▬TRIXIE'S POV
"Ayokong maging sobrang attached sa mga tao. Di ko kasi alam kung kelan nila ako iiwan. Pero I’m sure na iiwan nila ako. At kapag dumating na ‘yung time na ‘yun, baka hindi ko kayanin." pag-e-explain ko.
"Ano ka ba naman, Trix. Nililigawan ka pa lang yang pag-iwan na agad ang iniisip mo?" Trish asked.
"Dun din naman kasi yung ending." sagot ko.
"Charotera! Alam mo, may mga istoryang pinipili pa rin nating ituloy kahit alam na natin ang ending." banat ni Trish.
"Bakit? Bakit may mga istoryang pinipili pa rin nating ituloy kahit alam na natin ang ending?" tanong ko.
"Kasi kadalasan, yung mga pangyayari sa pagitan ng beginning at end ay worth it na malaman." Trish explained.
"Like. Gandang FB status nyan, Trish! Hahaha!" I said.
"Ewan ko sayo. Saka isa pa, Trish, wag kang bitterela dyan." komento niya.
"Hindi ako bitter, realistic lang." I cleared.
"Ayan ka na naman sa mga ganyan-ganyan mo Trix ha. Babatukan na kita dyan eh." banta ni Trish.
"Ang sadista mo!" I said.
"Ay wow ha! Ako pa ngayon ang sadista eh ikaw nga balak mong bastedin si Sir! Hmp! Kawawa naman si Sir Darrel!" Trish said.
"Weh? Babastedin mo si Sir?!" biglang sulpot ni Lucy. Kasabay sila Zarah at Camile.
"Hindi naman sya nanliligaw eh!" depensa ko.
"Kuuu! Trix, wag kami." Zarah said.
"Bakit mo naman babastedin si Sir, Trix? Botong-boto pa naman kami sa kanya!" --- Camile
"Oo nga. He's perfect for you pa naman." --- Zarah
"Crush mo naman si Sir diba?" ---- Lucy
"Oo." I answered.
"Yun naman pala eh!" --- Camile
"May nagho-hold back sayo, Trix. Ano yun?" Zarah asked.
"Natatakot ka ba na baka masaktan ka lang kay Sir?" tanong ni Camile.
"Hindi..." sabi ko.
"Oh anong problema? Bebs, Listen. Don't let the special moments pass you by. Give yourself a chance to feel a different kind of happiness. Give yourself a shot to love." Zarah said.
"Like." --- Lucy
"Hahahahaha!" --- Camile, Zarah, Trish at ako.
"Gawin mong status mamaya yan sa FB, bebs!" --- Camile
"Benta yan tamo!" --- Lucy
At nauwi na sa tawanan ang seryosong usapan. Well, wala namang bago dun. We always end up that way. Kaya nakakagaan ng kalooban kausap tong mga taong to eh. ^_____________^
Dumating na yung prof namin sa first subject. Sana wag na dumating yung pangalawa.
--__________________--
Joke lang. Gusto ko pala siyang makita.
>________________________<
Joke lang ulit. Haay!
"Good morning, guys."
Nako. Eto na siya! Bakit ang bilis ng oras? Creative Writing na agad! Jeez!
"Okay, pass your homeworks." He said.
O________________________O
Anak ng tipaklong!
"May assignment?!" tanong ko kay Trish.
"Oo bakla! May pinasulat si Sir last meeting. Kuuu! Sorry! Di pala namin nasabi sayo!" Jackie explained.
"Hala! Trix, sorry! Absent ka nga pala nun! Nakoooo! Sorry talaga." Trish said.
Pag-uuntugin ko tong pitong kaibigan ko! Ba! Hindi man lang nabanggit sakin na may homework!
Natapos ang buong period na hindi naman naging issue yung assignment. Haha! Buti na lang. Yung ibang prof kasi masyado pa ring particular sa homework.
Hanggang sa natapos na lahat ng klase sa araw na to. Nagpaalaman na kami ng mga friends ko. 3:00 pm pa lang. Walang practice ang OP sa buong week na to. Ewan. Busy yata yung karamihan ng mga members pati na rin si Sir.
Speaking of Sir, eto siya tumatawag. Syempre, sinagot ko kaagad yung phone ko. Alangan namang magpakachicks pa ko. Ang ganda ko naman masyado nun! XD
/ "Hey... Where are you?" / bungad ni Sir.
"Naglalakad na papunta sa LRT, Sir. Pauwi na ko eh." I answered.
/ "May gagawin ka ba ngayon? School stuff or something?"/ tanong ulit niya.
"Mmm... wala naman akong nakalistang gawain, Sir. Bakit po?" pagbabalik ko ng tanong.
/ "May pupuntahan ka?" / tanong na naman niya.
"Wala rin, Sir. Pauwi na nga ako." I said.
/ "May gig ngayon ang banda. Tara, sama ka." / aya ni Sir.
Aba syempre go ako! Wala naman akong gawain eh. Pero magpapapilit muna ko para cute. XD
"Mmmmmmm..." kunware pinag-iisipan ko pa. Hahaha!
/ "It's not a question. It's a command. Kaya wag mo na pag-isipan pa. Parusa mo yan kasi wala kang homework kanina." / Sir Darrel said.
LUHHHH! Nalaman niya wala akong homework!
>________________________<
Malamang!
"Luhhhh! Ang bigat naman ng parusa ko, Sir!" kunwareng pagrereklamo ko.
/ "Mabigat ba yun?" / tanong niya.
"Charot lang! Saan ba, Sir?" I asked.
/ "Sa Makati. Just stay where you are. Puntahan na kita dyan." / he said.
"Sige, Sir. I won't take another step. Haha!" sabi ko.
/ "Silly." / comment nya before he ended the call.
Wala pang 5 minutes tanaw ko na yung kotse ni Sir. Nung nasa harap ko na, sumakay na ko agad. Mahirap na baka may makakita pa. Ayokong ma-issue. Nagtuloy na sa pag-drive si Sir.
"Oh, bakit parang nagmamadali ka?" tanong niya pagkasakay ko. Napansin pala niya.
"Syempre, Sir. Ang daming students sa labas. Eh ang dami mo pa namang fans baka kuyugin ako pagnakita akong sumasakay sa kotse mo, Sir." I explained.
Tumawa lang siya in response.
"Let's grab some snack?" tanong niya.
I smiled and asked "Is that a question or a command?"
He smiled too. "It's a question." he answered.
"Mmmm... Sige, Sir." pagsang-ayon ko.
Nag-drive thru lang kami. Snack lang naman eh.
"Sinabi ko na kela Carlo na kasama kita. Ayos daw. Wag kang masyadong lalapit kay Zack ha." Sir Darrel said.
"Bakit? Hala! May sakit siya, Sir?" tanong ko. Nag-worry naman ako bigla.
"Wala. May gusto kasi yun sayo diba." sabi niya.
"Aaah. Kala ko naman kung ano na. Good friends lang naman kami nun, Sir eh." I explained.
"Good to hear that." he said then cleared his throat. "Pero ako... I don't wanna be just good friends with you, Trix." Sir Darrel continued.
O_________________O WATDAEFFFFFFFF!
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Ficção AdolescenteA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?