"Girls, anong gusto niyong kainin?"
Nandito ngayon si Loraine sa amin. Christmas break na namin pero ang daming pinapagawang plates. Balak sana naming tapusin lahat ngayon para wala nang iisipin sa mga susunod na araw.
"Kayo pong bahala, Tita." pormal na sagot ni Loraine kay Mommy. Akala mo talaga ay hindi nagrerequest ng food sa akin mula kahapon.
"Mango graham-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Loraine ang bibig ko. Alam na alam ko talaga paano siya asarin.
Nang bumalik si Mommy ay may dala dala na siyang pancake at chocolate shake. Nasa likuran na niya ngayon ang kapatid ko. Paniguradong manggugulo lang siya dito. Tatlo ang chocolate shake, for sure kay Kezhia 'yon. "Thank you po, Tita!" sambit ni Loraine.
Nakangiti lang ako kay Mommy. "Dapat ay lalo kayong maging motivated dahil sa luto ko." she joked at pumunta na ulit sa office niya dito sa bahay. Kapag may mga importanteng meeting lang ay doon lang siya pumupunta sa kumpanya namin. Tuwing wala ay dito lang siya sa bahay. Siya naman ang nasusunod dahil siya ang CEO.
"Hi!" Tinuon ni Loraine ang pansin niya sa kapatid kong busy na kinakalkal ang iPad niya.
Tumingin lang si Kezhia sakanya at tipid lang na ngumiti. Inabot niya kay Loraine ang iPad niya, ibig sabihin noon ay nakikipaglaro na siya. Maya-maya lang nyan ay madaldal na 'yan. Hinayaan ko na lang sila doon at nagsimula na ulit akong magsketch.
Seryoso lang akong gumagawa hanggang sa halos mahugutan na ng hininga si Loraine sa kakatawa, hawak pa rin ang iPad ng kapatid ko. Kumunot kaagad ang noo ko. Pati si Kezhia ay tumatawa na. "Napano kayo?!" masungit na tanong ko dahil nastress na ako sa kakagawa dito.
Nanlaki ang mga mata ko sa picture na pinakita sa akin ni Loraine. "That's Kuya Ezekiel," inosenteng sabi ni Kezhia. Bakit ba kasi may mga picture pa siya sa iPad ni Kezhia?! Picture 'yon nilang dalawa, selfie.
"Ex mo, girl?" tanong ni Loraine. Tumango na lang ako at sabihing idelete na nila 'yon. Sinunod naman nila dahil binantaan ko sila na magagalit ako kapag hindi ginawa 'yon.
Matagal na 'yong sa amin ni Ezekiel. Nakaka gulat lang dahil nandoon pa rin ang mga pictures nila ni Kezhia sa iPad niya.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko habang si Loraine ay nakikipagharutan pa rin sa kapatid ko. Bahala na siya kung hindi niya matapos ang plates niya ngayon. Mahilig naman talaga siyang mag cram, napapasunod lang siya sa akin na gawin 'yon ng maaga.
I was about to search some ideas on internet when unexpected notification suddenly popped up on my phone.
Caleb Dela Cruz: sup? tara, hang out sa tuesday. kasama mga ibang kaklase. sana makapunta ka :)
Kumunot ang noo ko sa nabasa ko at biglang tinignan si Loraine.
"Girl? Nagchat ba sayo si Caleb or kahit sino sa mga kaklasi natin?" I asked
"Hindi, bakit naman sila magchachat sa akin?"
"Si Caleb, chinat ako. Hang out daw sa tuesday, kasama daw mga ibang kaklase natin," tinignan ko ulit ang phone ko dahil baka na malik mata lang ako, pero hindi. Nagchat talaga siya.
Matagal na pala akong nakatitig sa phone ko buti na lang ay sinigawan ako ni Loraine. "Huy! Ano? Sasama ka? Tagal mong tulala, girl!"
Khalia Dennise Lopez: i'll try.. i still have so many plates to do kasi haha but ty sa inv!
So many plates to do, huh? Ang totoo ay isa na lang ang gagawin ko tapos malapit ko na rin matapos. Dahilan ko na lang 'yon para hindi pumunta. Wala naman akong kaclose sa mga kaklase ko kung hindi si Loraine.
Caleb Dela Cruz: sus basic lang sayo 'yan haha. ako nga tapos ko na eh.
Oh really? Sipag naman pala netong si Caleb.
Tuesday came, nabusy lang ako sa bahay. Mas okay 'to kaysa makipag bonding sa mga hindi ko naman kaclose. Ang iba nga ay nagchat rin sa akin pero tinanggihan ko rin.
Maliligo na sana ako nang biglang may magsend ng picture sa group chat naming magkakaklase.
Lalaki pala lahat sila. Buti na lang pinili kong manatili na lang sa bahay. Nandoon si Caleb, syempre.
Loella Isip: Lasing na yata kayo, guys! Haha. Hailey, si Caleb mukhang lasing na, oh.
Loella, our class president.
Hailey Bustos: right haha. ka-vc ko nga siya kanina.
Loella Isip: Caleb, uwi ka na raw sabi ni Hailey hahaha.
Sila sila lang ang nagkakaintindihan sa mga inside jokes nila, e.
Caleb Dela Cruz: hindi ako lasing oy! isa pa, loella tumigil ka nga. baka akala nyan ng mga kaklase natin ay may something sa amin ni Hailey.
I never thought that Caleb was this too straightforward, huh? Grabe naman. Kung ako kay Hailey mapapahiya ako sa ganoon, e.
"Merry Christmas, my girls!" our mom kissed us on our cheeks.
"Hindi pupunta si Daddy?" I sounded hopeful though alam ko naman ang sagot.
"Susunduin niya kayo mamayang 9am," napalunok pa si Mommy bago niya sinagot 'yon. All I can see in her eyes was sadness while we're watching fireworks.
The last time that we celebrated Christmas with whole family was already 5 years ago. Kaya tuwing pasko, pakiramdam ko palaging may kulang.
Sinundo nga kami ni Daddy dito sa bahay. "How's school, Khalia?" tanong niya sa akin nang makapasok na kami sa kotse niya.
"Okay lang naman, Dad. Hihintayin ko na lang po nyan ang final exam tapos lilipat na po ako ng campus. Para po medyo malapit sa bahay." pormal na sagot ko.
"What if ituloy mo na doon, 'nak? Sa 2nd year ka na lumipat. Mag stay ka muna sa bahay ko, mas malapit 'yung school mo ngayon sa bahay ko, e." he offered.
"Mom already made a decision.. besides, wala po siyang katulong mag bantay kay Kezhia." totoo naman, e. Tuwing maaga akong umuuwi from school, sinusundo ko si Kezhia sa school niya. Kung wala ako, hindi kayang pagsabayin ni Mommy ang pag alaga niya kay Kezhia at pagtatrabaho niya.
Tumango lang si Daddy at hindi na nagpumilit pa hanggang sa makarating kami sa bahay niya at pinakain na kami.
Pagtapos naming kumain ay inabot niya sa akin ang dalawang paper bag. Ganoon rin kay Kezhia.
Ang una ay nike shoes, pareho kami ni Kezhia doon. Basta 'pag sapatos ang bigay ni Daddy, aasahan ko nang pareho kami ng kapatid ko.
Doon ako nagulat sa pangalawang gift. "A-akin 'to, Dad?" he just nodded. Ito 'yung pinag iipunan kong latest iPhone!
Sinubukan kong ibalik 'yon kay Daddy pero tumanggi siya. Para sa akin daw talaga iyon. Hindi ko alam kung maiiyak ako o matutuwa sa sobrang surprised sa gift niya.
"Thank you," I said, my eyes were ready to burst in tears. Pinipigilan ko lang.
"Mamahalin na materyal lang na bagay ang kaya naming ibigay sa inyo, 'nak. Pasensiya na kung hindi namin kayang ibigay sainyo ang buong pamilya.."
•••
YOU ARE READING
Playlist
FanfictionSome people badly wants to protect us but ending up hurting our hearts. Caleb really wants to protect Khalia's heart. For some reason, he was too afraid of protecting her because he might hurt her without meaning it. He really felt the pressure beca...