Shantelle Kristina
"Saan ka Miss?"
Napatulala ako ng tanungin ako ng taxi driver kung saan ako pupunta.
Saan nga ba ako pupunta?
Ayoko ng bumalik kina Auntie Isabelle pero saan ako pupunta? Wala akong ibang pupuntahan. Gusto ko mang pumunta kina Ninong Enteng pero alam kong malayo yun dito at hindi ko alam ang eksaktong lugar nila.
Wala sa sarili ay nasabi ko rin ang address kung saan nakatira sina Auntie Isabelle.
Habang nasa byahe ako ay naisandig ko na lamang ang likod ko sa kinauupuan ko. Inaantok na talaga ako at pagod na pagod na ang katawan ko. Iidlip muna ako.
"Miss pasensya na, hanggang dito na lang ang taxi ko, mahihirapan akong ipasok ito sa loob, masyadong masikip, mahihirapan akong lumabas."
Napadilat ako ng marinig kong magsalita ang driver.
"Po?" napatingin ako sa labas. Umaga na pala.
"Sabi ko hanggang dito na lang Miss, masyadong masikip sa lugar nyo."
"Ah sige po kuya dito na lang po." lalabas na ako ng taxing sitahin ao ng driver.
"Miss bayad mo?"
Oo nga pala, nawala sa isip ko na wala akong pambayad, umayos ako ng upo. "Kuya, ano po kasi..." Kumunot ang noo ng driver sa akin. "Ano po kasi... w-wala po akong pambayad." nahihiyang sabi ko.
"Ano?! Hindi pwede yan! Ang lakas ng loob mong sumakay tapos wala kang pambayad!" singhal sa akin ni kuya na ikinagulat ko.
"Pasensya na po." buong awa kong pagpapaumahin.
"Umalis ka na nga! Nakakasira ka ng araw!"
"Pasensya na po talaga." Hindi pa ako tuluyang nakakababa dahil isang paa pa lang ang naitatapak ko sa semento ay pinaandar na agad nung driver yung taxi. Nawalan ako ng balanse at sumubsob sa sa lupa.
Tumayo na lamang ako at pinagpag ang katawan ko, natanaw ko na ang bahay nina Auntie. Kinakabahan ako, ayoko na sanang umuwi pero nandito ako ngayon at natatanaw ang bahay nila.
Ano na kayang nangyari kay Uncle? Napatay ko ba sya o ano?
Nakakubli lamang ako sa isang bahay at tinatanaw ang bahay nina Auntie ng may-"Uy Shantelle! Nagbalik ka na pala, nakita ka na ba ng Auntie mo? Totoo nga ba ang balibalita ritong inasawa ka ng Uncle mo at umalis rito para magsama na?"
"P-Po??" nagulat ako sa sinabi ni Aling Tinay, tindera sya sa palengke na palagi kong pinagbibilhan ng gulay kapag inuutusan akong mamalengke ni Auntie.
"Grabe may mukha ka pang ihaharap dito, kasama mo ba ang tiyuhin mo? Kung ako sayo hindi na ako magpapakita sa lugar na ito. Isang malaking kahihiyan ang ginawa nyong magtiyuhin. Akala ko pa naman matino kang babae, gustong gusto pa naman kita dahil sa kapinuhan mong kumilos, pero nagkamali ako ng pakakagusto sayo." Tuloy tuloy sabi ni Aling Tinay na may pailing iling pa. Hindi ko sya maintindihan.
Pero ako? Inasawa ni Uncle?
"Nagkakamali po kayo, hindi-"
"Shantelle!"
Hindi na natapos ang sasabihin ko ng mapalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag ng pangalan ko.
"A-Auntie." kitang kita ko ang galit sa ekpresyong ng mukha nito habang ang lalaki ng hakbang habang papalapit sa kinatatayuan ko.