TFoA 1

2.2K 36 4
                                    

It's been Five years since the earthquake hit our place. It was worst...It was a tragedy that killed many people. A nightmare I wish I never experienced.

Simula nun hindi na bumalik sa normal ang pamumuhay ko. Madami nang nagbago na hindi ko inaasahan.

Hindi ko kayang ibalik ang dating ako.

Ayaw na ayaw ko na sa matataong lugar lalo na sa mga maliliit na bata. Pakiramdam ko mamamatay sila pagnadikit sa akin o di kaya may mangyayaring masama.

Nangingilid ang luha sa mata ko dahil dumagsak ang tao sa labas man o loob ng simbahan. Hindi ako makahinga...

"Susko! Apo, halika umupo tayo dito." Napansin ata ni Grandma ang ilang at takot ko sa mga taong nasa loob kasama namin.

Nilalabanan ko naman ang takot ko sa mga tao pero hindi ko talaga matagalan.

"Grandma umuwi na tayo, please po." Napabuntong hininga si Grandma bago kami umalis roon.

Sakay ng tricycle tinanaw ko ang mga berdeng palay at dilaw na mga mais. Malago silang sumasayaw at sumasabay sa ihip ng hangin.

Pag-kababa ay dumiretso na ako sa garden. Dito muna ako para makahinga saglit. Alam kong nalulungkot si Grandma para sa akin.

Binagsak ko ng bahagya ang katawan ko sa Bermuda grass. Tinakpan ang mata gamit ang braso ko para maka-idlip.

Bakit pa kasi ako naniniwala sa ads na yun! "Face your fears" I tried kanina sa bayan pero kinakabahan at natatakot ako sa mga tao, mostly sa mga bata.

Hindi ka talaga nag-iisip Alejandra Cleopatra!

"Apo nagluto ako ng maruya, tatlong oras ka na riyan!." Nagising ako sa amoy ng meryenda at sigaw ni Grandma.

"Andiyan na po!" Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay.

I stop running when I notice the four cars, parked outside of our house.

Labas mismo ng gate namin, biglang bumilis ang tibok ng puso parang aatakihin ata ako sa galak. Baka yung apat na heroes ko!

Humarap ako sa bintana kung saan kita ang repleksyon ko sa salamin. Inayos ang nakaipit na hairpin sa buhok at pinagpag ang ilang damo sa pulang bistida.

Tatlong buwan nang hindi ko sila nakikita.

Finally! Umuwi na sila!

Mula sa maliit na veranda ng bahay namin rinig ko ang kwentuhan ng apat na lalaki at ang tawa ng Grandma ko.

"Naku, mga Iho matutuwa si Alejandra na andito kayo."

Hindi pa ako papasok, paki-kinggan ko muna ng unti ang mga boses nilang na miss ko!

"Grandma, where's Cleopatra po?" Lalaking lalaki talaga ang boses ni Lanter.

"Nasa garden, mamaya narito na yun."

"Sundan ko na po Grandma." Ay! Bago pa ako puntahan ni Garret binilisan ko ang lakad at nasa pinto na ako.

Sa siwang palang ng pinto nananabik na akong makita at mayapos sila. Yakapin.

Tumayo ang apat na bruskong lalaki nang makita ako sa tapat ng pinto.

"Ayan na pala siya, ihahain ko muna ang mga dala niyo, Alejandra entertain mo muna ang mga Kuya mo."

Hindi na ako hinintay sumagot ni Grandma at pumunta na sa kusina.

"How are you?" Katabi ko sa upuan si Franco.

Nilalaro naman ni Wraz ang nakataling buhok ko.

"Okay lang." Ngumiti ako rito at napapikit dahil sa palad nitong humaplos sa pisngi ko.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon