Chapter 5:

17.2K 254 104
                                    

Shantelle Kristina


Mahigit isang Linggo na rin ako dito kina Ninong Enteng. Oo, laking pasasalamat ko nang si ninong Enteng ang laman ng sasakyang huminto sa tapat ko. Laking pasasalamat ko dahil sa tinagal tagal ng panahon, nagkita muli kami. Sya talaga ang naiisip kong puntahan noon pa pero hindi ko alam kung saan ito nakatira.


Galing pala sya noon kina Auntie nung araw na pinalayas nila ako. Dumaan doon si Ninong para bisitahin ako dahil galing din sya ng Maynila. Pero nagulat daw sya ng sabihin ni Auntie na lumayas daw ako at may kinasamang lalaki.


Walang kaide ideya si Ninong noon sa nangyari kaya umalis na lamang daw sya. Pero yun nga at nakita nya ako sa daan.


"Shantelle anak." kasalukuyan akong nagmumukmok ulit sa aking silid ng marinig ko ang boses ni Ninang sa labas ng kwarto.


"Ninang." sagot ko.


"Pwede ka ba naming maistorbo ng Ninong mo kahit saglit lamang."


Agad naman akong umoo at pinagbuksan sila.


"Gusto lang malaman ng Ninong mo ang lahat ng nangyari sayo pati na rin sa totoong ama ng batang dinadala mo." sabi ni Ninang ng makaupo ito sa tabi ko at marahang hinaplos haplos ang mahaba kong buhok. Nahihiya man ay sinabi ko sa kanila na buntis ako.


Biglang nag init ang sulok ng aking mga mata ng tumingin ako kay Ninong. Kailangan ko pa bang balikan ang mga masasamang nangyari sa akin noon? Sa kamay ni Uncle Milan at sa kamay ni Ram?


Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at saka ikinuwento ang lahat, ang lahat lahat, ang totoong nangyari. Kahit napaiyak na ako ay patuloy pa rin ako sa pagkwento. Wala akong pinalagpas, pati ang nagawa kong pagsaksak kay Uncle Milan ay sinabi ko na rin.


"Diyos ko! Enteng bakit kailangan sapitin nya ang mga ganito?" napaiyak na rin si Ninang Belen sa mga sinabi ko at saka yumakap sa akin. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Ninong habang nakatingin sa amin ni Ninang.


"Noon pa lang ay gusto ka na naming kupkupin ng Ninang mo ng mamatay ang Ama mo. Kung alam ko lang na hindi ka maaalagaan ng ayos ni Isabelle ay sapilitan ka na sana naming kinuha! Magbabayad si Milan! Magbabayad siya sa kahayupang ginawa nya sayo!" galit na galit na sambit ng Ninong. Mas lalo akong napaiyak at yumakap kay Ninang.


"Pero nasaksak ko po sya, h-hindi ko po alam kung napatay ko sya o ano. Bigla rin daw po syang nawala ng tumakas ako ng gabing iyon." sabi ko. Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Ninang at pinunasan ang luha sa mukha ko.


"Huwag kang mag alala hija, nandito kami ng Ninong mo, hindi ka namin ilalagay sa alanganin." sabi ni Ninang.


"Tama lang ang ginawa mo sa Milan na yun. Alam kong buhay pa yun, hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang hayop na iyon. Pagbabayaran nya ang ginawa nya sayo." sabi ni Ninong, muli akong niyakap ni Ninang at muling umiyak doon.


***


Mabilis lumipas ang isang buwan, hindi naing madali sa akin ang pabubuntis na ngayon ay dalawang buwan na. Pero kahit bago sa akin ang nararamdaman ko at mahirap, nandyan parati sina Ninong at Ninang para tulungan at alagaan ako.


Pero parati ay wala si Ninong dahil sa trabaho nito kaya laking pasasalamat din ni Ninang na may kasakasama na sya ngayon kapag umaalis si Ninong. Isang Army General si Ninong kaya laking pasasalamat ko at sa kanya talaga ako bumagsak ngayon, alam kong matutulingan nya ako pagdating kay Uncle. Hindi ko na iniisip na makakakuha ako ng hustisya sa ginawa sa akin ni Ram dahil malamang ay umalis na ito. 


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon