Chapter 40

319 10 27
                                    

Vienna PoV

There I am, sitting alone in the garden of this hospital, watching the other patients happily talking to their love ones. I wish Kashi is here beside me too.

Kakagising ko lang at wala akong naabutang tao sa kwarto ko, tanging ang nurse lang na kakapasok lang na magchecheck sa'kin ang nandoon. Tinanong ko sa kan'ya kung saan ang garden nitong hospital para makalanghap naman ako ng sariwang hangin, buti ay mabait ito at s'ya pa mismo ang nagdala sa'kin rito.

"Hi, can I sit here?" napatingin ako sa biglang nagsalita sa tabi ko, it's her. She really looks like an angel and her voice sounds so sweet.

"Sure, have a seat" pilit akong ngumiti at tinapik ang tabi ko. Maraming upuan ang nawalang nakaupo, hindi ko alam kung bakit dito pa n'ya naisipang maupo sa tabi ko.

"Pasensya na sa pang iistorbo ikaw lang kasi nakita kong walang kasama kaya dito ako pumunta, hahahaha pwede ko bang malaman kung bakit mag isa ka?" I gave her a smile before looking in front.

"Wala pa yung mga kasama ko, ikaw bakit mag isa ka?"

"Natutulog yung bantay ko kaya tumakas muna 'ko nakakabored sa kwarto na'yon eh" ngiting sabi nito.

"I'm Jelsey by the way, and you are?"

"Vienna" ngiting pakilala ko at nakipag kamay sa kan'ya.

"Nice to meet you Vienna, nice name, suits well for a pretty lady like you"

"Nice to meet you too and thank you, you're prettier and your voice sounds sweet though" bati ko.

"Thanks, I used to sing together with my man back then. Kilala mo si Kashi? Balita ko sikat s'ya ngayon"

"Yeah, I'm actually one of his fan" not justa fan actually.

"Looks like I really missed a lot since I've been staying here for 3 years"

"That long? That's a tough journey for you" I pretended like I know nothing, sinabihan ko rin si Doc Olive kanina na h'wag sabihin kay Kashi na sinundan ko sila.

"Yes, macoma 'ko buti nga at nandyan sila mommy at daddy para bantayan at alagaan ang katawan ko kaso hindi ko alam kung worth it nga ang paglaban ko" nakayukong sabi n'ya, bumaba ang tingin ko sa singsing na nasa daliri n'ya. It's an engagement ring.

"Oh Y-you're engaged?" mapait s'yang napangiti bago umiling at haplosin ang singsing na nasa daliri n'ya.

"I was, but he's married now. He wants me to keep this ring so I did, all I want for him is to be happy, kahit masakit siguro tatanggapin ko nalang"

"I'm sorry"

"Nakakagulat nga eh akala ko hihintayin n'ya 'ko, lumaban pa naman ako tapos paggising ko ay bubungad sa'kin mula sa magulang ko ay tungkol sa kumakalat na usapang may asawa na s'ya" tumingin s'ya sa'kin at muling ngumiti. I feel sorry for her, kung alam lang n'ya na ako ang umagaw sa fiancé n'ya tiyak na magagalit s'ya.

"If you don't mind... Can you tell me what happened that made you in coma?" I actually want to know their story too.

"3 years ago, kakatapos ko lang mamili ng wedding gown at pauwi na sana kaso there was this girl, she asked me for help and naawa nga ako sa kalagayan n'ya kaya naman gusto ko sana s'yang tulungan kaso nung nasa police station na kami ay nandoon naman ang taong nang aabuse sa kan'ya kaya umalis kami agad kaso nasundan pala kami. We tried our best to escape but we didn't succeed and hindi ko alam kung anong nangyare sa kan'ya dahil naabutan kami nung lalaki and next time I knew was here I am, coma in 3 years"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi n'ya. So s'ya iyon? S'ya ang babaeng nagtangkang magligtas sa'kin noon.

Ang galing nga naman maglaro ng kapalaran, sa lahat ng babae bakit s'ya pa? Ako ang dahilan kung bakit nacoma s'ya, ako ang dahilan. Kung hindi hiningian ng tulong noon malamang kasal at masaya na sila ngayon ni Kashi baka nga may anak na sila kung hindi ka mangialam.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon