Hindi pa rin makapaniwala si Kirt sa mga nangyari.
Unang-una, nakapatay siya ng tao. Hindi niya iyon ginusto. Nagawa niya lamang ang bagay na iyon dahil sa kagustuhan niyang protektahan ang kanyang mga magulang.
At isa pa, nawalan din siya ng kontrol sa kanyang sarili ng hindi niya alam ang dahilan kung bakit iyon nangyari.
Ang isa pa niyang hindi kayang paniwalaan ay ang ganap niyang pagiging isang estudyante ng Magical Academy.
Ganoon man, labis na kasiyahan ang naghahari sa kanya.
Hindi niya maipaliwanag ang tuwa na kanyang nararamdaman sa pagkakataong ito.
"Anak, magtungo na tayo sa Magical city. Sigurado kami ng iyong ina na marami na ang nag-aabang sa pagdating mo roon," basag ni Dan sa katahimikan na bumabalot sa kanilang tatlo.
"pero paano po ang pagbebenta natin ng mga kalakal?" tanong ni Kirt habang tinuturo ang mga sako na nakahanay sa kanilang harapan.
"Kami na ang bahala diyan anak. Ang importante ngayon, maaga dapat tayong makarating sa Magical city. Saktong may malapit na bentahan ng mga kalakal roon kaya hindi na kami mahihirapan ni Dan sa pagbebenta ng mga ito," tugon ni Janica habang ginugulo ang kulay itim na buhok ni Kirt.
Maya-maya, nagpasya na silang maglakbay papuntang Magical city.
Lumipas ang ilang oras na paglalakad, narating na nila ang kanilang distinasyon.
Napakaraming mga kabataan ang naroroon kasama ang kanilang mga magulang at mga kaibigan.
"Anak tanggapin mo ito," sabi ni Dan kay Kirt habang may inaabot.
Nanlaki ang mga mata ni Kirt ng makita niya kung ano ang inaabot ng kanyang ama sa kanya.
"Ama! Hindi ko po matatanggap ang bagay na iyan. Mas makatutulong po ang isang daang pilak na barya sa inyo ni ina," tugon ng binata.
"Tanggapin mo na ito. Matagal na namin itong pinag-iipunan para sa iyong pag-aaral. At ito na ang tamang panahon para ibigay namin sa iyo ito. Pambili mo na rin ito ng mga kakailanganin mo sa academy. Gaya na lamang ng mga bagong damit at mga sandata. Kailangan na kailangan mo ng mga iyon. Lalong-lalo na ang mga damit. Hindi kasi tayo nakapaghanda ng mga gamit mo papasok sa Magical Academy, ehh!" sagot ng kanyang ama habang kinakamot ang likod ng ulo nito.
Wala ng nagawa si Kirt. Tinanggap niya na rin ang isang daang pilak upang magsilbi niyang pera pambili ng kanyang mga kakailanganin sa pagpasok niya sa Magical Academy.
"Maraming salamat po ama, ina," sabi ng binata sabay yakap kay Dan at Janica.
"Labing-limang taong gulang ka na anak. Kaya panatag na kami ng iyong ama na iwanan kang mag-isa. Kapag tapos na ang inyong isang taong pag-aaral sa academy, huwag mo kaming kalilimutang dalawin. Dahil kung hindi, pingot ang aabutin mo sa akin. At manatili kang mapagkumbaba sa kahit na sino roon. Mag-iingat ka anak, ahh!? Mahal na mahal ka namin ng iyong ama," banta at paalala ng kanyang ina.
"Bakit ko naman po makakalimutan ang mga bagay na iyon ina. Mag-iingat din po kayo rito. Mahal na mahal ko rin po kayo ni ama. Sana pagbalik ko, may kapatid na po ako, haha! Biro lang po," tugon ni Kirt habang nagkakamot ng batok.
Namula sa hiya si Janica dahil sa mga sinabi sa kanya ng kanyang anak. Ganoon man, hinalikan na lamang niya ito sa ulo bilang tanda ng kanyang labis na pagmamahal para sa kanyang nag-iisang anak.
Natawa na lamang si Dan sa mga nangyari.
"Para sa mga hinirang, humanay na kayo sa harapan ng tarangkahan. Ang pagpasok sa Magical city ay nalalapit na.. Sapagkat ang bilang ng mga hinirang ay umabot na sa dalawang daan," sabi ng isang matandang lalaki na nakatayo sa harapan ng tarangkahan.
Dahil dito, nagpaalam na si Kirt sa kanyang mga magulang para humanay na kasama ng iba pang mga kabataan.
Hindi na napigilan ng mag-asawa ang kanilang pagluha. Nagpaalam na rin sila kay Kirt at binigyan nila ito ng huling yakap.
Pagkatapos ng makabagdamdaming pagpapaalam ng tatlo sa isa't isa, humanay na si Kirt sa pila.
Nang magsimula na silang maglakad papasok sa lungsod, kumaway pa ang binata sa kanyang mga magulang at binigyan ito ng huling ngiti.
Mas lalong umiyak si Janica ngunit nandyaan naman si Dan upang pakalmahin siya.
Nang tuluyan na silang makapasok sa Magical city, sobrang namangha ang lahat dahil sa ganda ng tanawin sa loob nito.
"Ito pala ang loob ng Magical city," nakangangang bulalas ni Kirt.
Makikita roon ang mga naglalakihang mga gusali, kainan, pasugalan at marami pang iba.
Sa ilang minuto nilang paglalakad, huminto sila sa harap ng isang malaking gusali.Sa tingin ni Kirt, nasa isang daang palapag ang gusaling nasa harap nila. ibang-iba rin ito sa mga gusaling nakikita niya sa labas ng Magical city.
"Alam kong karamihan sa inyo ay labis na nagtataka kung bakit ko kayo dinala rito. Ang dahilan kung bakit ko kayo dinala rito ay simple lang. Sapagkat, dito ninyo bibilhin ang mga kakailanganin ninyo sa academy. Huwag kayong mag-alala sa ipangbabayad ninyo. Bibigyan kayo ng Magical Academy ng isang libong gold coins. At para hindi kayo maligaw sa gusaling ito, bibigyan rin namin kayo ng mapa ng Magical Market. Kasama na rin dyaan ang mga listahan ng mga pangunahin ninyong kailangang bilhin," paliwanag ng matandang lalaki.
Pagkatapos magsalita ng matanda, may lumitaw na mga pushcart sa kanilang harapan.
Nakalagay sa loob ang mga gintong barya na nakalagay sa isang sisidlan. Habang ang mapa at listahan ng mga kailangang bilhin ay nakadikit naman sa harapan ng pushcart.Napanganga na lang ulit si Kirt dahil sa mangha.
Nang makabawi, agad na siyang pumasok sa Magical Market at unang nagtungo sa bilihan ng mga sandata.
BINABASA MO ANG
Tale of the True God (Book 1 : Mission)
FantasySa mundo ng mga adventurer at ng mga wizard, hindi maiiwasan ang mga patayan, kaguluhan at mga pagsubok na maaaring kaharapin ng bawat isa. Tulad na lang ni Kirt Lorie. Siya ay isang pinagpalang nilalang dahil sa kanyang tinataglay na mga kapangyari...