IKALABING SIYAM NA KABANATA

117 9 1
                                    

Kagaya nga ng sinabi ni Cyrus, mabilis na iniayos ng mga kawal nito ang mga kagamitan na kakailangin nila. Andirito narin si Junio at ang anak ni Don Emmanuel na si Timmy, inatasan rin kasi ni Don Emmanuel na samahan ang maaaring maging 'reyna' ng emperyo.

Mataas na ang buwan, hinihintay nalamang nila ang karwaheng kanilang sasakyan patungo sa daungan kung saan nag-iintay ang kanilang sasakyang bangka papunta sa Emperyong Lukban, ang tunay na tirahan ni Phil.

"Siguraduhin mong ligtas doon si Phil, Junio" wika ni Cyrus sa katabi niyang si Phil

Napatawa naman ng mahina si Junio dahil doon, napatingin tuloy si Cyrus dahil sa inakto ni Junio. "Pano ba yan, mukhang ako na ang TUNAY na makakasama ni Phil, HABANG BUHAY" may diin na sabi nito

Napangisi naman si Cyrus saka tinignan si Phil na kausap si Putri, "Hindi mangyayari yon. Kahit abutin pa ng taon ang gulong ito, basta kung matapos ito. Sisiguraduhin kong kukunin ko muli si Phil pabalik sa emperyo ko" 

"Paano naman ang anak niyo?" tanong ni Junio, hindi naman lingid sa kaalaman ni Junio na nagdadalang tao ang kaniyang dating minahal. 

Hindi nakasagot si Cyrus dahil sa tanong na iyon. Naramdaman naman ni Cyrus ang kamay ni Junio sa balikat nito "Siguraduhin mong hindi lalagpas ng mahigit isang taon ang gulong ito. Dahil kung mangyari man yon, wala ka ng makukuhang Phil sa mundong ito" makahulugang sabi nito, tinapik niya nalamang ang balikat nito saka lumapit kay Phil.

Hindi nagtagal ay dumating narin ang karwaheng kanilang sasakyan. Dalawa iyon, ang isa ay para sa mga gamit ni Phil, at sa mga makakasama nito. 

Nagsimula narin gumalaw ang karwaheng kanilang sinakyan, magkasama ngayon sina Cyrus, Putri, Cynfael, at Phil sa iisang karwahe. Magkatabi lamang si Phil at Cyrus, may takot at kalungkutan na nararamdaman si Cyrus dahil narin sa pag-alis ng kaniyang minamahal.

"Huwag kang mag-alala Phil, pagkatapos ng gulong ito. Sisiguradhin kong ibabalik kita sa emperyong ito. Hindi na si Phil na kinikilalang alipin, kundi si Phil na kikilalanin bilang isang reyna ng emperyo" sabay bigay nito ng damping halik sa noo ni Phil.

"Hindi ba pwedeng dito nalamang ako Cyrus?" tanong ni Phil rito. Napangisi naman si Cyrus gayon din ang dalawa pa nitong ngiti.

"Kahit naman gustuhin ko, nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Nakita mo ba iyong nangyari sayo kanina? Wala ng mapagkakatiwalaang tao sa paligid ngayon. Mas importante na ligtas ka" sagot nito pabalik

"Wag ka mag-alala baby boy, hindi naman mamamatay iyang demonyong yan. Mahaba pa ang buhay ng isang yan, kaya onting tiis lang" nakangiting sabi ni Putri kay Phil, na nginitian lamang ni Phil pabalik.



Sa kabilang banda naman, nakahanda na ang mga rebeldeng grupo sa gagawin nilang pag-atake. Alam na ng mga ito na nasa pamilyang monarko na ang kanilang kinikilalang bilang pinuno. 

Lahat ng mga ito ay naka-abang lamang sa pagdaan ng karwahe sa lugar. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay sa ibang daan ito dadaan. Ang dadaan na karwahe ay ang kanilang pinuno na may nakabalot na bomba sa katawan nito. Gayun din ang karwahe, may mga nakadikit na bomba roon.

Pinalilibutan rin sila ng iba pang mga kawal. Sumasang-ayon ang kanilang ginawang pagpapa-plano kung papaano nila papatumbahin ang mga kalaban.

Hindi rin nagtagal ay dumating nga ang karwahe, nakahanda na ang mga baril nito, itinutok nila iyon sa karwahe. At ng ito ay makalapit...

"SUGODDD!" sigaw ng isa nitong kasapi, isa-isa nga itong nag paputok ng baril. Ng maubusan ng baril ay siya namang paglapit ng limang lalaki sa karwahe. Binuksan nila ang pinto ng karwahe at duon tumambad ang kanilang pinuno na naliligo sa sarili nitong dugo.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon