Hayan na siya. Nakatingin na naman. Ewan ko ba kung anong klaseng gayuma ang ipinainom saakin ng lalakeng 'to. Para bang bawat galaw niya, bawat ngiti, bawat salita, perpekto sa pandinig at paningin ko. Ayan na. Kinukuha na niya ang kamay ko. Unti-unti niyang hinahawakan ang mga pisngi ko, OMG.... is this really is it is it na nga ba talaga? Or am I just dreaming?
Bigla akong natigil sa pagpapantasiya ko nang may humampas ng kung ano saakin sa likod.
Napasigaw ako. "Aray ko naman! Ano ba'ng problema mo?"
Ayon sa inaasahan, si Carly na naman ang may gawa nu'n. Ang walang kasing-KJ na girl bestfriend ko simula pa lang ng kindergarten. Aywan ko nga ba kung bakit naging kaibigan ko 'to. "Ako, wala. Ikaw, malaki..." sabi niya habang kinakain ang French fries kong nasa table.
Iniayos ko ang salamin ko. "Ano bang sinasabi mo 'jan?"
Sinenyasan niya ako. "Tingin ka sa may kanan mo."
I did so. At tama nga rin naman ang hula ko. Si Lance nga. Kasama na naman ang walang kakupas-kupas na love of his life niyang si Star. Aywan ko nga ba talaga kung bakit 'Star' pa ang ibinigay na pangalan sa kanya. Kung ako kasi ang tatanungin, 'di naman siya mukhang-artista kahit konti. Kahit pa sabihin na nga nating nakuha niya ang lead role sa play na itatanghal sa school namin. Haler? Obvious naman na ako na sana ang kukunin eh. If only the president of the club was not one of her many admirers.......
Tumingin ako ulit kay Carly. "O, eh ano ngayon?"
Napalunok siya. "Ano ngayon? Girl, haler... Kasama na naman ng prince charming mo ang babaeng patatas na 'yan."
"Prince charming prince charming ka 'jan. Saka baka nakakalimutan mo," sambit ko sabay kuha ng French fries ko. "Patatas din 'tong kinakain mo."
"Eh kaya nga, eh. Ang sarap lamunin ng babaeng 'yan. Akala niya kung sino siya. 'Di naman siya maganda, ah. Ewan ko ba kung anong nakikita ng mga lalake't nagkakandarapa sa kanya."
Ako, alam ko. Sa panahon natin ngayon, uso na ang flirt. 'Di na sold out ang mga dalagang Pilipina. Mapa-silent type man o maingay 'yong guy, 'pag nakakilala ng flirt, papatol at papatol 'yan. Sana nga lang, may self-esteem akong abot-langit na kagaya sa Star na 'yan.
"Ba't ba kasi dine-deny mo pa?"
I gave her the what-the-heck-are-you-talking-about look. "Ang alin?"
Kinuha niya 'yung phone niya. "Na gusto mo si Lance."
"Gusto? Hindi no.. Bestfriend ko 'yon. Tropa kami. Walang talo-talo." Pagtanggi ko.
"Alam mo ikaw ha, Mia. Kung gaano kaganda ang pangalan mo, ganu'n din ka cheap ang ugali mo. Para ka nang lalake kung magsalita."
I just rolled my eyes. Naku, kung di ko pa talaga kaibigan ang babaeng 'to, matagal ko na 'tong sinakal. Ang sarap patikimin ng sipa ni Kung Fu Panda. Napaka-tactless.
Nakatingin lang ako sa dalawang "lovebirds" habang kumakain nang biglang hinalikan sa pisngi ng malanding pusang 'yon ang guy of my dreams ko! Napalunok ako. Teka—- ba't parang may bumabara? Walang hiya! Nabilaukan ako!
May napakalaking question mark sa mukha ni Carly habang nakatingin saakin. "Ui.. Napano ka?"
Sinenyasan ko siya habang nagpa-panic.
"Ano? Hindi ko maintindihan. Magsalita ka nga!"
"Hin-di a-ko maka-hinga." Abot-hiningang wika ko.
Sa wakas, na gets na rin nitong gagang babaeng 'to ang nangyayari. "Oh my God. What shall I do? Help! Heeeeelp ussss!" Sigaw niya.
Nagpa-panic na rin ang mga tao sa kabilang table. Paksyett. Imbis na tulungan ako, para bang sila pa ang nabibilaukan.
Akala ko makikita ko na ang langit nang biglang may tila si Superman na tumakbo papunta sa'kin.
Dahil sobrang blurry na ng paningin ko dahil nga sa mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko, 'di ko na nakita kung sino sha. Ang alam ko lang, kailangan ko nang makahinga!
He wrapped his arms around my stomach para maglagay ng force nang sa ganu'n mailuwa ko ang nakabara sa lalamunan ko.
"Isa..," pagbilang ng mga tao habang ina-attempt akong isalba ng kung sinumang santo 'to. "Dalawa," tae. Ano ba naman? Kailangan ba talagang may background noise? Haler! Mamamatay na ako oh! "Tatlo!" at ayon. Tumilapon ang nakain kong manok at sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag.
Bumalik agad sa tables nila ang mga tao na para bang walang nangyari,. Gosh! Do you have any idea how embarrassing that was for me?
"Jusko naman, Mia. Ano ba ang nangyari't nalunok mo ang ganu'n kalaking piraso ng manok?"
Good question, bestie.. Salamat naman at nag-iisip ka. Pero 'di ko rin alam ang sagot.
Someone from behind me ang nag-alok saakin ng tubig. "Ayos ka lang, Mia?" Tanong niya.
Wow! Syempre naman 'diba? Sa dinami-rami ng pwedeng magligtas ng buhay ko, si Lance pa! Ba't ba kailangan nandito siya 'pag napaka-embarrasing ng nangyayari sa'kin? Pero on the other hand, he's always been my knight and shining armor. My protector. My hero. Kaya nga head over heels ako sa lalakeng 'to eh.
Tumango lang ako. Ininom ko ang tubig na bigay niya at unti-unti niyang hinaplos ang likod ko. "Mag-iingat ka sa susunod, ha?"
Ang sweet talaga niya. Ang sarap naman sa pakiramdam na kino-comfort niya ako matapos akong atakihin ng manok na iyon. Well, practically speaking, 'di naman ako inatake nu'n. Ako pa nga ang kumain sa kanya. Malamang sa hindi, gumaganti lang siya. Ayon pa nga sa Physics 'diba? An action always has its corresponding reaction. Kaya siguro gumanti 'yong manok na 'yon.
Siyempre pa, umi-eksena na naman 'yong bruhang bituin. "Lance? Let's go?"
Tumingin lang si Lance sa kanya, saka tumingin ulit sa'kin. "Ayos ka na ba, Mia?"
Pwede ko bang sabihing hindi? 'Wag kang sasama sa bruhang 'yan please. Dito ka lang. Pero syempre..........
I nodded. "Yup. I'll be fine."
"Sigurado ka?"
Hindi..
"Oo." Labag sa loob na sagot ko.
"Okay then. I'll go ahead." Kinuha niya ang kamay ko at marahan itong pinisil. "Mag-iingat ka sa susunod, ha?" 'Yon lang at tumakbo na siya papunta sa babaeng bakulaw na 'yon. Tiningnan pa ako ng bruha, and then she rolled her eyes.
Inis na napa-upo ako sa silya.
"Walang gusto pala ha? Eh kung makatingin ka sa dalawa kanina, parang gusto mo nang sipain palabas ng pinto si Star."
"Kainin mo na nga lang 'yung tinapay mo. Ang dami mo pang satsat eh." Sabi ko habang tuumitingin sa prince charming kong papaalis na ng cafeteria kasama ang mukhang-shrek at ugaling-ogre na girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
How to Get Out of the "Bestfriend Zone"
Novela JuvenilHave you ever been in the friendzone? Hindi ba't walang mas sasakit pa pag alam mo sa puso mo na mahal mo yung tao pero alam mo rin naman na hanggang mag "bestfriends" lang kayo? Si Mia Therese Tuazon ay isang tipikal na estudyante ng Immaculate Con...