Serendipity

68 2 21
                                    

Na-post ko na 'to dati under @ohyeahazee under the same title but later on, I changed it to BUS EXPIE EXPRESS. Mga kaganapan sa akin sa pagsakay ko sa bus. :] 

--

“Bye bye!”  Nagkiss-kiss-an kami sa pisngi ng mga kaibigan ko. 

Uwian na namin ngayon. Maaga kaming umalis since isa’t kalahating oras nang late ‘yun professor namin. 

“Ingat guys ah!” Nag-wave kami ni Jei doon sa apat pa naming mga kaibigan. Magkakaiba kasi kami ng way. ‘Yun apat, nag-e-LRT, si Jei naman, jeep at ako lang nagba-bus.

“Oh, Laine! First ime nating magkasabay na mag-aantay ng masasakyan ah!” biro pa sa’kin ni Jei.

“Oo nga eh! Eto ata ang first time na magkasama tayo eh!” Sinundan ko pa ‘yun ng tawa.

Siguro sa aming magbabarkada, si Jei talaga ang pinaka-close ko sa lahat. Sobrang dami kasi ng mga similarities namin. 

“Oh, Laine, nandyan na ‘yun bus mo!” biglang sigaw sa akin ni Jei. Oo, bus ko talaga eh. Nagkiss naman ako sa cheeks niya and went up sa bus.

Marami nang tao sa bus. Oras na rin kasi ng uwian ng ibang universities pati mga working people.Doonako sa pinakadulo umupo. Doon sa animan. Tinignan ko ‘yun mga tao sa paligid ko. Sa right ko, ‘yun katabi ko, mag-syota. Mukhang mga nasa early twenties ‘yun dalawa. ‘Yun nasa unahan naman namin sa left, mag-asawa siguro, mga nasa late thirties. Tapos ‘yun sa may right naman nila, college students.

Hala, bakit ba puro lovers ang nasa bus? Maling bus ata ang nasakyan ko? At kailangan talagang paligiran ko ng mga love birds. Sila na may lovelife, ako busog. 

East Bridge po, student.” Sabi ko sa kunduktor ng bus at nagbigay ng saktong bayad. Tapos inabot naman sa akin ‘yun ticket.

Since mahaba-haba ang byahe ko, kinalkal ko ‘yun bag ko para sa phone ko. Earphones checked. Soundtrip na! 

Nang dumaan kami sa isang mall, halos nangalahati ‘yun laman nung bus. Oh yeah! So ayun, pumwesto ako sa doon sa pandalawahan, ‘doon sa wala akong makakatabi. Ayoko kasing may katabi eh. Ako na maarte. E'di sana nag-taxi na lang ako eh 'no? 

Tumingin ako sa labas ng bintana, may mga dekorasyon na sa kalsada.

Haaaay, December na pala ‘no? Ang bilis ng panahon. Sana naman maganda ang December ko. Puro bad vibes ang November ko eh T.T  

Okay, hindi na naman ako mapakali. Kinuha ko naman ‘yun novel na pinahiram sa akin ni Jei. Suspense/Thriller siya eh. Tipo kong libro.

Kakabuklat ko pa lang ng libro ko nang may kumag na tumabi sa’kin, sa left ko. Oo, kumag talaga. Wala akong pakialam sa kung sino ang nakakatabi ko. Pero ngayon, parang gusto kong bangasan ‘yun mukha nun lalakeng tumabi sa ‘kin.

Eh paano ba naman kasi, kung makaupo si kuya, parang super lambot nun upuan. Talagang ibinagsak nya ‘yun sarili niya sa upuan na para bang wala siyang makakatabi! Siguro, kung nakaharap lang ako sa salamin, baka nahalikan ko na ‘yun salamin. 

Blue Mountain, student.” Tapos iniabot niya ‘yun isang 1000 peso bill niya. Napataas naman ang kilay ko. 12php lang ang pamasahe papunta doon sa Blue mountain tapos… oh well, ano bang pakialam ko sakanya?! Sipain ko 'to eh. 

Binuklat ko ‘yun novel. Through my peripheral vision, nakita kong sinilip niya ‘yun cover nun libro. Ewan ko ba, pero sa act niyang ‘yon, bigla akong tinamaan ng kaba.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon