No where

45 2 0
                                    

pinilit kong buksan ang pinto pero may kung anong mabigat na naka harang dito kaya diko mabuksan

hindi ako makahinga at sobrang dilim ng lugar nanghihina ako di dahil sa ginawa ni jake kundi dahil

sa phobia at trauma na naranasan ko dati, parang babawian na ako ng hininga pinilit kong sumigaw para humingi ng tulong pero parang walang nakakarinig sakin..

kinabukasan...

"nagising nalang ako sa napaka ingay na tunog ng ambulansya"

"si kuya ang unang hinanap ko sa tabi ko pero wala sya, marahil abala nanaman sa trabaho nya..."

"ok kalang ba? may masakit ba sayo?

hindi na ako nagsalita at natulog nalang ulet..

makalipas ang ilang oras...

gising na gising na ako at medyo kumakalam na ang sikmura ko

marahil halos buong araw akong di kumain..

oh.. gising kana pala ano na nararamdaman mo?

tanong ng isang nurse na naka assign sa kwarto ko..

ayos lang naman medyo nagugutom lang..

medyo napangisi sya at nag paalam na tatawagin lang ang doctor

ilang minuto lang at dumating nadin si doc. konting check up at interview sa mga nangyari at yon natapos nadin yung session..

baka bukas pwede na akong maka labas ng hospital..

"nasan na kaya si kuya? bakit kaya wala sya dito"

medyo nag tampo ako dahil wala sya pero bakit nga ba wala sya dito

naisipan ko na tawagan nalang sya, kaya pinilit kong tumayo para humanap ng telepono at mag tanong nadin sa information desk

pupwede bang makagamit ng telepono?

agad na iniabot sakin ng nurse ang telepono at nag simula na akong mag dial ng number..

nag ririring ang telepono ni kuya pero walang sumasagot, naka ilang dial nadin ako pero wala padin..ano kaya nangyayari kay kuya? medyo nag aalala na ako sakanya..

kinabukasan....

nag aayos na ako ng mga gamit ko para sa pag labas ko ng hospital, wala naman problema sa bills kase sagot na ng school lahat ng gastusin, palabas na ako ng kwarto ng may sumalubong sakin..

ako nga pala si atty.sandoval ikinagagalak kitang makilala..

marco maniego sir..

pwede ba kitang ma imbitahan na mag kape?

medyo nagtataka ako sa mga nangyayare pero kahit wala akong ideya kung ano't ano, sumama nalang ako para makipag usap..

ng makarating kame sa isang malapit na coffee shop, nagpatuloy ang usapan namin..

Mr.maniego gusto sana kitang kausapin tungkol sa nangyari..
ako ang attorney ng pamilya acosta..
makikiusap sana kame na manahimik ka nalng patungkol sa nangyari

medyo natulala ako at walang masabi teka lang kilala ko bang taong tinutukoy neto?

mawalang galang na sir pero diko kayo maintindihan..

look mr.maniego ayaw ng pamilya acosta na ma involve sa skandalo ang pangalan nila kaya..

bago nya matapos ang sinasabi nya hindi ko alam pero basta nalang me lumabas sa bibig ko..

mawalang galang na sir kung ayaw nyo ho ng skandalo, at malaking gulo sana po kontrolin nyo yung alaga nyo..

medyo matapang na pag sagot ko hindi ko alam kung tama pero, isa lang alam ko..natuklasan ko na ang kahinaan ng kalaban ko..

medyo nainis sya sa mga nasabi kaya ..

magkano ba?

excuse me sir? ano ho ibig nyong sabihin?

bigla syang naglabas ng papel di basta papel, kundi checke

ayos naba ang 20thousand? 50? okya 100?

paumanhin sir pero aalis na ho ako..

agad kong kinuha ang gamit ko at umalis na, alam ko tama yung ginawa ko, di sa ma pride ako, pero pag tinangap ko yun ibig sabihin binayaran na nila ako at ng pamilya nya para api-apihin..

makikita nya..makikita nila..

habang nag mamadali sa paglakad

natanaw ko sa kabilang kanto si jazper, medyo di maganda ang hitsura nya at nag mamadali sa paglalakad tinawag ko sya pero sa sobrang tulin nya at sa dami ng sasakyan di nya ako narinig..

nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hangang sa makarating  ng bahay

ano kaya mangyayari bukas?

sana wala ng mangyari tulad non kung hindi...

binaba ko na ang aking mga gamit at nagtungo na sa kwarto..hangang sa mga oras na yon di padin nagpaparamdam si kuya..

ano na kaya ginagawa nya, bakit ba ang hirap nya ma contact di naman sya dati ganto..

medyo may namuong luha saking mga mata, at pinilit kong di umiyak sa mga nangyari...

kung andito lang sana si mama at papa, matutulungan nila ako...

nanatili ako sa ganong posisyon hangang sa makatulog ako...

mama....papa....
miss ko na kayo..

mga bagay na sinasambit ko habang mahimbing na natutulog

The BulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon