A Night To Remember♥[ONE-SHOT]

204 4 6
                                    

Hello! Sana magustuhan nyo ung first story ko, AMASARREH kung panget. Medyo minadali ko lang eh. Kamsahamnida:*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Anak, ready ka na ba?" sabi ni mama habang inaayos ng kaunti ang buhok ko.

 

Hi! Ako nga pala si Kirsten Anne Fuentez. Third year highschool na ako. At ngayong araw na to ang aming Juniors' Ball or JS Prom kumbaga. Nandito ako sa kwarto ng mama ko habang inaayusan. Hindi na namin kailangang kumuha ng make-up artist dahil yun na ang trabaho ng mama ko. Sandali na lang at matatapos na akong ayusan.

 

"Opo Ma. Kinakabahan nga po ako eh, hindi ko po alam kung bakit." sabi ko ng may panginginig ang boses.

 

"Ganyan talaga anak, first time mo eh. Tara na! Ihahatid ka na namin ng Papa mo." sabi ni mama. Tumango na lang ako at naglakad na kami ni mama palabas ng bahay.

 

Habang nasa biyahe, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ewan ko kung masaya, malungkot, kinakabahan, nagugutom, naiihi, natatae, nanginginig, nauutot o malapit nang mamatay. JOKE:) Basta! Hindi ko talaga malaman. Pagkababa ko ng kotse, nagpaalam na ako at naglakad papunta sa lugar kung saan gaganapin ang Prom.

-

As I reached the venue, I saw my friends with their dates. Shit! Yung feeling na naiinggit ako kasi right now.. I still don't have a promdate >.<

 

"Hello guys! Ang gaganda natin ngayon ah!" sabi ko sa kanila nang makarating ako sa table nila.

 

"Ikaw rin, ang ganda mo ngayon.. NGAYON LANG!XD" sabi ni Abi, isa sa mga friends ko. Anak ng! Pansinin daw ba ang beauty ko, hmp >.<

 

"Atleast ako maganda ngayon, eh ikaw? Never kang naging maganda! JOKE^__^V" sabi ko sabay tawa ng malakas.

 

"Sira! Baliw ka talaga. By the way, may promdate ka na ba? Si Chad, niyaya ka na ba niya?" sabi niya ng may halong pang-iinsulto.

 

Oh! I forgot to tell you. Ang tinitukoy nya ay si Chad Matthew Villaluiz. Ang Campus Heartthrob, ang President ng Varsity Club, ang tinitilian ng mga kababaihan at mga kabaklaan , at ang crush ko or should I say MAHAL ko.. NOON! Yata? Ewan ko ba! Simula kasi nung umamin ako sa kanya, parang naging malayo na ang loob namin sa isa't-isa. Hindi naman sa feelingera ako na iniisip ko na may commitment kami sa isa't-isa. Yung parang, hindi na kami nagpa-pansinan, wala ng communication, at ung closeness namin as a friend nawala na rin. Hindi ko nga alam kung ipagpapatuloy ko pa ung nararamdaman ko para sa kanya eh. MyGadd! Hahaha:) One-sided-love lang ang peg ko. Ang hirap naman kasi nung--

 

"Hoy! Tinatanong ko lang kung niyaya ka na ni Chad na maging promdate tapos natulala ka na dyan. Mahal mo pa siya no? Tsktsk!" sabi ni Abi habang niyu-yugyog ang ulo niya. Medyo close na kami ni Abi kaya nasasabi ko sa kanya ang lahat ng problema ko. Problema ko kay Chad to be exactly.

 

"Ewan ko nga eh, may part sa puso kong nagsasabi na mahal ko pa siya pero may part din na nagsasabing tama na." sabi ko nang maluha-luha. JOKE! Syempre maganda ako ngayon, dapat hindi ko ipahalatang malungkot ako :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Night To Remember♥[ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon