-CHYLENE HERA
Alam mo ba ʼyong masakit sa paghanga? Humahanga ka sa taong hindi nʼya alam na nage-exist ka, hindi nʼya alam na humahanga ka sa kaniya. Lastly ʼyong gustong-gusto mo sʼya dahil lahat na sa kaniya na pero nalaman mo na hindi sʼya nage-exist. They are just fictional characters created by a creative writer.
Ano bang masama sa paghanga sa mga fictional characters? Maraming rason kung bakit maraming humahanga sa kanila dahil nasa kanila ang wala sa real person, ʼyong tipong gusto mo na mag-exist sila.
“Tama na ʼyang drama mo riyan. Resulta ʼyan ng mga nababasa mong novels,” nakangiwing sambit ni Mandy na nakaupo sa upuan sa harap ko.
Napansin nʼya ang mga eyebags ko dahil sa pagbabasa ko ng stories. Nagpupuyat kasi ako dahil sa super pagka-addict sa pagbabasa ng novel. “Alam mo ba ʼyong feeling na favorite character mo ʼyon pero biglang pinatay ng writer. Sarap hanapin ʼyong author para itanong sa kaniya kung bakit nʼya ʼyon ginawa,” pagrereklamo ko sa harapan mismo ni Mandy.
Umirap ito sa akin. “Hindi ko alam ang feeling dahil hindi naman ako nagbabasa ng novel. Saka tigilan mo na kaya ang pagpupuyat mo. Ang laki ng eyebags mo, puwede na ʼyan ibenta kung gusto mo,” nakangiwing sambit ni Mandy at tinuro pa ang eyebags ko.
Hindi pala sʼya mahilig magbasa. Tamad kasi ang babae ʼyan pagdating sa pagbabasa. “What if this coming opening of classes ay may mag-bully sa akin tapos mahuhulog pala sʼya sa akin in the end,” sambit ko sa habang iniisip ang possibilities.
“Ito lang masasabi ko sa ʼyo Hera bilang matalik mong kaibigan...” sabi ni Mandy na sinadya pang bitinin ang sasabihin. Ako naman ay nag-aabang sa sasabihin nʼya. “Dahil sa kaka-wattpad mo ʼyan kaya tigilan mo na,” dagdag nʼyang sabi at inirapan pa ako.
Wattpad app ang ginagamit kong app para magbasa ng mga novels na pasok sa panlasa ko lalo na sa genre. But, hindi lahat ay free na basahin. May ilan na kailangan ng coins, mga favorite ko pa naman ang gusto kong basahin pero wala akong coins.
Naalala ko tuloy ʼyong keypad kong cellphone noong Grade 5 ako sa taong 2012 or 2013. May ebook pa 'yon tapos sulit 'yong pagbabasa ko. Akala tuloy ni mama may boyfriend na ako dahil pangiti-ngiti ako sa harap ng cellphone ko.
“This is one of my happiness, and inspiration. So, donʼt you dare to stop me from this.”
Napailing na lang sʼya sa akin. Ayaw nʼya talaga sa ginagawa ko dahil grabe na raw ako pero wala rin naman siyang magagawa. “Enough of this topic, ano na ang plano mo ngayon lalo na ABM strand ang kinuha mo?” sambit nito sa akin na parang investigator.
Ano nga ba ang plano ko? Ewan ko kung bakit ABM ang kinuha ko kahit na wala akong plano sa buhay pero naiisip ko rin na gusto ko maging CPA someday kaso nga lang ay ayaw kong sabihin kay Mandy. Saka baka ayaw nina Mama na maging CPA ako. Graduating na nga ako sa Senior High pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kukunin kong kurso sa College.
“Go with the flow lang ako. Ikaw bakit ka kumuha ng STEM kahit mahina ka sa math?” buwelta ko rin sa kanya at tinaasan pa ako ng kilay ng lukaret na ʼto.
Hindi man lang nasaktan sa sinabi ko. “Plano ko maging Civil Engineering kaya ako kumuha ng STEM. Ayos lang sa akin kahit bobo ako sa math basta may plano sa buhay hindi tulad mo na go with the flow lang. Walang plano sa buhay lang ang peg,” prangka nitong sabi pero sanay na ako.
Ganito kami mag-usap na magkaibigan. Prangka kami sa isaʼt isa dahil nga mas mabuti 'yon kaysa magpa-plastic kami. “Edi ikaw na may plano. By the way, maganda ba sa University na nilipatan natin?” tanong ko kay Mandy dahil sʼya ang nag-recommend sa akin nito.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...