7
"Teka lang, Kuya.." pagpipigil ko sa kanya ng abutan ko sya sa labas ng kwarto.
"What is it, Jaust?"
"Bakit?" frustrated kong tanong sa kanya
"Anong 'bakit'?"
"Kuya, bakit ayaw mo kay Aleina?! Ikaw na lang kasi yung kulang, e. Kuya, sagot mo na lang para--"
"Jaustin, wag ngayon."
"Pero ayokong ikasal kami ng wala ka! Gusto ko nandoon ka kapag--"
"Stop this nonsense, Jaust! Itutuloy mo talaga yang kalokohan mo, 'no?"
Agad kong tinalikuran si kuya para pakalmahin ang sarili ko at agad ko din syang hinarap.
"Kuya, hindi 'yon kalokohan! Mahal ko sya, kuya, kaya anong kalokohan doon?!"
"Maayos ka naman kahit nung wala pa sya, ah? Maayos at maganda ang career mo nung wala pa sya. Pero bakit bumagsak ka sa isang ganoong babae?"
Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa narinig.
"Pero wala akong magagawa. Baliw na baliw ka na sa kanya. Yung invitation mo para sa kasal nyo? Pag-iisipan ko pa." huminga sya ng malalim. "Anyway, get ready for your comeback. Lots of people are expecting you.. Have a rest, bro."
Wala akong ibang nasabi at hinayaan kong lumakad sya palabas. May iba akong nararamdaman, e. Hindi ko lang malaman kung ano 'yon.
Ikalawang gabi ko na ngayon dito sa Anthem at unang gabi kong hahawakan ng dalawang oras ang booth.
"Bro, ikaw na ang susunod. 10 minutes na lang." tapik sa akin Kervin.
Tinanguan ko lang sya at tumayo upang ayusin na sa booth ang mga gamit ko.
"Welcome back, Callum David. See this Anthem? Palaging punuan ito ngunit unang beses sa loob ng anim na taon na pati sa labas ay gumawa ng dance floor. Dahil yan sa pagbabalik mo. Dahil kilalang-kilala ang Dj Callum dito."
"Dapat na ba akong kabahan dahil sa expectations nyo?" biro ko na tinawanan lang din nya.
Abala ako sa pagaayos ng mahagip ng mga mata ko si Red.. Matagal-tagal na rin.. Kaya napangiti ako.
"Kervs, ikaw na muna magayos ng gamit ko. Puntahan ko lang sila kuya."
Pagkarating ko sa table namin ay agad ko syang binatukan.
"Sht, Callum!" sigaw ng matalik na kaibigan namin ni Kuya.
"We miss you too, bro!" hiyawan namin nila Kuya at iilang kaibigan naroon.
Jared Pineda, what took you so long to come back?
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomanceMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...