CHAPTER 13

9 2 0
                                    

KENNETH's POV:

"Bakit niya daw ginawa yon." Sabi ko kay Ate Vernie.

Habang pabalik kami sa bahay nila.

Pumunta kasi kami sa puntod ni Mama. Katutuwa nga eh. Dahil nong gabing mamatay si Mama. Sumunod daw non si Jay pati narin ang ibang tao. Tas nakita nilang patay si Mama non.

Tas inutos daw ni Jay na ilibing si Mama.

"Hindi ko din alam.." sabi ni Ate.

At ito kami ngayon pabalik sa bahay nila ate vernie. Dahil mataas na ang sikat ng araw.

Pagdating namin sa bahay nila Ate. Naroon pala si Jay at kanina pa ako hinihintay.

Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking to dito.

"Mama nandito na po kami ni Kenneth.." Saad ni Ate Vernie.

Pumunta siya sa kusina at iniwan kami ni Jay sa sala.

"Nasabi ni Inay Linda na pumunta kayo sa puntod ng Mama mo. Gusto ko sanang sundan kita don, pero naisip ko na baka makaistorbo lang ako.." sabi ni Jay.

Umupo ako sa sala. Para makapag pahinga. Hindi ko siya inimik. Ayukong makausap siya. Tumataas ang dugo ko sa lalaking to.

Kahit kailan hindi ko mapapatawad ang taong naging dahilan ng pagkawala ni Mama.

Hindi porket nagmalasakit siyang ilibing si Mama. Hindi na ngangahulogan nun na makakalimutan ko ang nagawa nila.

Buhay ang nawala at kahit sorry hinding hindi kayang ibalik ang buhay na nawala.

Teka, sorry? Ni hindi nga humingi ang tukmol na to ng sorry. Tas ganito pa siya makitungo saakin. Anong akala niya ganun ganun nalang yon.

"Siya nga pala, binilhan kita ng mga damit at mga-"

"Anong ginagawa mo dito?" Pag putol ko sa pagsasalita niya.

Napatingin ito saakin na para bang nagulat sa sinabi ko.

"Kenneth, dinala ko lang ang mga pinamili ko.." sabi niya

Saka nilagay nito sa mesa ang mga shopping bags.

"Hindi ko kailan yang mga pinamili mo. Hindi ako tumatanggap ng mga gamit na galing sa nakaw ang pera.." Sabi ko.

Tumayo ako.

"Pasalamat ka. Hindi ko pamamahay to. Dahil kong hindi baka ako pa ang kumaladkad sayo paalis sa bahay nato.." Sabi ko.

Saka ako pumunta sa kusina. Nakita ko doon si Inay Linda na nag hahanda ng tanghalian. Kaya tinulongan ko na.

"Oh Kenneth. Nasaan na si Sir Jay.?" Tanong ni Inay.

"Vernie tawagin mo na si Sir Jay ng makakain na tayo.." utos ni Inay kay Ate.

"Wala na Inay. Pinauwi ko na si Jay.." Mabilis kong sabi.

Kaya napatigil sila sa sinabi ko at napatingin saakin.

"Teka tama ba ang narinig ko.." Sabi ni Ate.

Ngumiti ako sa kanya. Saka tumango.

Natutuwang lumapit saakin si Ate.

"Alam mo Kenneth ikaw palang ang bukod tanging nakakagawa non kay Sir Jay.." Sabi ni Ate.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Nakagawa ng alin?" Takang sabi ko.

"Yong kaya mo siyang pagsalitaan ng ganun. Alam mo naman lahat ng tao dito sa barangay natin takot sa kanila.." Sabi niya.

She's A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon