"Welcome po sa Underworld University!"
Iyan palagi ang linya ko sa tuwing may papasok sa entrance, sabay bigay ng flyer na hawak ko nang may ngiti. Kanina pa kaming umaga nandito. Nag-lunch break na rin naman kami ng isang oras tapos ay bumalik na rin kami sa mga assigned tasks namin.
Malaki itong entrance kaya't nasa magkabilang side kami ni Jerome. Paminsan-minsan, nasisilayan ko siya at naninibago talaga ako sa tuwing bibigyan niya nang malumanay na ngiti ang bawat nilalang na papasok sa gate.
Para bang may ibang katauhan na sumasanib sa kanya gaya no'ng nasa formal party kami sa Ground Okta.
Hapon na at ilang oras na rin kaming nakatayo rito kaya't medyo nangangalay na ang mga binti ko. Gusto ko sanang umupo ngunit hindi puwede.
"Aika."
Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
"Oh, Rodrigo."
"May pinapasabi si President."
Napakunot ang noo ko, "Ano raw 'yon?"
"Pumunta ka raw sa central area sa ice cream stall. Tulungan mo raw si Eira," aniya.
"Ha? Pero paano 'tong flyers?"
"Ako na muna diyan. Pumunta ka muna ro'n kay Eira. Ipapatawag na lang kita kapag kailangan mo nang bumalik dito," sagot ni Rodrigo.
"Oh, okay."
"Bilisan mo kasi mag-isa lang do'n si Eira. Dali."
Kinuha sa'kin ni Rodrigo ang mga hawak kong flyers pagkatapos ay nagmadali na akong umalis para puntahan si Eira sa central area.
Marami-rami nang mga nilalang na naririto ngayon kaya't medyo nahihirapan akong sumingit sa mga pagitan nila lalo na't nagmamadali ako.
Ilang sandali lang ay nakarating na rin ako sa central area kung nasaan ang bench lane, garden, at clock tower ng university.
May mga stalls na nakapalibot ngayon sa garden, bandang bench lanes. Palinga-linga ako habang marahang naglalakad para hanapin ang ice cream stall ni Eira.
Matapos ang ilang sandali ay nakita ko rin ito. Kulay blue at pink ang kulay ng stall niya at napansin kong marami-rami nga siyang customer kaya naman nagmadali akong sumingit sa mga nilalang na nakapila rito para makapasok ako sa loob ng stall.
"Tulungan na kita."
"Oh, ikaw pala, Aika," ani Eira nang mapansin niya ako.
Nakalagay ang iba't ibang flavor ng ice cream sa bawat tub nito rito sa loob ng isang glass container. Nasa gilid naman namin ang cups at cones na pamimilian ng customers kung anong container ang gusto nila.
Nang may nakita akong sun visor at apron sa gilid ay agad ko itong dinampot at isinuot. Pagkatapos ay nag-entertain na rin ako ng ilang customer na nakapila rito na nabili ng ice cream.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasy[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...