Teaser

3K 70 3
                                    

You can read this excerpt from Chaste Fairytale -Epilogue. Enjoy reading!

Unedited. May contain typographical and grammatical errors.
-
"Sir, pinapatawag po kayo ni Ma'am Katarina. O kaya pinapatanong po niya kung sa mansion po ba raw kayo magtatanghalian?" ang tawag ni Javier ang nagputol sa pag-uusap nila ni Noelle. Binibisita niya ito dahil ilang buwan na rin siyang hindi nakakauwi sa Alegre. He was studying his masters in the US. Isang beses sa isang buwan siya umuuwi, pero nitong mga nakaraan ay naging abala sa trabaho at pag-aaral kaya hindi nagka-oras na umuwi.

Noelle was his long time girlfriend. Five years. Usually nasa Cebu ito dahil doon rin nag-aaral ng law kaya timing na pareho silang nakauwi ng Guimaras. Minsan kapag umuuwi siya galing US ay dumiretso siya sa Cebu para sa babae. Nagkakilala sila ni Noelle rito sa Guimaras. Kilala ang babae sa mga karatig bayan dahil sa taglay nitong ganda. Pambato sa mga national pageants. She was charming, kind, smart, and wise.

Iyong prinsipyo nito ay naaayon sa prinsipyo niya. Pareho silang dalawa ng pinaglalaban. He was the one cheering her up to take law. Gusto niya rin 'yon pero hindi niya magawa kasi sobrang busy sa buong hacienda kaya nagfocus na lang sa pag-ma-masters ng business management. Law school would take one's time, it will consume all of him. At hindi 'yon pwede sa kanya dahil walang iba ang magma-manage rin sa hacienda.

Though he was studying abroad in college, kapag nakakauwi sa Alegre ay doon silang dalawa nagba-bonding. Distance wasn't a barrier for them. Matured mag-isip si Noelle at alam ang mga priorities niya sa buhay kaya mas nakakamangha 'yon para sa isang babae.

"Pauwi na ako, Javier. Sa mansion ako kakain," masaya niyang saad.

He was driving his car in a normal speed when someone riding a bike suddenly crossed the highway road. Bago pa niya ito mabangga ay tinapakan niya agad ang break. The car made a screeching noise. Dahil sa gulat ay natumba iyong bisikleta na sinasakyan ng babae.

His heart was beating faster because of the incident. Paano kung hindi siya agad nakapag-react? Mababangga niya ang babae dahil sa kasalanan nito. Halata na ito naman ang may kasalanan dahil agad agad itong tumawid mula doon sa isang maliit na interseksyon galing sa mataas na bukirin. He was mad. His head was boiling with anger.

"Miss," agad niyang pagalit dito nang makalabas siya ng sasakyan. She was getting up. Pinatayo na rin nito ang bisikleta nito. Kita niya ang galos sa binti nito na napuruhan dahil sa pagkakatumba. And he would not pity her. Ito ang may kasalanan! "Ano bang naiisip mo at tumawid ka sa kalsada nang hindi tumitingin?! Highway ito, miss!"

Nagpatuloy lamang ito sa ginagawang pagpulot ng mga nahulog nitong mga libro. Financial Accounting 1. The Law on Obligations and Contracts. Solution Manual For Acccounting Principles. Wala ito sa sarili, namumutla at halatang nagpapanic sa kung ano man ang nangyari.

Kaya imbis na magalit pa lalo ay tinulungan niya na lang pulutin ang mga bondpapers nito na halatang mga notes sa Oblicon, yellowpad na may mga solutions, at SciCal nito.

Lumingon ito sa kanya at imbis na kunin ang inaabot niyang mga papel ay mas lalong namilog ang mga mata nito. The girl was obviously younger than him, has thick black curly hair na itinali nito. Wearing a white university shirt and a black taslan short.

"What?" hinablot nito ang mga inabot niya saka nilagay sa basket ng bisikleta nito. "Okay ka lang, miss? Gamutin natin 'yan sugat mo. May first aid ako sa sasakyan..."

Tumingin ito sa sasakyan sa likod niya. Tapos, madiin ang pagpikit na tila'y may hindi kaaya-ayang natingnan doon. Nakakita ba ito ng multo? O mas nagulat dahil ito ang muntik ng makabangga dito. Na kasalanan din naman ng babae. Kung hindi siya naka-preno...mas malaki ang magiging responsibilidad niya.

"Hindi, okay lang ako. Maraming salamat. Pasensiya na sa abala, sir." At dali dali itong sumakay sa bisikleta. Nagmamadaling pinadyakan papalayo. Hindi na niya iisipin ang nangyayari sa babae o may masama bang nangyari dito. Hindi niya ito nabangga, kaya wala siyang pananagutan.

He offered her to clean her wounds, but she declined. Nagmagagandang loob siya sa kabila ng kasalanan nito.

Lumingon siya sa paligid at nakita ang dalawang dumptrack na nasa likod ng kanyang sasakyan na nakahinto. Maraming tao na rin ang nakatingin sa kanya, but didn't even bother to call him out.

He's Levi Verdejo. The owner of the oldest, famous, and appreciative Hacienda Alegre. Ang hacienda na nagbibigay ng maraming trabaho sa mga locals dito sa Guimaras. His family is well-respected here.

"Sir!" tawag nong Kuya sa isang nipa hut stall sa gilid ng kalsada. Nagtitinda ito ng mga gulay. Tumawid ito saka lumapit sa kanya, inabot ang isang sling na may card. "School ID yata nong bata."

Kinuha naman niya. Tumango kay Kuya saka tumalikod na. Kinawayan niya 'yong driver ng truck sa likod saka nagthumbs up ito. Sumakay na agad ng sasakyan para makauwi na.

University of Saint Joseph. Magallanes Street, Cebu City
Diwata Soledad Alcantara
Date of Birth: May 30, 1999
In case of Emergency, please notify: Estancia Alcantara

May sticker din na nakaipit sa doon. Protected naman 'yong card ng ID protector kaya nakakaipit talaga ng kung anong sticker sa loob.

School of Business and Management. Department of Accountancy and Finance.

Nilagay niya iyon pagkatapos sa upuan katabi niya saka pinaharurot ang sasakyan nagbabakasakaling maabutan pa niya ang babae. Kaso sa mahabang kalsada ay wala na siyang nakitang may nabibisikleta.

Sino bang matinong tao ang magdadala ng ID kapag namamasyal o nagsta-study sa kung saan? Mahalaga ang mga school ID kapag nag-aaral ka sa college. Noelle was studying in Law School in the same university as her kaya alam niya kung gaano kahalaga ang ID.

"Bahala na nga. This isn't my problem anymore."

And he continue driving his car home. Hacienda Alegre is waiting for him. Excited na rin siyang makumusta ang mga tauhan sa plantation.

_
Ilalagay ko na lang dito!

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon