Chapter 20 - Gift That Matters

1.6K 75 11
                                    

Thank you for still reading up to this chapter. I dedicate this chapter to loyal readers!

May contain typos and grammatical errors.

__

PAGKAGISING isang umaga ay masaya ang kwentuhan ng mga katulong at houseboys lalo na ngayon ay wala ni si Alyana sa mansion. Naririnig niya lamang ang pag-uusap ng mga ito na deserve ni Alyana ang nangyari rito. Minsan lang daw magalit si Sir Levi ng ganoon kaya nasagad daw siguro ni Alyana ang pasensiya ni Sir Levi.

Walang nagawa si Alyana dahil sa galit ni Sir Levi 'non ay sinong hindi matatakot. Madam Katarina had pleaded Alyana to stay, but Alyana was embarrased. Pinabaunan pa siya nito ng salita bago lumabas ng bahay.

"You'll pay for this, Diwata. Panalo ka man ngayon pero sa totoong realidad, hindi ikaw ang para kay Levi. Fantasies and fairytales fade. Kung ginayuma mo siya, that's very poor of you. Hindi naman siya mababaliw ng ganito sa'yo kung wala kang pinainum sa kanya. Who would love a girl like you? Cheap and fucking poor..."

She wasn't offended sa mga salita ni Alyana. Sa mga akusasyon nito siya naiirita. Hindi siya naniniwala sa mga gayuma. Walang gayuma.

At sanay na siya sa mga taong kaugali ni Alyana. Kaya siguro gustong-gusto ni Madam Katarina si Alyana kasi pareho ang mga ito ng pinaglalaban.

In the end, Alyana left and Madam Katarina cried. OA masyado.

Iyon ang dahilan na isang linggo bago ang Pasko ay panay pagalit sa kanya ni Madam Katarina. Pinaparinggan siyang sampid sa mundo ng mga ito. That her son was obviously under a black magic or love potion para patulan siya nito. Gaya ng accusations ni Alyana. Madam Katarina would still not believe that her son marry Diwata.

Ang pananaw nito sa buhay ay dapat ang mayaman ay dapat sa mayaman. Hindi ito isang fairytale na ipinaglalaban ang mga pag-iibigan. Iyong galit ni Madam Katarina sa kanya ay abot langit. And she had high hopes that her son would recover from magic spell.

Kaya nagsusumikap si Diwata sa pag-aaral para patunayan ang sarili na hindi naiinsulto ng mga mayayamang kagaya ni Madam Katarina.

Gusto niyang bumuga ng apoy sa harap ng matanda. She was testing Diwata's patience. Imbis na makakain siya ng maayos ay pinuputol nito ang kanyang pagsubo dahil sa mga paratang nito sa kanya. Minsan sa mga pagkain ay nag-aaway si Madam Katarina at Sir Levi dahil sa kanya.

December twenty-one, huling sigawan ng mag-ina na ikinasigaw ni Madam Katarina na sa mga Vallejos ito magse-celebrate ng Pasko o sa America. Kita niya ang sobrang pag-igting ng panga ni Sir Levi dahil sa pagtitima na sigawan ulit ang ina. Masyado na kasing offending ang ibang paratang ng matanda.

Na kesyo malandi, gold digger, magpapabuntis si Diwata para makakuha ng mana. She didn't know where her personality came from. Siguro sa mga mayayamang may class, si Madam Katarina ang hindi nabilang sa hanay. Hindi umayon ang yaman nito sa ugali at personalidad.

"Don't worry, Vincent. I will be back with greater aces. At sa pagbalik ko, I assure you, you and Diwata will never end up together. You just can't..."

May pagbabanta sa boses nito. Nararamdaman niya ang 'I will be back with vengeance.' Ito pa ang may ganang maghiganti sa kabila ng lahat ng mga nakakainsultong salita nito.

Ngayon, ramdam na ni Diwata na nagtagumpay sila sa kanilang plano. Wala na si Alyana. Wala na si Madam Katarina. Sa dating ng mga ito ay hindi pa naman sumusuko ang dalawa pero pakiramdam niya ay makakahinga siya ng maluwag. Umalis lang yata ang mga ito para makapagplano ng kung anong mas masamang mga bagay ang dapat gawin para mapaghiwalay sila ni Sir Levi.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon