Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakahawak ang nanginginig kong kamay sa pihitan ng pinto.
Nagpakawala ako ng isang napakalalim na hininga tsaka ko nilakasan ang loob ko na pihitin ng dahan dahan ang knob ng pintuan.
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang pagbukas ng pinto.dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata.upang masilayan ang isang bulto ng lalaking nakatalikod sakin.
Matangkad ang lalaki na sa pagkakatansya ko ay nasa 5'7 ang taas.matipuno din ang pangangatawan nito base na din sa sukat at linyada ng balikat sa suot nitong amerikanong kulay itim.
Iniayos ko ng bahagya ang aking suot na maiksing kulay pulang bestida na abot hanggang hita ko.taas noo akong naglakad papalapit sa lalaking nakatalikod.habang pilit kong kinakapalan ang pagmumukha ko.
Tila naramdaman naman ng lalaki ang presensya ko.base na din siguro sa bawat ingay ng yabag ko.dahil na din sa may kataasang takong ng sapatos na suot suot ko.
Napaharap sakin ang lalaki.at gayun na lamang ang pag awang ng bibig ko ng makita ko kung gaano kagandang lalaki ang uupa sa katawan at sinapupunan ko.
Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko ng magtama ang aming mga mata.kabado akong ipinagpatuloy ang paglapit ko sa lalaki.habang ito naman ay tila abala sa kakaestima sa bawat sulok o kurba ng aking katawan.
Walang kangiti ngiti sa mga labi ng lalaki at blangko din ang mga mata nito na di man lang nagpapakita ng kahit anumang emosyon.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kinatatayuan ng lalaki.ay mas lalong lumulutang ang kagwapuhan nito.gayundin ang kakaibang karisma nito.
"So.,your the applicant?!".diretso nitong tanong sakin sa baritonong boses.seryoso ang mukha nito at walang bakas ng kahihiyan o pagka asiwa nito sa temang pinag uusapan namin.
"Ako nga po..Mr.Lim."nakangiti kong sagot dito habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata nito.
Itinaas ko ang aking kamay upang makipag kamay dito.ngunit laking dismaya ko.ng pakatitigan lamang nito ang mga kamay ko ng ilahad ko dito.
"Let's get into business."anya ni Mr.Lim pagkatapos kong ibaba ang mga kamay ko habang namumula ako sa kahihiyan.
Nilunok ko ang kahihiyan ko.tsaka kinapalan ko ang mukha ko sa pag sang ayon sa gusto nito.
Tutal naman ay wala akong mapapala.kapag pinairal ko ang kahihiyan na yan.lalo pa ngayon at gipit na gipit ako at kapit sa patalim.dahil sa nakaconfine ang anak ko sa ospital.dahil sa na diagnosed na may "leukemia"ito at kinakailangan ko ng malaking halaga para matutustusan ang operasyong gagawin dito.upang madugtungan ko ang buhat nito.idagdag pa dyan si mama na may sakit sa puso.at may pang maintennance na gamot na kailangang tustusan sa araw araw.
Ipinanganak akong mahirap.kaya kahit anong trabaho ay pinasok ko ng tumuntong ako sa edad na dise sais.nagpa alila ako at namasukan bilang katulong.nagsales lady ako sa ibat ibang department store o malilit na establisyemento.,idagdag pa dyan na naging tindera din ako at serbidora sa iilang kantena dito sa kamaynilaan.ngunit kahit anong pagtatrabaho ko.ay di pa din talaga sapat ang kinikita ko.at sapat lang iyon sa pantawid gutom namin nila mama at anak ko sa pang araw araw.kaya napilitan akong lunukin ang kahihiyan at isantabi ang dignidad na natitira sakin ng pasukin ko ang pag hostess o gro sa isang presteryosong club dito sa malate.
Di ako nakatungtong ng kolehiyo.kaya siguro.hanggang pagiging isang "magdalena"o babaeng bayaran nalang ang kahahantungan nitong buhay ko.
"Take of your clothes."anya ni Mr.lim na nagpatigagal sakin sa kinatatayuan ko.
Napatingin ako agad dito.at base sa anyo ng mukha nito ay seryoso ito sa ipinag uutos nito.
"Limang milyon para sa puri ko at sa pagpapahiram ko sa sinapupunan ko."pangungunsensya sakin ng kabila kong utak habang unti unti kong inihuhubad ang saplot saking katawan.
Iniyuko ko ang ulo ko habang unti unti kong iniaalis ang saplot sa katawan ko.
Bagamat nakayuko ako ay ramdam ko ang bigat ng titig na ibinibigay sakin ni Mr.lim.tahimik ito.at kahit tikhim ay wala ka man lang mauulinagan o madidinig dito.
Nang maihubad ko na ang lahat ng natitirang saplot saking katawan ay halos mamula ang kulay ng mukha ko dahil sa eto ang kauna unahang ibinalandra ko ang hubot hubad kong katawan sa isang lalaki.
Dahil bagamat isa akong gro,bayaran o isang uri ng mababang babae ay ni minsan ay di ko ibinenta ang katawan ko.kagaya na lamang dito kay Mr.lim.dahil sa gipit na din talaga ako.at nangangailangan ako ng madaliang pera.
"Not that bad."anya Mr.Lim habang pinaiikutan ako ng lakad nito.
"Magbihis kana."mabilis nitong utos sakin tsaka naglakad papalayo ng kaunti sa kinatatayuan ko.
Nanginiginig ang mga tuhod at kalamnan ko habang isinusuot ko sa madaliang paraan ng mga damit ko.
"Your hired."anya Mr.Lim..habang abala ako sa pagmamadaling matakpan ang hubot hubad kong katawan.
Di ko alam kong matutuwa ba ako dahil sa nakuha ko ang trabaho bilang isang "babymaker"na aanakan lang nito.o malulungkot ba ako dahil sa mawawala na sakin ang puri na pinakaingat ingatan ko sa loob ng halos dise otsyong taon.
"Here's my down payment."anya ni Mr.Lim tsaka inilapag ang isang tseke sa mesang nasa gilid ko.
Diretsong nilakaran at nilampasan ako nito.habang ako naman ay aligagang aligaga na ayusin ang strap ng bestidang suot ko.
Nahihiya kong pinakatitigan ang tseke habang ramdam ko ang titig sakin ni Mr.Lim na tumayo malapit sa may bukana ng pinto.
"Your work starts tomorrow.,be at my hotel room at 9pm sharp."diretsyo nitong sabi sakin.tsaka ito agad na lumabas ng pinto.
Pigil hininga akong kinuha ang tseke sa mesa habang pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Ngumiti ako ng pagkapait habang nagtatalo ang isip at puso ko.dahil sa pagbaba ko sa sarili ko.at pagdungis ko sa dignidad na maituturi kong kayamanan ko.
"Walang wala na nga ako.,pati ba naman ang dignidad na itinuturing kong kayamanan ko ay kukuhanin pa sakin ng diyos?!."naiiyak kong sumbat sa maykapal habang nakatitig ako sa tsekeng naglalaman ng isang milyon.paunang bayad para sa pagbebenta ko ng katawan ko at pagpapa upa ko sa sinapupunan ko.
------------------------
Ako si Crisanta Dela Cruz.
Dise otsyo anyos.
Isang Babaeng "Paupahan."