," sabi ko pero hindi talaga ako adik sa anime eh -__-
"Good, ayan pala eh," sabi ni Jazer "Oh paano, alis na tayo tawagin nyo na si Mhico, sabihin nyo hindi na natin hihintayin yung dalawa pa,"
Then nakarating naman kami sa SM, jeep lang sinakyan namin nagtitipid eh, pero di agad kami pumasok sa loob ng mall dahil nagtext pa yung isa naming ka-member na ang pangalan ay si Wade, tinanghali daw sya ng gising, ay mali! Tanghaling tapat na daw sya nagising kaya di sya nakarating sa meeting place kanina, kaya sinabi ni Jazer na dumeretso na sya dito
Nakarating naman sya before 2pm, so may isang member lang sa grupo ang hindi pumunta pero tuloy pa rin naman kami
Inuna muna namin yung tungkol sa groupings, yung mangolekta ng flyers, at dahil si Wade ang late, sya yung ginawa naming taga-bitbit, kami nila Charlotte at Rex yung tagakuha ng flyers, tapos si Jazer yung tagacheck
Si Mhico naman, tsk, kahit di na pala sumama yan, wala naman kasing ginagawa, kada masasalubong nyang tao sa loob ng mall, puro papicture sa kanya >_<"
Pagkatapos nun nag stop kami sa 5fth floor ng mall, medyo marami-rami na kaming nakolekta nun na flyers, sabi ni Jazer tama na daw yun
"Okey wait," sabi ni Jazer na abala naman sa pagtetext
"Anu na?" tanong ko
"Nandito na daw yung grupo nila, nagtext sa'ken si Kiel,"
"Sila Fhane?" tanong ko
"Oo, pero di nagrereply yung group leader nila badtrip,"
"Sino ba yung leader nila?"
"Wait stand by ka lang dyan Dark," sagot ni Jazer tapos nilagay nya yung phone nya sa tenga nya
"Hello," sabi ni Jazer at mukhang tinawagan nya na yung group leader kung sino man yun
"Hello ba't di ka nagrereply,"
"Walang load? tsk buti may pangtawag ako, ano nasa'n kayo,"
Hindi ko marinig yung kabilang linya pero rinig ko ang mga sinasabi ni Jazer, maya-maya pa ay dumungaw sya sa gilid kung saan kita yung ibaba ng mall kaya nakidungaw din ako
"Hello, nandito kami sa 5fth floor, dito kung saan may mga cellphone na nakadisplay," sabi ni Jazer
"Ah wait natatanaw ko kayo, tingin ka sa taas,"
Pagkasabi ni Jazer napalingon din ako sa tinitingnan nya, at nakita ko nga dun sila Fhane at yung babaeng may hawak ng phone na sa tingin ko ito yung tinatawagan ni Jazer, nasa ikatlong palapag sila at dahil nasa mas mataas na floor kami, di nila kami makikita kung di sila titingala, aba teka babae pala yung group leader ah, loko to si Jazer parang chikboy lang ah
"Hanep tol ah, kelan pa kayo magka-textmate nyan, haha," inasar ko si Jazer
"Huh sino?" sagot ni Jazer
"Ayan yung ka-callmate mo ngayon," sabi ko tapos nilayo nya yung phone nya sa bibig nya
"Loko, si hikharie to, yung group leader ng Fhane mo," sagot nya
"Oo nga, so matagal na kayong magkausap,"
"Ayt, ewan," sagot ni Jazer na parang tinamad ng sumagot at binalik sa tenga yung phone nya "Hello, hikharie, dalhin mo na yung grupo mo dito paakyat, pagtagpuin na natin yung dalawang group,"
Pagkasabi ni Jazer nun, kinabahan na ako kasi mukhang eto na yung sinasabi nyang plano, di pa nga ako ready buset
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...