©2022 by Dhymiiee_80
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any written, electronic, recording or photocopying form without written permission of the author.
***
“There she is!”
Ngumiti ako sa kanilang lahat, inabutan ko silang naka-upo sa isang round table at umiinom ng champagne. Bumeso muna ako bago umupo sa tabi ng best friend ko'ng si Faye.
“Omg, ang laki ng pinagbago mo Ezra! hindi ka na dugyot!” biglang lumitaw si Hazel na may dalang glass of water, nagtaka ako kung bakit hindi siya umiinom.
“Glass of water?” tanong ko.
“Well, hihintayin ko muna si Yuan before I drink! baka magtampo nanaman yun,” umirap siya at umupo sa kaliwa ko.
Wow! naging sila talaga ni Yuan? Akala ko hindi sila magkakaroon ng happy ending, saksi ako kung paano nila nabuo ang love story nila, saksi din ako sa hirap ni Yuan na ligawan si Hazel. Kakaiba din kase ang love story nila.
“Kagagaling mo lang sa trabaho?” nalipat ang atensyon ko kay Faye.
Tumango ako at uminom ng champagne, yung iba naman naming kaklase ay nagkakantahan ng theme song ng batch namin, mga lasing na. Napatawa kaming lahat ng bigla nalang pumiyok si Drake. Napatingin si Drake nang napansing nakatingin ako sakanya, “Oh, Ezra! ikaw ba yan? mas lalo kang gumanda!”
Tumawa ako, “Sumbong kita kay Red,” biro ko.
Inakbayan naman siya ni Jake na nasa tabi niya, “Gago pare! may Red ka na!” tumawa ang lahat dahil sa sinabi niya, selosa kase yung si Red, lahat ng dumidikit sa boyfriend niya ay inaaway niya.
“Hala, sorry late!”napalingon kaming lahat sa kararating lang na si Anya, hingal na hingal, “May client kase akong pinuntahan kanina!” she excused, umupo siya sa tabi ni Hazel at inayos ang buhok.
“Okay lang no! alam naman naming kauuwi mo lang kagabi galing New York at ang dami mo pang ginagawa!” sabi ni Faye para hindi mahiya si Anya.
“Grabe Anya! big time ka na talaga!”singit ni Yuan na kararating lang,“Hi babe,” nagkiss pa sila ni Hazel na parang walang ibang tao.
“Ayy taray,” tumaas ang kilay ni Faye kaya natawa ako.
“Anya, pede ka ba naming kunin bilang designer sa kasal namin ni Yuan?” tanong ni Hazel kay Anya na abala pa rin sa pag-aayos sa sarili.
Si Anya. Nakita lang namin siya sa kalye noon na nag-aaral at gustong makapag-aral,ngayon ay big-time na at sikat na fashion designer sa New York, grabe din ang narating niya. I admired her strong personality, natupad din niya ang pangarap niya noon.