Chapter 7

84 4 0
                                    

Chapter 7:

            Sa sumunod na araw, napansin kong for the first time in a long time, hindi na-late si Joshua sa klase. Tahimik lang siyang pumasok sa classroom habang nakasuot ng earphones na para bang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

            Sinundan ko lang siya ng tingin. When I saw him looking at me, I immediately pretended to be looking somewhere else. Mahirap na, no? Baka mapagkamalan pa akong may crush dito. Huh! In his dreams. May Lance na kaya ako.

            Wala namang nagbago sa kanya nang pinagmasdan ko siya habang nagka-klase kami. He was his usual self; looking not a bit interested about what our teachers are saying in front. Halatang naghihintay lang na mag ring ang bell. I would like to guess na alam niyang tinitingnan ko siya, kaya lang hindi na siya tumitingin pabalik. Akala mo naman kung sinong hot. Che!

———————-

            Nang matapos ang klase, I immediately went sa cafeteria. Grabe, nakakagutom talagang making sa teachers talking nonsense for hours. I mean seriously. Sino ba nama'ng bibili lang ng shampoo sa tindahan at sasabihing: "Magkano po ba lahat, ale? Sige nga. Kwentahin natin. If I bought x number of shampoo, then I will be paying you y, which is the amount in pesos." O, di'ba nakakabad-trip lang? Eh pa'no kung gusto mo lang maging zookeeper, kailangan mo pa ba talagang matutuhan lahat ng 'to para lang makahanap ng trabaho? It's just pointless.

            I passed by sa lobby and I saw Joshua heading towards the gate. Kahit gutom na gutom ako, I decided to follow him nalang. Na-curious kasi ako kung saan sha pupunta.

            Nag jeep lang siya. Umupo siya sa front seat at sa likuran ako. Para naman 'di niya ako makita at 'di niya 'ko mapagkamalang stalker niya. Pilingero pa naman 'yun.

            After about 20 minutes, bumaba na sha. Siyempre pa, bumaba rin ako. Pero para na nga talagang stalker ang drama ko. O 'di kaya'y spy. Ah basta, ewan. Basta ang alam ko lang, sinikap ko talagang 'di niya ako makita.

            Nakita kong pumasok siya sa isang House of the Elders. Nagtaka ako kung ano ang ginagawa niya 'don. Nang mapansin kong may karinderya pala sa may kanto, um-order muna ako kasi I had this feeling na matatagalan pa sha. I ate my sisig, still not taking my eyes off the establishment.

            Tick tock.... Tick tock.....

            Ang tagal naman ng oras. 'Di pa ba lalabas ang lalakeng 'yon?

            Mag-iisang oras na din ang dumaan at sa wakas, lumabas na rin sha. Nang masiguro kong wala na talaga siya, pumasok ako sa establishment at lumapit ako sa isa sa mga katiwala du'n.

            "Hi po. Pwede po'ng magtanong?"

            Tumigil siya sa paglalakad at nakangiting sumagot: "Oo  ba. Ano 'yon?"

            "Nakita niyo po ba 'yung lalakeng kalalabas lang?"

            "Ah. Si Mr. Pogi?"

            Pogi ba 'yun?

            "Umm.." sandali pa akong napaisip. "Ok na rin po." Sabi ko. "Basta po 'yung kalalabas lang mula rito. Alam niyo po ba kung sino'ng binisita niya?"

            She nodded. "Oo. Si Lola Penchang. Nandu'n siya o. Sa may halamanan."

            Tiningnan ko ang tinutukoy niya. Nakita ko ang isang matandang babae, about 80's na siguro ang age niya. Kahit matanda na siya, halatang maganda siya. Matangos ang ilong niya, at napaka-puti pa.

            "Sa pagkakaalam ko iha," dagdag pa niya, "si Mr. Pogi ang nagdala sa kanya rito. Nakita daw kasi niya sa may kalye isang maulan na gabi. Naawa sha kasi may Alzheimers ang matanda. At parang wala nang maalala."

            Namangha ako sa narinig ko. "Eh, ba't pa po niya pinupuntahan dito?"

            "Nangako raw kasi siya sa matanda na parati niya itong dadalawin. Akala kasi ng matanda, apo niya talaga si Pogi. Kahit nga may pasok si Pogi, uma-absent talaga siya mabisita lang si Lola."

            Natahimik ako at napaisip bigla. Kaya pala nagsi-skip siya ng klase at 'di talaga pumapasok paminsan. Grabe. 'Di ko ini-expect 'yun, ah. I judged him wrong nga naman talaga. He's the exact opposite of the word: selfish. OMG. What have I done? I REALLY need to make it up to him. Pero paano? 

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon