Hanggang pasulyap sulyap nalang ba ako? Hanggang silip silip nalang? Hanggang pantasya? Kailan niya kaya ako mapapansin? Matalino naman ako. May itsura naman ako. Pero bakit parang balewala ako sa kanya?
Isang taon na din akong may crush kay Bryan Corteza. Mahal ko na nga e. Ideal mate ko kasi is Matalino, Math Wizard, Gwapo, Mabait, Dancer at Hindi Snobber. Probably, he's not a snobber we're not just close. Tamang lagpasan lang. Ganun. Lahat ng characteristic na hinahanap ko na sa kanya na e.
Lagi akong nagpapapansin sa kanya. Nagpaclose ako sa teacher niya sa Math ng baka sakaling utusan ako sa kanya pero wala. Nakipag friend ako sa close friend niya ng baka sakaling ipakilala ako nito kay Bryan pero t doesn't work.
Ako nga pala si Janine Garcillano nasa ibang bansa yung parents ko. Mag isa lang ako sa apartment. Isa lang kasi akong anak. Loner.
Nag ffacebook ako. Syempre hinihintay kong mag online siya. At baka mapansin niyang online din ako. Pasulyap sulyap sa mga pictures niya. Hayy, ang gwapo gwapo mo talaga Bryan. Maya maya--
"YESS! Online na siya :)))))))))))"
"Hi Janine."
OhhhhMyGaaaaaaad! Nag chat siya!
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!"
"Um. Hello Bryan."
"Can I request you something?"
Na ano? Sagutin na kita? Ofcourse, Yess, oo naman, syempre.
"Yeah. What is it?"
"May kadate ka na ba sa Prom?"
"Wala pa. Bakit?"
"Puedi bang ako nalang?"
OhhMyGaad! Nananaginip ka lang Janine. Wake up!!
"Janine? Kung ayaw mo ok lang.'
"No. Sige payag na ko."
"Thank you Janine. I love you!"
"I love you? Why?"
"Syempre friends tayo.'"
Ouch. Palibhasa sikat ka lang kaya trash lang ako sayo. Bryan hanggang kailan mo ba ako sasaktan?
"Ah. Welcome."
Makatulog nalang nga.
Kinabukasan.
Pupunta nalang ako sa library tutal lagi naman siyang nandoon e. Nang mainspired naman ako.
"Hi Janine. Kumusta?"
"Ayos lang."
"Sa Prom ha."
"Yeah."
"Bye Janine. I have to go."
Ugh. Wala na siya.
"Bryan, mahal kita!"
Ang daming nagtinginan pero wala akong pakialam. E sa hindi ko na mapigil yung damdamin ko e.
'"Anong sabi mo Janine?"
"Wala. Sabi ko, mag ingat ka."'
"Ah. Ikaw din."
Ang daming bulungan.
Maya maya...
Dadaanan ko sana si Bryan sa Math Department pero nagulat ako ng makita kong may kausap sa Canteen si Bryan. Babae, inakbayan niya ito at ang masakit yung Bestfriend ko pa.
Tumakbo ako nun papunta sa comfort room. At doon humagulgol sa iyak. Ang sakit sakit , bakit sa dinami rami ng babae sa mundo si Jewel pa? Bakit?
"Bryan, sana alam mo kung gaano kita kamahal."