𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐝𝐞𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢 - 𝐈𝐈𝐈

9 0 0
                                    

Bata palang ako matagal ng usap usapan yung lalaking nakakadena at naaalala ko pa ito pa yung ginagamit na panakot sa amin noong bata kami para di na kami lumabas ng gabi.

At 18 years old na ako noon kasama ko yung gf ko at saktong alas dose ng gabi nun naglalakad kami papunta sa bahay namin. Noong oras na iyon bilog at sobrang liwanag ng buwan pero umaambon noon.

Ang weird lang kase sa daan may maaamoy kang parang pinaghalong amoy ng nasusunog na goma o basura, basta nakakasulasok yung amoy  at amoy kalawang.

At sa paglalakad namin sa di kalayuan nagsimulang nagtahulan yung mga aso at sa tuwing lilingunin namin sa likuran wala namang tinatahulan yung mga aso hanggang sa di nagtagal biglang umalulong ang mga aso at bigla akong kinabahan at ng biglang lumingon kami sa likuran namin kitang kita ng dalawang mata ko papalapit sa amin yung lalaking sunog at nakakadena kaya hinawakan ko kamay ng gf ko at tumakbo kami at siya naman takbo ng lalaking nakakadena at as in papalapit na siya sa amin at lalong lumalakas yung amoy na sunog na goma o parang basura basta nakakasuka yung amoy.


Sa sobrang takot namin di namin nagawang makasigaw at habang tumatakbo kami tumatawa ng malakas yung nakakadena yung tawa niya as in parang tawa talaga ng demonyo at naaalala ko parang nauubo pa siya kakatawa niya. Habang tumatakbo siya dinig mo yung kadenang gumuguyod sa kalsada.


Huminto kami sa isang bahay at kinalampag namin yung pintuan at sumisigaw kami ng tulong luckily pinagbuksan kami at dali dali kaming pinapasok at isinara yung pintuan at pati yung bintana at bago isara yung bintana nakita ko kung paano nanglilisik yung mata ng lalaking nakakadena habang nakangisi at tumawa ng malakas.

Yung tawa niya as in nakakakilabot parang nagmumula sa  impyerno. At doon kami nagpa umaga sa bahay na iyon at that time pareho kaming tulala ng gf ko.


At nasabi sa amin ng matandang nagpatuloy sa amin na si lola Isting ang lalaking nakakadena daw ay anak daw ni Tandang Heraldo(Di nya real name). Bading daw yung anak niyang iyon at dahil di matanggap binugb0g at pagkatapos kinadena daw niya at ginuyod sa kalsada.

At di pa daw nakuntento binuhusan ng gasolina at sinilaban ng buhay. Di ko alam kung totoo ba na anak yun ng kapitbahay namin na ngayon ay maysakit sa pag iisip pero isa lang ang alam ko sobrang kinakatakutan ko maglakad ng mag isa tuwing gabi.

Bedtime Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon