Dara's POV
It's already 12 in the midnight at hindi pa din natigil ang pag tulo nang mga luha mula sa mata ko.
Kahit anong gawin kong pagtulog o paglimot nang mga nangyari kanina hindi ko magawa.
Hindi pa din ako nakain simula kanina. Ni hindi ako lumabas o uminom man lang nang tubig.
Hindi kasi ako makaramdam nang gutom man lang.
Panghihina yan ang nararamdam ko ngayon.
Sa tingin ko nga hindi lang ako manhid. Naging tanga't bulag din ako para hindi pansinin ang mga nangyayaring hindi maganda noong nga nakaraang buwan.
Sobrang sakit nang lahat sakin ngayon. Ang mata kong mugtong mugto na kakaiyak. Ang lalamunan kong tuyo't na tuyot na, ang utak ko na kanina pa nagiisip kung ba't naging ganto kami at ang buong katawan kong nanginginig nang hindi ko alam bakit.
At higit sa lahat... ang puso ko! Ito ang sobrang naapektuhan.
Pakiramdam ko ay may kung anong palaso ang tumurok dito para sumakit at magdugo nang ganto.
Ang sakit sakit... sobra!!
Hindi ko pa naranasan ang masaktan nang ganto dati. Hindi pa. At ngayon ko lang napagtanto na.. ganto pala ang pakiramdam nang lokohin ka nang isang taong minahal mo nang lubos.
Yung tipong pakiramdam ko inalisan nila ako nang karapatan na sumagap nang hangin sa Earth. Yung ganun ba.
Yung pakiramdam na parang unti unti akong lumulubog sa isang kumunoy sa gubat at patuloy ako sa pag sigaw nang pangalan nya pero walang nadating.
Maski anino nya wala.
Lumubog at nalunod ako... Nalunod ako sa katangahang ako mismo ang gumawa.
Ba't kasi ang tanga tanga ko para mahalin sya nang todo?
Ngayon ramdam ko na ang sakit na naramdam ni Bom nang mag break sila ni Top. Pero tingin ko! Triple pa ang sakit nang akin.
Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga ko at tumungo sa table kung saan nakalagay ang phone ko.
Sabog ang inbox ko sa dami nang texts at punong puno din ito nang missed calls.
Hindi ko ito pinansin at dinial ko agad ang number nya.
[Dialling Jiyong-ah ♥...]
Naupo ako sa kama ko dahil pakiramdam ko bibigay ang binti ko.
Kanina pa din ako sinisinok dahil sa walang tigil na pagiyak ko.
Mabuti nga't hindi pa dugo ang lumalabas sa mga mata ko e.
[Whose this sh*t calling me at this hour?]
Nagulat ako dahil sa dagundong na sigaw ni Jiyong sa kabilang linya.
Nagulat man ako ay nilabanan ko ito at nagsalita.
"J-Ji...yong."
Wala akong narinig na kahit anong response nang magsalita ako.
Pero alam kong nasa kabilang linya pa sya at nakikinig pa din.
"J-Jiyong... A-Ano yung *hiccup* napanuod ko kanina? B-Bakit ganun? Diba ako *hiccup* ang girlfriend mo? Ano yung *hiccup* kanina? Paki paliwanag naman *hiccup* sa tangang nag ngangalang Sandara Park *hiccup* dahil hindi nya maintindihan."
Bwiset na sinok to! Hindi tuloy ako makapag salita nang maayos.
Wala na naman akong narinig na imik sa kabilang linya kaya't pinagpatuloy ko na lamang ang pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)
FanfictionHanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the world. Would they dare sacrifice while its still early or just let it be hidden. And when she rea...