YUMI POV
"Ang tagal naman nila?" Tanong ni Maica.
Nasa park kami malapit sa school dito daw kami magkikita kita. Hinihintay nalang namin sila Kuya Owen, Ate Ria, Kuya Shin, Ate Shanen at Rio nasa iisang bahay lang kasi sila kaya sabay sabay silang darating.
"Oo nga excited na ko! Gusto ko ng magswimming." Sabi naman ni Ayane.
Tahimik lang kaming nakikinig sakanila ni Faye at Jessica.
"Halata nga hindi na nga kayo mapakali dyan." Natatawang sabi ni Yuki hinampas naman siya ni Ayane sa braso pero hinuli ni Yuki yung kamay ni Ayane. Kami naman patay malisya lang para hindi mahiya si Ayane pero nagtitinginan kami nila Maica at palihim na tinutukso sila.
"Ang init. Dapat pala ng pants muna ako." Sabi ni Maica naka short shorts at crop top sya halatang excited nag magswimming pareho sila nila Angie.
Kagaya nila Maica naka short shorts din sila pati si Ate Akira ako lang ang hindi naka shorts mainit kasi kaya nag above the knee shorts muna ako at t-shirt.
Yung mga lalaki naman naka floral shorts yung iba naka plain shorts lang tapos sando at t-shirt lang din. May mga dala pa nga silang shades pinag usapan nila sa messenger kagabi.
"Gusto ko na mag swimming!" Sabi ni Patty.
"Selfie tayo!" Sabi ni Angie nilabas nya pa yung mono pad nya. Nagpicture picture na sila Jessica dun.
Umupo muna ako sa tabi nila Ate Akira at Akihiro. Tatabi na sana ako kay Ate kaya lang bigla akong hinila ni Akihiro sa tabi niya. Tinignan ko siya pero hindi siya nakatingin sakin pero parang nakita ko syang nakangiti. Tinignan ko si Ate natatawa lang sila saamin ni Akihiro kasama din namin si Kuya Adrie.
Ilang minuto lang kaming naghintay dumating na sila Kuya Owen nilagay na namin yung mga bag namin sa likod ng van nila. Hindi kami kasya sa isang van kaya yung iba sa sasakyab nila Jeff sasabay kasama rin pala ni Kuya Shin yung girlfriend nya na si Ate Wynona pinakilala nya saamin kanina. Pinsan pala siya ni Akihiro kaya daw sila natagalan dahil sinundo pa daw nila si Ate Wynona.
"Kanino ako sasabay?" Tanong ko kay Ate Akira.
"Saamin nalang puno na yata sila sa sasakyan ni Jeff." Sabi ni Kuya Owen. Tinignan namin yung kotse nila Jeff nakaready na sila.
Ang kasama ni Jeff sa sasakyan sila Patty, Maica, Angie at Ate Shanen si jeff yung magdadrive ng sasakyan nila. Marunong si Jeff magdrive ngayon ko lang nalaman sabagay marunong din naman si Kuya Owen hindi na nakakapagtaka.
Pumasok na kami sa van. Ang magdadrive si Kuya Owen sa tabi naman niya si Jessica at Ate Ria bigla akong napangiti ng makita sila. Dati crush lang ni Jessica si Kuya Owen ngayon manliligaw na niya.
Umupo ako malapit sa bintana sa pinaka likod ng van nakaupo na kasi sila Kuya Shin at Ate Wynona sa likod ng drivers seat sa may pinto ng van si Daniel kaline nya sila Kuya Shin nasa likod naman nila sila Yuki at Ayane sa tabi naman nila Ayane sila Ate Akira at Kuya Adrie tumabi sakin si Akihiro sa tabi ni Akihiro si Rio at Faye sa kabilang bintana din si Faye.
"Okay na ba?" Tanong ni Kuya Owen.
"Okay na!" Sigaw naman nila Ayane at Ate Ria.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Fiksi UmumHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...