-CHYLENE HERA
Umaga na pero parang hindi nagtagal ang oras. Nakatulala lang ako habang nakaupo sa aking kama. 8:30 pa naman ang first class ko ngayon at 5:30 am pa lang. Kahit naman nagpupuyat ako ay never akong na-late ng gising. Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka nag-inat.
Pagtingin ko sa katabi kong deck ay gising na pala ʼyong new roomate namin. Ngumiti ito sa akin pero tumango lang ako sa kaniya. Lumapit ako sa salamin para tingnan kung halata ba ang eyebags ko. Shocks, halata masiyado ang eyebags ko kaya kailangan matakpan ko ito ng concelear.
Agad akong pumasok sa comfort room namin at naghilamos ng mukha. Wala talaga akong gana pumasok ngayon pero kailangan matataas ang grades ko since malaki ang expectation sa akin ng mga magulang ko.
“Ang panget ko na talaga. Halatang stress na stress ang mukha ko,” bulong ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin ng comfort room.
Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ako sa comfort room at naabutan ko roon ʼyong bago sa amin. Ano nga ang pangalan nito? Hindi ko kasi alam ang pangalan nʼya.
“What is your name?” mahina kong tanong.
“Lennox Addison Yohen pero tawagin mo na lang akong Lay,” nakangiti nʼyang pakilala.
Bakit ba lagi itong nakangiti? Hindi ba ito napapagod sa kangingiti nʼya? Ako nga mabilis mapagod sa pagngiti.
"“Nice name, just call me Chylene,” tipid kong sabi at nilagpasan sʼya.
Bahala na sʼya kung anoʼng reaksyon nʼya sa sinabi ko basta kinausap ko na sʼya. Hindi na kailangan ng mahabang usapan para malaman nʼya ang lahat or para maging kaibigan nʼya ako.
Lumapit agad ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone. Iche-check ko lang ang gc namin kung may klase sa first period namin. Minsan kasi ay wala ʼyong teacher namin sa first period dahil busy sʼya sa faculty lalo na palapit na ang foundation day and acquaintance party.
Pag-open ko sa aking messenger ay panay chat nila ng unnecessary topic sa gc. Goodluck na lang sa kanila kung makita ito ng teacher namin, terror pa naman ʼyon. Bakit kasi hindi na lang sila gumawa ng groupchat na sila lang? Hiyang-hiya ako sa topic nila na lovelife lalo na ʼyong mga girls.
In-off ko ang aking cellphone dahil puro kalandian ang nakikita ko sa mga groupchat ko at mga arabo na nagcha-chat sa akin. Mas mabuti pa na maghanda ako ng kakainin ko para pagkatapos ko nito ay maliligo ako at magbibihis then punta na agad sa building namin.
Ginawa ko kung ano man ang nasa isipan ko at nagsout ng aesthetic style. Nakigaya na rin ako since uso na ʼyan ngayon. Okay lang naman kasi na hindi ka mag-uniform dito basta hʼwag lang sa Monday. Pagkatapos ko magbihis ay dinala ko na lahat ng gamit ko for school purposes at lumabas na sa dorm.
Ang tagal kasi sa banyo ng bago sa amin. Hindi ko alam kung ano ang kinatagal nʼya roon, baka nagriritwal pa sa banyo? Namalayan ko na lang na nasa baba na ako. Patuloy pa rin ako sa paglalakad and may tumatawag pa sa akin na mga tricyle driver para tawagin ako kung sasakay ba ako sa tricyle nila pero umiling lang ako at hinayaan sila.
Mas mabuti pa na maglakad na lang kasi excercise at malapit lang naman ʼyong department sa room namin. Ang laki pa naman ng pamasahe ngayon kasi nga katwiran ng mga driver na mahal ang presyo ng gasolina pero binalita na namaʼy rollback sa gasolina.
May nakakasalubong din ako na pupunta sa mga department nila and I think na mga College Students sila since ang liliit ng mga bag nila and kaunti lang ang laman nito. Unlike sa amin na medyo marami ang laman. Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa room ko sa hindi kalayuan.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romansa[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...