Ysa's POV
Wushuuuu! Nagka-POV din! Kating kati na ako sa pagkukwento. HAHAHA. Andami ko pa namang chika.
Ako nga pala si Ysabelle Anne Yuchengco. Ako ang dakilang best friend ng bida. Ohaa? Dumadakila :D
So eto na nga. Christmas break na. Ang ibig sabihin nyan, wala ng Pasoook! Hays. Medyo malungkot. Halos 2 weeks kong di makikita sina Bess Iya at si Aya.
So dahil bakasyon na, wala akong ibang gagawin kundi ang tumunganga sa park at magmasid. Charr lang. Syempre yung Pagmamasid ko, may kasamang paglalandi sa mga pogi. HAHAHA.
"Ysaa!" tawag sakin ng isang babae.
Ano ba yan. Sa Lahat ba naman ng pwedeng tumawag sakin, bakit babae pa? Pwede namang lalaki? tapos pogi? HAHAHA
"Oh Lorraine ikaw pala" sabi ko. Bakit kaya to nandito? Di naman taga dito ito eh.
"Kamusta na Ysa?" tanong nya.
Eto. Still Pretty. HAHAHA. Joke. Mahiyain ako :P
"Hmm. Okay lang." maikling sagot ko. Eh di naman kase kami close neto nuh.
May naalala tuloy ako. Di ba eto yung Lorraine na Ex ni Daniel? Na Crush ni Iya? HAHAHAH. Keme lang. Di ko alam kung crush ni Iya si Daniel. Eh dinedeny nya naman lagi eh. Kaso para talagang crush nya. Kase lagi ko syang nakikitang nakatingin kay Daniel.
"Ah. Nice naman."
"Ikaw kamusta na? HAHAHA. Sorry ha, di kase ako sanay makipagusap sa hindi ko masyadong close." sabi ko.
"Okay lang. HAHAHA. Alam ko naman yun eh. At saka okay lang din ako." sabi nya tapos ngumiti sya.
Sa totoo lang, walang halong panlalait, di naman talaga kagandahan si Lorraine eh. Sya yung tipo ng girl na hindi mo aakalaing magkakaboyfriend. HAHAHAHAH. Nakakatawa diba? Pero yun nga yung totoo.
Teka.. Kung crush nga ni Iya si Daniel. Pano na yung friendship nila ni Lorraine? Ang alam ko kase kaibigan to ni Iya. at lagi silang magkasabay umuwi nento eh.
"Lorraine, nakamove-on ka na ba kay Daniel?" tanong ko.
Halatang nagulat sya sa tanong ko pero nakabawi naman agad.
"Hahaha. Oo naman. Bakit mo naman natanong." nakangiti nyang sagot.
Tss. Plastic Smile.
"Ah wala lang. Pero Lorraine pano kung kunware. Meron kang kaibigan na nagkagusto kay Daniel. Okay lang yun sayo?" tanong ko.
"Wala na anman akong paki kay Daniel. At saka di ko naman minahal yun eh. Actually pinaglaruan ko lang sya. At kung may kaibigan man akong magkakagusto sa kanya, wala naman akong magagawa. Buhay nila yun" mahabang sagot nya.
Sa narinig ko, di ako naniniwala sa kanya. Kase dati pagcleaners kami, lagi silang naglalandian. Sorry for the term ha. Ganun kase yung nakikita ko. At alam ko na hindi lang basta landian lang para sa kanya yun. Nakikita ko sa bawat pagtititigan nila na mahal na mahal nila ang isat-isa.
Tapos one time pa nga nakita namin siya ni Aya na kiniss ni Daniel. Nagpapahalik sya tapos di nya mahal? Ano Higad lang?
Hehehe. Sorry talaga kung ganito ako ha. Prangka kase akong tao. At kung ano yung nakikita ko yun yung sasabihin ko.
"Ah ganun ba." Yun na lang yung nasabi ko.
Halatang nagsisinungaling sya. Promise. Alam nyo ba one time nung nakita kong magkausap sila Daniel at Iya, halata kong nasasaktan sya.
Ewan ko ba dito sa babaeng to. Napaka Plastic.
"Hoy Ate Ysa. Pinapatawag ka ni Mama. Aalis daw tayo" tawag sakin ng kapatid ko.
"Oo na. Sige, wait lang." sigaw ko sa kanya.
"Tinatawag ka na pala" sabi ni Lorraine.
Ayy. Nandyan pa pala sya. Akala ko umalis na.
"Ahh. Oo nga eh. SIge Bye." tapos tumakbo na ako.
Kelangan talagang tumakbo pauwi. Grabety. Ayoko kaseng masigawan na naman ng Mudra ko. Grabe pa naman yun kung sumigaw.
"Ysabeeeeellllleeeeeee!!!!!!" speaking of sumisigaw, ayan na nga sya.
"Ma, nandito na ako. Easy lang." hingal na sabi ko. Halerrr! Tumakbo po ako no. Alangan namang hindi ako hingalin! Ano ako? Si Flash -_____-
Magbihis ka naaa! Aalis tayo." sigaw ni Mama
Para namang ano tong Nanay ko. Wala naman ako sa kabilang bundok para sigawan nya.
"Ah. San Punta?" tanong ko. Baka kase iligaw ako ng mga to. Mahirap na.
"Ililigaw ka." sabi ni Papa. -______- Azar talaga ako sa tatay ko. Walang ibang ginawa kundi asarin at inisin ako.
"Wag ka na magtanong. Basta magbihis ka na dali." sabi ni Mama.
So pagkasabi ni Mama nun, Umakyat na ako sa kwarto para magbihis. Bilisan daw eh.. So nagmadali na ako. Pero kahit rush, stay beautiful pa din diba? HAHAHAH.
After 1 year, dejoke. 30 minutes lang naman, Bihis na ako.
"Grabe ka naman. Akala namin nag-gown ka pa." sabi ng kapatid ko.
"Wapakels." pagtataray ko.
"Wag na kayong mag-away. Tara na." sabi ni Mama. Di naman sila ganun kaexcited nuh?
"Oh wait. May naiwanan ako." sabi ko
Sabi na nga ba. May kulang eh. Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko.
Kelangan ko yung Cellphone ko.
I think, madami akong dapat ishare kay Iya at Aya.
BINABASA MO ANG
The Search for Forever with Mr. Seatmate
RomanceLahat ng Taong Sumasabak sa Pag-ibig, Nasasaktan. Normal na yan sa atin. Oo Sa Simula masaya. Pero sabi nga nila, Lahat ng Simula ay may Katapusan. Pero di Ibig sabihin nun, Susuko na tayo. Oo nakakatakot sumubok ule. Pero pano natin Matatamo yung...