14

368 10 1
                                    

Valerina

Nang magising ako dahil sa pagsipa ni baby ay pumunta ako sa c.r ng kwartong ito para gawin ang aking daily routine.

Habang pinupunasan ko ang mukha ko ay naalala ko kung anong naganap kagabi. May giyera pa rin ba?

Pero curious pa rin akoo! bakit hindi ako pinalabas kagabi? bakit parang ang seryoso ng mga tao, bakit hindi man lang pumunta na maghatid ng gatas si Manang na usually niyang ginagawa?

Ah putcha! ang daming BAKIT sa utak ko na halatang hindi masasagot. Nang matapos ako ay tumingin ako sa orasan ng kwarto. Maaga pa naman, maaubatan ko pa ang apat sa agahan.

Pero baka wala nanaman sila sa mood, speaking of mood, what if, sila 'yung gumagawa ng gyera dahil badtrip? ang lakas naman ng trip nila.

"Good morning, Señorita," bati ng mga bantay ko noong maka labas ako ng kwarto, siyempre nagtatampo ako sa kanila.

"Hinihintay na rin po kayo sa baba," hindi ko sial pinansin bagkus ay nagtungo ako sa elevator, ayaw kong mabungangaan masiyado.

Hmm, what if bumisita ako kela mama at papa mamaya sa puntod? hmm good idea, Valerina.

Hindi ko pinansin ang mga bantay ko mula paglabas ng elevator hanggang dito sa dining area. Hindi ako nagkamali, nandito na ang apat, si Darius as usual, nasa newspaper ang tingin. Si Ghil at Luis ay sa loptop, bihira 'yan, si Mat naman ay sa cellphone na hindi naman niya gawain sa umaga.

Ano bang nangyayari? Pag tinanong ko naman sila, baka isipin nilang chismosa ako. Kalerky naman itech.

"Ito ang gatas, hija," tumingin akong blanko kay manang na kinanuot ng kilay niya. Hindi ko nalang 'yun pinansin at uminom nalang ng gatas ko.

Nagtatampo ako! Oo bakit ba, first  time 'to sa buong buhay na kasama ko sila. Ano ba kasing nangyari kagabi.

Ang hirap kayang magsalita kasi parang pag nagsalita ka ay bawal. You know? Basta 'yun -yun! Ang hirap din magsalita pag hindi mo alam ang sasabihin mo!

Gulo mo.

"Parang ikaw, tigilan mo ako otor, iniisip ko pa kung bakit ang bigat ng atmosphere ditey," na stress na ako.

Naglapag na ng ulam ang mga maid pero may hindi gusto ang ilong ko... ang adobo! Bakit ambaho!

Putcha! bawal pa naman akong mag reklamo, pataasan ng pride 'to mga men. Dumiretso nalang ako sa lababo at doon dumuwal.

Maya maya pa ay may naramdaman akong may humahaplos sa likod ko, si Luis pala.

"Are you okay?"

"Sa tingin mo 'tol? Try mo mag suka," pabalang na sabi ko pero sinamaan niya ako ng tingin. "I'm serious here."

"Ako rin naman ah, kakain na ako, nagugutom na eh," pag iwas ko at tumungo na sa upuan ko.

"Are you alright?" tanong ni Ghil habang pasubo ako ng manok, tumango ako rito bilang sagot.

Nang matapos ako ay nagtungo ako sa kwarto ko para maligo. Gusto kong maka usap ngayon si Pris tungkol sa pag aaral niya. Aba! Alam kong stress ako pero hindi nakalimutan 'yun.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon