Kalalabas lang din nila Joshua ng bahay nang makita sila ni Christian. Nginitian agad siya ni Joshua.
“Araw-araw na lang, ganyang expression ng mukha mo. Wala na bang iba?” puna ni Joshua.
“Palitan mo mukha ko ng maiba.”
“Sige lang mambara ka pa. Ano na naman bang nakain mo? Bakit parang sira umaga mo?”
“Tanong, kailan ba gumanda araw ko?”—Christian
“Oo na. Kasuko-suko yang pagkasungit mo.”
Habang naglalakad, Napansin ni Christian ang pananahimik ni Kylie sa tabi ng pinsan niya.
“Himala atang nanahimik ang “Kalye?” Ayuno na ba?” parinig ni Christian.
“Guilty lang yan. Tsk. Wag ka ngang ganyan Christian!” saway ni Joshua.
“Sige Kuya, ibuko mo pa. Mambuko ka lang!”—Kylie
“Guilty? Saan naman? May ginawa na naman bang kalokohan sa room nila? Kunsabagay, ganyan talaga kapag hindi naawat ang bibig. Asan ba yung remote? Sira na ata yung plaka huminto yung bibig eh.” Pasaring ni Christian.(Sabe ng Pasaring!!)
Nairita na si Kylie kaya ayan..
magsisimula na naman ang madamdaming gera nila.
“Ikaw ang hindi maawat ang dila!! Manghuhula ka na nga lang, gawa-gawa mo pa!” sagot ni Kylie.
“Wooo?? Sabi na eh. Joshua palitan mo na, may topak player mo. Gumana na naman oh.”
“Kapal mo! Bwisit mo talaga kahit kailan!”—Kylie
“Sabi ko naman kasi sayo Kylie, wala kang dapat ika-guilty. May amnesia ang pinoproblema mo.” Sabat naman ni Joshua.
Biglang kumunot ang noo ni Christian pero hindi naman nahalata nina Joshua yun.
“Ako ba yun ha?” tanong ni Christian
“Anong pake mo? Tama si Kuya, hindi ka dapat pinoproblema, kasi ngayon pa nga lang, malaking sakit ng ulo ka na!”
“Ah.. ako pa talaga. Eh kamusta ka naman? Tsaka anong isinakit ng ulo mo sa’kin? May ginawa ka ba saking ikina-guilty mo?”
“Hoy, ano ba? Maaga pa. Tigil niyo na nga yan.” Saway ni Joshua sa kanila
“Ay oo nga, tama. Meron!”
Napatigil si Kylie nang marinig iyon.
“N..naalala mo na?”
“Pa’no ko yun malilimutan kung halos araw-araw sumusulpot ka kahit saan? Para kang kabute.”
Napanganga si Kylie sa sinabi ni Christian.
“W..wow!! palakpak tayo! Kapal talaga ha, ano bang alam mong nagawa ko sayo? At sa bawat pagkikita natin naalala mo yon?” kwestyon ni Kylie
“Hindi pa ba obvious? Una, yang nakakairitang mukha mo. Pangalawa, yang matining mong boses at pangatlo.....
Ang KATANGAHAN MO!! Kaya ka siguro nagi-guilty kasi na-realized mo na rin ang ginagawa mo sa’kin?”
“Ayos ka ah! Tingin mo ako lang lang nakakairita? Tok tok lang hah, mawalang respeto lang sa bastos na tulad mo. Loko! Anino mo pa nga lang nakakabwisit na eh!” –Kylie
“Nakakahiya naman sayo. Pinoproblema mo pala yun? Buti nga iyon lang eh. Ako, sa bawat minutong nakikita kita, problema ka na agad eh. Di mo ba pansin? O di mo talaga pinapansin??”—Christian
“Hello? Nandito pa ko?”—joshua
“Bigyan mo ko ng proof na problema lang ako!”—Kylie
“Gusto mo talaga ah..”—Christian
“Tahimik na sabi eh!!!! Ano ba kayo? Kung pinoproblema niyo ang isa’t-isa pwede? Isipin niyo rin yung mga taong namumuroblema dahil sa bangayan niyo??!! Pag-uuntugin ko na kayo.” Napuno na si Joshua kaya yan, sumigaw na. Nanahimik na tuloy yung dalawa.
“Yang pinsan mo ang sitahin mo.”habol pa ni Christian
“Isa ka pa eh. Pwede manahimik ka na rin??” –sagot ni Joshua.
“Beh!! >_< Pustisong Bakla!”—Kylie
“Timang na daydreamer, loka-lokang nadapa sa Kalye at Sisa ng Henerasyon, lampa pa!”—Christian.
“Ano Kylie? Laban ka pa?” hamon ni Joshua sa pinsan niya.
“Sabi ko nga hindi na eh. As if namang mananalo ako. Master yan ng barahan eh. Pero, thankful pa rin ako kahit papaano kasi may Amnesia naman pala ang mokong na ‘to. Mabilis makalimot. Akala ko naman kasi magagalit siya sa mga sinabi ko nung Martes. Buti hindi, pero.. Kumunot siya kanina ehh. Malamang naalala niya yun, pero...hindi na niya binuksan pa? Kabait naman pala! Kaso lalo namang nakakairita!”
Nagpatuloy na lang silang tatlo sa paglalakad pero nanahimik na ang dalawa.
Yes, naalala ko yung nangyari nung Martes, lahat ng pinagsasabi ng Sisang baliw na ‘yon. Marunong pala siyang maguilty? Anyway, mas gusto ko nang kalimutan yon. Past na yun eh.. may amnesia nga ako pagdating sa mga ganun. Pero..
Actually..
Ayoko lang makakita ng taong nagi-guilty dahil sa ginawang kasalanan nila sa’kin.
Especially girls. Mahina ang mga yan eh. Mahirap na, di ko genre ang nagpapadusa ng mga babae by regretting their actions. Ayokong may umiiyak na babae, nakakaBAGO lang!!
I just hate it..
I really hate that..
I can't take those kind of things...
Pano kasi...
The more they regret something, wholeheartedly..
The more they become innocent..
And i Find them..
So cute..
Tulad na lang ng itsura niya kanina....
-------Christian.
See What’s New…
#cR@Y%
Baby ko.. ayan maiksing update na yan.. angal ka pa ba??
Haha wala yan lang nakaya ehh..ang shonge..
Hope mabasa niyo po to.. and pakalat niyo nalang po if possible haha
Salamat sa nagtitiyagang magbasa I love You and so much many thank you guys!!
BINABASA MO ANG
Fight At First Love?!
HumorI hate fools, They are more innocent than anything. I hate nice, They’re too vulnerable to be hurt. I hate innocents, It makes me mad if someone makes fun of them. And I hate her, For she wakes up my protective instinct that I have buried long time...