Nagising ako sa ingay ng alon sa dagat at pagaspas ng mga ibon. Ramdam ko ang haplos ng simoy ng hangin sa aking balat at unting unting pagsikat ng araw. Bukas ang pinto ng kwarto ko at na baling ang paningin ko sa bintana. Nakita ko si Lola nakaupo sa harap ng bintana ng kwarto ko. Nakapikit at nakangiti, nilapitan ko siya.
Jen: Lola magandang Umaga, kumusta po tulog niyo. Aalokin ko po sana kayo kagabi upang kumain ngunit ang himbing na po ng tulog niyo.
Wala akong narinig na Salita Kay Lola nakangiti lang ito sa akin. At hinaplos ang mukha ko. Naalala ko ang nangyari sa akin kagabi, ngunit ayaw kong mag bago ang mood ni Lola kaya pinabayaan ko na lamang ang pangyayaring iyon. Akma na akong maglalakad patungo sa kusina pero tinigilan ako ni Lola.
Lola : ako na ang magluluto, hayaan mo akong magluto ng paborito nating ulam. At tutulongan din kita sa pagdidilig.
Jen : naku Lola wag na ho sanay na po ako sa gawain. Hayaan niyo na po ako.
Pero mukhang ayaw magpatalo ni Lola. Pumunta siya sa kusina at kinuha ang pandilig, walis. Masaya rin ako dahil mukhang active na si Lola ngayon kumpara sa mga nagdaang taon.
Jen: Lola mag iingat ho kayo ahh. Susunod po ako maghihilamos lang po! ( Sigaw ko) mabilis na akong pumasok sa banyo at naghilamos. Naisip ko yong ganap kagabi pinagmasadan ko ang aking kaliwang kamay parang hindi naman kamay ng ordinaryong tao iyon? isip ko pa. Sa lalim ng pagiisip ko ilang sigundo pa ay nagulat ako sa pusa bigla lang tumalon palapit sakin.
Jen: ay! Pusang gala!! 😮mingming Luna naman nakakagulat ka! (sabay haplos sa kanyang ulo at likod) meow.... Pagkatapos kong maghilamos kinuha ko yong panudsod ng lupa. "Maglilinis din ako ng bakuran namin ngayon mukhang Mahaba na ang mga damo" Ika ko sa sarili ko. Sinundan ko si Lola sa Hardin at nadatnan ko siyang nagdidilig ng bulaklak at gulayan. Nakangiting umaawit. Mukhang good mood si Lola ahh! 😊
